Mababaw lang ang tulog ni Calyp buong gabi dahil binabantayan niya si Emira. Kaya nang naramdaman niyang gumalaw ito ay nagising agad siya. Minulat niya ang kanyang mata at nakita ang isang anghel na nakayakap sa kanya. Hindi niya pa din makakalimutan ang unang beses nilang pagkikita. Hindi pa nga sinasadya pero pag ang tadhana na ang kumilos, kahit paghiwalayin pa kayo ng mga tao ay babalik at babalik pa din kayo sa isa't isa.
Ang kwento nila ay hindi katulad sa tipikal na magkarelasyon na mag-kaaway sa umpisa at nagkagustuhan. Unang beses pa lang nilang pagkikita ay nagkagustuhan na agad sila. Totoo pala ang Love at First Sight.
Hinawi ni Calyp ang iilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ni Emira kaya nagising ito. "Good morning Love." Inaantok nitong bati kay Calyp. "Good morning din.. kamusta naman ang tulog ng baby ko?"
"Hmm.. the best! Kasi katabi kita.." sagot nito kaya napangiti na lang si Calyp at hinigpitan ang yakap sa kasintahan. "Wala ka naman lakad ngayon di ba?" tanong nito.
"Wala naman. Nasa Malaysia pa si Eryth at si Seth naman ay hindi nagrereply. Maybe busy na naman sa kanyang paintings."
"Tara tayo na tayo. Sama kita sa HQ ngayon." Napabangon bigla si Emira dahil sa sinabi ng kayakap.
"Sure yan love?"
"Oo nga! Kaya tara na at kailangan maaga kami ni Marx dun dahil may inassign na naman sa akin si sir na bagong kaso." Excited na tumayo at naghanda si Emira. Napailing at ngiti na lang si Calyp sa ginawa ng kasintahan.
"Oh basta tandaan mo ang bilin ko ha? Dito ka lang muna. Sasamahan ka naman ni Marx kaya kung may kailangan ka, sabihan mo lang siya." Bilin nito kay Emira.
"Yes love. Don't worry okay? Work work work ka lang muna. I'll be fine."
"See you later." Pagkatapos ay marahan nitong hinalikan ang kanyang noo. "Marx, ikaw na bahala ha?"
"Yes sir!"
Naglakad na si Calyp papunta ng kanyang lamesa para ibaba ang kanyang bag at kunin ang details tungkol sa Green Wall Murder Case. Nilapag niya ang kanyang bag at kinuha ang mga folder bago napatingin sa isang picture sa ibabaw ng kanyang lamesa.
Flashback
Isang linggo matapos mailibing si Hyacinth, nagpatawag si Kael ng isang meeting sa kanyang buong unit.
"Gusto ko lang icongratulate ang bago nating Senior Police IV na si Calyp!" anunsyo nito kaya naghiyawan ang mga kasamahan niya. "Calyp, halika dito."
Naglakad si Calyp papunta sa tabi ni Kael. Puro tapik sa likod at balikat ang nakuha niya habang naglalakad papunta sa harapan.
"Calyp here has proved that he has the makings for a higher position. He has shown level headedness and sound judgment in the face of difficult situations. Lalong lalo na sa bank robbery shoot out last week." Naghiyawan lalo ang mga kasamahan nila maliban sa isa.
------
BINABASA MO ANG
Of Deceptions and Lies | #KNLabyrinthWC
Mystère / ThrillerBecause when you think you already know the truth.. You will realize that these are all.. Of Deceptions and Lies..