M.P.S (One Shot Story)

1.2K 29 11
                                    

Dedicated to her dahil ang gaganda ng mga one shot stories niya. Nakaka-inspire talaga! :D

Try reading my other one-shot stories after you read this. Thanks. :)

~~~

~~> M. P. S <~~

(One Shot Story)

Tapos na ang summer.

At pasukan na naman.

Panigurado makikita ko na naman 'yung mga naging classmate ko noon at ang mga magiging classmate ko ngayon.

Maaga pa lang e nasa school na ako para naman makakuha ako ng magandang pwesto sa loob ng classroom.

"Good Morning!" naririnig kong baitan sa isa't isa ng mga estudyanteng nakakasalubong o 'di naman kaya e mga nadadaanan ko.

Dahil nga medyo maaga ako ng dating e konti pa lang ang mga estudyanteng nasa loob ng classroom namin.

At isa na nga dun si M.P.S. na halos lagi namang maaga nang dating simula pa lang noon.

Umupo na ako sa may kanan banda sa tabi ng bintana. Dito talaga ang gusto ko laging pwesto kaya naman inaagahan ko ng pasok para wala akong kaagaw o 'di naman kaya e para hindi ako maunahan ng iba.

Nang makaupo ako e sumulyap muna ako kay M.P.S na nakaupo malayo sa akin at may nakasalampak na earphone sa kanyang tenga.

Ang hirap talaga ng ganitong feeling.

'Yung hindi mo maamin 'yung tunay mong nararamdaman sa isang tao, dahil natatakot ka sa mga posibleng maging resulta 'pag umamin ka sa kanya.

Maaaring mailang siya sa iyo, o ang mas malala, ay IWASAN ka niya.

Pero sa sitwasyon ko ngayon, umamin man ako o hindi ng nararamdaman ko sa kanya, e wala rin namang epekto dahil sa totoo lang..

CLASSMATE lang kami at hanggang doon na lang 'yun.

Ni hindi nga kami gaanong nag-uusap e. Naalala ko pa 'yung pinaka una at sa tingin ko e huli na ring pag-uusap naming dalawa.

Tinanong lang niya ako ng mga assignment namin noong 3rd year kami dahil nagkataong absent siya nun at seatmate kaming dalawa.

'Yun lang talaga 'yung unang beses na kinausap niya ako at hindi na naulit pa 'yun hanggang ngayon.

Kaya naman pasulyap sulyap na lang ako sa kanya at pasimpleng tingin na lang din

Unti unti e dumami na rin ang mga estudyante sa classroom, dumating na ang aming adviser at nagsimula na ang unang araw ng pasukan.

At 'di mawawala sa 1st day of school ang "Introduce yourself."

Isa isa na nga kaming nagpakilala at dahil 'di naman ako mahilig sa mga ganito e maikli lang ang sinabi ko at umupo agad ako.

Inabangan ko rin si M.P.S na magpakilala at dahil nga siya 'yung tipo ng taong napaka friendly sa iba (at ewan ko kung bakit 'di kami close) e medyo mahaba 'yung sinabi niya at pinalakpakan siya ng iba at tinilian rin.

Si M.P.S kasi 'yung matatawag mong Mr. Congeniality at Honor Student na gwapo kaya naman hinahangaan din siya ng iba, 'di lang ako.

Siya na nga rin 'yung masasabi mong FULL PACKAGE. Mabait, matalino at gwapo, kaya sa tingin ko e hanggang pasekretong sulyap na lang ako sa kanya.

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. October na ngayon at Foundation/Intrams na namin. Parang kelan lang e first day of school pa lang pero ngayon e school celebration na.

M. P. S. (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon