CHAPTER 1: Masungit Siya!
Rane's POV
Ang ganda! Ang ganda talaga dito sa tuwing naglalaro kami ni Ace sa resort nila. Ang lawak ng karagatan at tabi pa mismo ng dagat ang bahay nila kaya ang ganda. Haayy! Ang swerte talaga ni bespren.
"Rane! Halika dali!" Tawag niya sakin habang nakangiti. Siya si Kristoffer Ace Santillan. Ang Bespren ko mula sa pagka 3 years old ko at 4 naman siya, Na Ngayo'y 7 nako at 8 naman siya. Gets? :P .
Lumapit ako sakanya at may dala siyang kwintas.
"Rane, Eto ...*Suot ng Kwintas* Remembrance ko sayo . Itago mo 'to ha? Wag na wag mong iwawala dahil ito ang nagpapatibay kapag hahanapin kita :)" Sabi niya na pilit lang ang ngiti.
"Ace? Bakit? Aalis ka na ba?" Tanong ko.
"Hindi naman Rane, May aasikasuhin lang silapapa, Pero kailangan kong sumama e"
"Ibig sabihin... Iiwan mo na ko?"
"Hindi naman! Kaya nga ibinigay ko yang kwintas dahil di kita iiwan :)) At yung promise ko sayo. Hindi ko kakalimutan yun tsaka babalikan kita :)"
Naiiyak na ko habang sinasabi niya yun.
"Sige, Magpapakabait ka ha? Wag mo kong kakalimutan :'((" Sabi niya habang umiiyak na rin.
"Kristoffer! Common' "Sabi ng Stepmother niya.
"Sige! I Love you Rane!" Sabay halik niya sa lips ko.
Nagulat ako dahil ngayon lang niya 'to ginawa sakin. Ayoko sanang bitawan kamay niya pero kailangan ko na dahil nagagalit na stepmother niya. Kaya pala ang daminaming ginawa ngayon dahil aalis napala siya. Eto na rin pala ang huling araw ... Alam kong babalik siya ... Babalikan niya ko at hihintayin ko yun.
***
Walong taon na ang nakalipas. Bakit wala ka pa??? Wala ka pa rin hanggang ngayon? Iniwan mo na ba ang pangako mo? Haay .. Isa na kong 4th Year High.
"Hay nako sis! Ayan ka nanaman sa kakaisip dyan sa Bespren mo!" Sabi ni Ate. Zafrina. Maganda at Sexy! Pero alam nyo naman ugali ko palabiro. >:).
"Hindi Ate ah?" Sagot ko.
"Talga huh? Oh ano nanaman 'tong report na nakipagsabunutan ka sa manok?"
![](https://img.wattpad.com/cover/916625-288-k126858.jpg)