FIRST KISS

152 2 1
                                    

- A person can fall in love many times, but the magic of feeling love for someone for the first time in life is a unique experience -

(wala lang xD)

Chapter 1_A - the meeting

"mga girlalu" tili ng napakagwapo (este maganda pala) kong kaibigan.

"o bakit Bea?" tanong ni Kristine.

"nakita nyo na ba siya??"

"sino?" sabay-sabay naming tanong sa kanya.

"ung transferee" excited na sabi nya.

O_O O_O O_O = reaction naming tatlo sa sinabi ni BEa.

"anu yan?? hindi nyo alam?!?" halatang nabigla sya.

""hindi" saby-sabay na naman naming sabi. Ano to Choir ba kami ???

"ano ba kayo! bakit di nyo alam"

"kelan ka pa naging ganyan sa mga transferee Bea??" sabi ni Catty.

"ngayon lang ... kasi .... kasi .... kas"

"itigil mo nga yang kakakasi mo. Ituloy mo na!" excited na excited na ako sa gusto nyang sabihin. KAilangan pa ba yung patagalin???

"he's a hottie!" sa sinabi nyang yun kitang-kita na kinikilig sya... and take note SOBRANG kinikilig.

"A-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang nagsigawan ang mga babae sa field. MAy away ba? MAy sunog? Dumating ba si Lee Min Hoo my love?? may ri- ..... OMG! hindi ko naituloy ang iniisip ko dahil nakakita ako ng isang gwapo... mali... mali... NAPAKAGWAPO. artista ba sya? anghel? o isang greek god. Grabe wala akong ibang nagawa kundi mapanganga habang nakatitig sa kanya.

"miss baka tumulo laway mo" sabi ng isang lalaki.

natauhan ako at naputol ang pagdedaydream ko... ASAR!!! pagtingin ko sa lalaking nagsalita... sya yun.. yun ang lalaking pinupuri ko knina at dahilan ng pagdedaydream ko.

"h- huh?" nakatulala na naman na sabi ko.

"bingi ka ba?"

"ano?" nakanganga pa rin ako at titig na titig sa kanya.

"ang sabi ko.... BINGI KA BA MISS????" ako bingi? BINGI AKO? sinabihan nya ko ng bingi at ipinagsigawan pa nya. at ngayon pinagtatawanan na ako ng mga tao sa field. Pinahiya ako ng lalaking ito.. Hindi ako papayag! Hindi to maaari!!!

"bingi nga" tumatawa pang sabi nya kasabay ng paglakas pa ng tawanan ng mga tao sa paligid.

"hoy! hindi ako bingi no!!" inis na sabi ko sa kanya.

Nag-smirk lang sya at tumalikod na.

"BIG HEAD! wag mo ko talikuran!"

Hindi nya qo pinansin. Nakakaasar sya. Pinagsisihan ko na pinuri ko sya kanina. Ngayon sya na ang pinakapangit na lalaki sa balat ng lupa!!! Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya sa akin.. Sya ang kauna-unahang tao na nagpahiya sakin... Maghanda sya!! I really HATE THAT BIG HEAD GUY!!

1_b - the meeting

"Nakakaloka yung nangyari sayo knina Cheeky ha" sabi ni Catty habang pinipigilan ang malakas na pagtawa nya. Ginawa talaga akong katatawanan ng lalaking yun. Pati mga kaibigan ko walang tigil ang pagtawa sa kahihiyang inabot ko kanina.

"Hindi ko talaga mapigilan ang pagtawa sayo kanina habang sinasabihan ka ni Mr. Hottie ng bingi at ikaw nakatulala lang sa kanya" tawang-tawa namang sabi ni Bea.

"che! Bakla" nakakainis na talaga. Imbes na tulungan nila akong malimutan ang nangyari kanina, sila pa itong walang tigil sa pag-uusap tungkol dun at harap-harapan pa akong pinagtatawanan. nakakaasar talaga.

FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon