"What the heck are you talking about Aiselle Jia Piaza?!" hinigit niya ulit ang braso ko papalapit sa kanya
"Ano ba?!" iritado kong sabi
Lumapit siya sa akin "Hindi ako magagalit kahit ano pa man ang sabihin mo! Gusto ko lang malaman kung saan nanggagaling ang mga sinasabi mo"
Natigilan ako at hinarap siya.
"Sabi ni Mama..." yun lang ang nasabi ko
"Sabi ng Mama mo?" nalalabuan niyang tanong
Tumango lamang ako at ramdam ko ang tulo ng luha galing sa aking mga mata.
"Sabi niya... Ikaw daw yung sumagasa sa akin" paliwanag ko
"Ano?!" umupo siya sa tabi ko
Humagulhol ako "Birthday mo daw yun. Tumatawid daw ako sa kalsada tapos sinagasa ako ng sasakyan mo"
"Hindi yan totoo" iritado niyang sinabi
"Please let me finish" sabi ko na nagpatahimik sa kanya.
"Sabi ni Mama, sinagasaan daw ako ng sasakyan mo at sinadya mo iyon dahil ginamit mo lang daw ako" naiiyak kong sabi
"Hindi mo daw ako naisip na bisitahin sa ospital kahit kailan. Tinakasan mo daw ako" sabi ko
Tumayo siya "I wanna talk to Tita" matapang niyang sinabi.
Hinayaan kong makapasok siya sa bahay namin para na rin maliwanagan ang pagiisip ko. Para din malaman ko na yung totoo!
Pagpasok ko ng bahay ay dire-diretso ako sa sofa kung nasaan sina Mama at Lola
"Oh anak ang bilis niyo naman yata" sabi ni Mama
Hindi ako nakapag-salita at tumingin sa pinto kung saan kasama ni Dindy na pumasok si Jonas.
"Anong ginagawa mo dito?" nagulat si Mama ng pumasok si Jonas
"Tita, let's talk" matapang niyang sinabi
Nilingon ako ni Lola at nginitian niya ako "Oh apo. Naaalala mo ba siya. Si Jonas! Mahal na mahal ka niyan! Kahit nawala ka ng minsan ay hindi ka ipinagpalit sa kahit sinong babae"
Napatingin ako kay Lola "Ano po?!"
"A-Ang sabi ni Mama..." hindi ko na tinapos
Nilingon niya ako at bumalik ang tingin niya kay Jonas.
"Let's talk. Outside" palabas na sila ng narinig nila akong magsalita.
"No..." sabi ko "I want to hear everything!" halos pasigaw kong sabi
"Teka lang. Ano itong nangyayari?" naguguluhang tanong ni Lola
"Naguguluhan din po ako..." sambit ni Dindy "Tita ano ba to?"
"Okay... Start talking. I wanna hear everything!"
"Pretend that I am not here" nagkibit balikat ako at pinagtaasan sila ng kilay
Huminga ng malalim si Jonas "Tita, ano yun? Tita, alam nating lahat na hindi ako ang puno't dulo ng lahat ng ito!" halos pasigaw na sabi ni Jonas
"Alam ko Tita. Hindi niyo ako gusto para sa anak niyo pero tita naman, kailangan niyo ba talaga akong siraan"
Hindi maka-imik si Mama.
"Para yun kay Selle! Para sa makakabuti sa kanya!" sinigawan ni Mama si Jonas "At alam natin na hindi ka makakabuti sa kanya kung sakali"
Bumaba ang tingin ni Jonas sa sahig.
BINABASA MO ANG
Selle | #KNLabyrinthWC
Mystery / ThrillerThis is my entry for #KNLabyrinthWC. - - - - - - - - - - - - - - - - Selle is a girl who grew up in the province of Batangas. At an early age, she already experienced the toughest challenge of life. Her auntie who she grew up with and who she recog...