ODAL 1

2.3K 56 2
                                    

"Sir ito na po yung final report para sa Museum Murder Case. Ang pumatay ay ang museum curator dahil napamahal na daw sa kanya ang museum at ayaw niyang ibenta ito ng may-ari." paliwanag ni Calyp pagkatapos ilagay ang folder sa lamesa ng boss niya na si Kael.

"Okay. Good job Calyp. Kailan nga pala ang last day mo?"

"Sa next week ho." magalang na sagot nito.

"Nanghihinayang pa rin ako sa pwedeng mangyari sa career mo. Isa ka sa mga lead investigators natin at next in line para maging inspector." maiging sinuri ni Kael si Calyp. Ang isa nama'y napakamot na lang ng batok.

"Pasensya na boss. Gusto kasi talaga ni Emira na tumira na lang sa France para dun ipagpatuloy yung pag-aaral niya. Ako naman ay mag-aaral ulit. Pagbibigyan ko lang ang huling hiling ni mama bago siya mamatay." paliwanag nito. Namatay ang ina ni Calyp na si Gaea sa isang aksidente. Simula pagkabata ay pinangarap na ni Calyp na maging detective at hindi naman siya pinigilan ng kanyang ina. Ngunit nang mga araw bago ito mamatay, pinakikiusapan na nito si Calyp na pag-aralan ang kanilang negosyo na nakadistino sa France. Ang ama naman niya ay iniwan siya noong bata pa siya para sumama sa iba.

Tumango tango si Kael sa paliwanag niya. "Naintindihan ko naman Calyp. Naiisip ko lang na sayang talaga ang iyong career. Sige na umuwi ka na at ayusin na ang mga dapat ayusin."

Sumaludo si Calyp at lumabas ng opisina ni Kael nang halos mabangga na siya ng isang tumatakbong Marx. Kasunod naman nito si Apollo na kalmadong naglalakad. Tiningnan nila ang isa't isa at tinanguan. Sumunod kay Marx si Apollo habang si Calyp naman ay dumeretso sa kanyang lamesa para kunin ang kanyang mga gamit at umuwi.

"Sir Kael! Another murder case!" hingal na hingal na sabi ni Marx.

"Details Apollo." tanong ni Kael.
————————

To: Tangi

Tangi, pauwi na ako. Pasensya na kung naiwan na naman kita ng ilang araw sa bahay ha? Wag ka mag-alala malapit na tayong matuloy sa France! Konting tulog na lang.. Mahal po kita!

"Calyp, pinapatawag ka ni boss Kael. Importante daw." Hay naku! Si sir talaga. Kukulitin na naman ako nyan tungkol sa pagreresign ko. Tinapos ni Calyp ligpitin ang kanyang mga gamit at bumalik sa opisina ni Kael.

Kumatok muna ito bago pumasok ng opisina. "Yes sir?" Pagpasok nito sa opisina nandoon pa rin pala sila Marx at Apollo.

"Pasok ka Calyp. Alam kong pauwi ka na pero gusto ko sanang i-assign ka ngayon na sa isang case." paliwanag ni Kael.

"Sir! Sabi ko naman sayo na hindi ko kailangan ng tulong niya!" sigaw ni Apollo.

"Quiet Apollo. Marx, provide the case details to Calyp. Calyp, I'm assigning you to the Green Wall murder case. Ayoko sana dahil baka mahaluan ng personal decisions mo ang judgment mo pero last request ko na sana ito sayo bago ka magresign." paliwanag ni Kael.

Inabot ni Marx ang isang folder kay Calyp at nagulat na lang ito nang makita ang picture sa loob.

Inabot ni Marx ang isang folder kay Calyp at nagulat na lang ito nang makita ang picture sa loob

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Of Deceptions and Lies | #KNLabyrinthWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon