Maaga akong nakarating sa aming iskwelahan. Halos ako na nga ang nagbukas ng school namin ngayong araw e.
Lumipas rin ng ilang minuto ng magsiratingan ang mga kaklase ko isa na dun ang isa kong barkadang lalaki. Lumapit siya sakin at sinet ang aircondition namin sa silid aralan. Tsaka siya umupo sa tabi ko, ang upuan ko kasi ay nasa likod at malapit lang sa bintana kung nasaan ang mga aircon namin.
Naghandshake kami, yung tinuro niyang handshake tsaka siya nagdaldal.
"Crush mo parin ba yung si lucas?" Tanong niya.
"Oo, ang gwapo niya e. " tinaasan niya ako ng kilay. Hay nako justine. Bumabakla kana hahaha. "Tsaka ang galing pa niyang sumayaw! " tili ko. Iilan pa lang naman ang tao dito sa classroom kaya okay lang haha.
"Gwapo nga, kinulang naman sa height" tumawa siya. Ako naman hinampas lang ang braso niya dahilan naman ng pag aray niya. Psh, Oa.
"Ulol. Ikaw rin naman a? Kinulang sa tangkad" tumawa ako. "Yung nga lang wala kang Gwapong mukha gaya ni lucas" humalakhak na ako.
Dumaan ang mga minuto at tumunog na ang bell sakto namang dumating yung barkada kong babae, si Julia.
"Bian, Time na!" Sabi niya. Ngumiti naman ako naks marangal na studyante na siya o! Hahaha charrr
"Lika na" sabi ko tsaka lumakad, habang naglalakad papunta sa linya ng seksyon ko ay nakasalubong ko naman si nalyn kaibigan ko galing sa sunod na seksyon kung saan ang seksyon ko. Bale seksyon three ako siya naman ay section four.
"Magzozombie out run ka be? " tanong niya sakin tumango at ngumiti nalang ako sakanya habang si julia naman ay dumaldal na.
"Oo, magpaparegister nga kami mamaya 'e. Ikaw ba? "-julia
"Tapos na, naabutan pa nga namin yung promo nilang mayfree give-a-way e?"-nalyn
"Buti ka pa" nagdaldalan muna sila habang ako hinihintay ang pagdating ni lucas. Magkaseksyon kasi sila nalyn at lucas 'e.
Tumingin tingin ako sa likod si nalyn naman bumalik na sa linya ng seksyon niya (na katabi lang naman ng linya namin)
Nagulat nalang ako ng bigla akong hilahin ni nalyn at pinalinya sa boys ng seksyon nila, ewan ko ba dito't ginawa akong instant na lalaki. Lol
"Dito ka muna, wala akong kasama dito na babae o" nilibot ko ang mata ko. Tama nga siya. Wala nang babae sa linya ng mga lalaki. Malamang Bianca, saan ka nakakita ng babaeng lilinya sa mga lalaki?! Aytanga kami pala -___-
"So kamusta naman kayo ni weyn? " ngumiti siya na parang kinikilig ng sobra sobra. Cute-cuteeee!!!
"Okay naman, ikaw ba? Wala kang boypren? " ngumiti ako ng mapait. Wala pa kasi hahaha
"Kelan ka magboboyfriend? Pagnamatay na lahat ng lalaki? " hinampas ko sya tsaka nagsalita.
"Hindi naman ako mauubusan ng lalaki sa mundo. Tsaka isa pa may hinihintay ako 'e kaso nga lang parang malabong maging kami" sabi ko tumingin ako sa likod dun ko nakita si lucas na papalapit... SAKIN?!?!?!?!
PUTA! PAPALAPIT NGA SIYA! AS-IN MALAPIT NA SIYA!!
Habang naglalakad siya parang slowmo, ang swabe nyang maglakad ayan na! Malapit na! Isang hakbang nalang nasa harap ko na siya
Nasaharap ko na siya... Pero!!!!
Diretso parin siya sa paglalakad -___- nakalimutan ko, nasa linya pala ako ng mga boys ng seksyon nila nalyn. Tanga Biang, ang Tanga promise =___=
Sumingit siya sa isa nilang kaklase pero yung lalaking sisingitan niya tinulak tsaka binatukan siya mukhang may sinabi pa siya dahilan upang tumingin si lucas sa kinaroroonan ko. Ako naman umiwas ng tingin upang di niya mahalatang tinititigan ko siya ngayon.
Sinuntok ni lucas yung braso ng lalaki kanina tsaka tumawa yung lalaki naman nagkamot lang ng batok tsaka tumawa ulit, pagkatapos niyang batukan si lucas tinulak niya pa ulit si lucas papunta sa direksyon ko. Wag na tayong mag assume, masasaktan lang ulit ako xD
Inayos niya yung bag niyang jansport na blue tsaka naglakad papunta sa likod ng isang lalaki yun nga lang kagaya ng isang lalaki kanina tinulak ulit siya upang mapunta sa likod.
Kaya siya naman wala ng magawa kundi magkamot ng batok tsaka naglakad patungo ng harap ko. Ngumiti siya sakin tsaka nagsalita.
"Pasingit" sabi niya nagstep backwards naman ako upang magkaroon ng space na para sakanya.
"Salamat" sabi niya ngumiti pa nga sakin e.
Lupang hinirang na kaya naman nilagay ko na yung kamay ko sa bandang dibdib ko. Habang nasa dibdib ko yung kamay ko, ramdam na ramdam ko naman yung pintig nito. Mabilis lang yun at para akong hinabol ng sandosenang kabayo sa bilis nun. Okay OA na.
Natapos ang flagceremony pero kami ayun nasa openfield parin. Paano ba kasi? Hindi pa daw pwedeng pumumta sa classroom kasi may iaanounce pa daw si lucas student council president kasi siya kaya baka may sasabihin pa siya tungkol sa skwelahan.
Nagdaldalan muna kami ni nalyn, di uso saking makinig sa mga sermon ng SC kasi wala naman akong magagawa dun kung sakali. Tsaka tungkol lang naman yan sa mga nagaganap sa skwelahan namin e.
"Bianca!!! " nagulat ako ng sabay sabay akong tawagin ng mga kaklase ni lucas si nalyn naman nag thumbs up pa. Aba anong meron? O_o
"Oh? " tanong ko sa lalaking isa sa mga kaklase ni lucas. Sumagot naman siya ng "tumingin ka sa harap may iaanounce daw si president! " kaya wala na akong magawa kundi tumimgin nalang sa harap. Mahirap na baka Iannounce nilang walang pasok o di kaya may sakit yung teror na teacher namin edi ang saya na nun diba?! Hahaha xD
"So, I was saying. Magtatapat narin ako sa taong matagal ko nang gusto. Nakakatorpe man ngunit kailangan ko nang sabihin kasi... Mukhang nauunahan na kasi ako ng iba 'e. Bianca Vargas soon-to-be stratford mahal kita! MAHAL NA MAHAL KITA! SANA TANGGAPIN MO YUNG PUSO KONG NAGMAMAHAL SAYO NG BUONG BUO. BIANCA WILL YOU BE MY GIRLFRIEND? " Sabi niya naka mic siya mga ate!!! Omgeee! Di parin nagsisink in yung mga sinabi niya sakin sa harap ng mga schoolmates namin Kahiya nemen.
"Aba pre! Binata kana! " kanyaw ng isang lalaki yung bumatok saknya kanina. Tumawa naman si lucas.
"Huy wag muna! " sabay na sigaw ng tatlo kong besfriend. Jusko =__=
"Pre! Lagot ka sa principal na EPAL " katyaw ulit ng lalaki kanina.
"PrincEPAL kamo" hiyaw ni justine. Hahaha mga ul*l.
Bumaba si lucas sa stage at lumapit sakin. Niyakap niya ako tsaka sinabing "tayo na? " binaon ko yung mukha ko sa balikat niya. shet nakakahiya.
"Ligaw muna" sabi ko sakanya.
"Liligawan kita araw araw. Baby" sabi niya ehe landi ko shettttt!!!
"Sige na nga! TAYO NA" sabi ko dahilan upang buhatin nya ako tsaka pinaikot ikot habang yakap yakap ako.
"Mahal na mahal kita bianca" sigaw niya, naghihiyawan ang lahat ng studyante dahil samin.
"Mahal din kita... Lucas " sabi ko naman, hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo ko.
******
Otors nowt:HAPPY BIRTHDAY GWYNETTE JAN SALUDES! (4reuminct aka @babaenganime) MORE BIRTHDAYS TO COME AND MORE BOOKS TO WRITE! I LOVE YOU AND THANKYOU FOR ALWAYS NOTICING OUR FAN PAGE (4reuminct) ON INSTAGRAM! DON'T STOP WRITING, salamat pala dahil sayo medyo nagkalovelife ako (medyo totoo yung mga nandito e may pinalitan lang ako ng konti) hahahahha! Enjoy your day! Mwaps :*
BINABASA MO ANG
Flagceremony (oneshot)
Teen FictionNakilinya ka lang sa ibang seksyon nagka-lovelife kana.