Prologue

7 0 0
                                    

"Sagutin mo lang ako lahat gagawin ko para sayo.."

Sounds familiar? E eto?

"Anuman ang mangyari ipaglalaban ko ang pag-ibig natin.."

again. again.  how about this one?

*4 new messages from Jake:

message 1: "hi! :)"

message 2: "di ako ako makatulog dahil sayo..."

message 3: "ikaw lang ang minahal ko ng ganito. will you be my girlfriend?"

message 4: "sagutin mo na ako please?"

Sa simula'y animo'y parang si superman na handang ibigay lahat makuha lamang ang matatamis mong "oo", "yes", "mahal din kita", o "sinasagot na kita".

Pag ibig nga naman, lahat gagawin masunod ka lamang. LAHAT, hanggang umabot sa puntong:

"Naubos lahat ng allowance ko kakabili ng mga luho nya."

"Pare pahiram may extra ka ba dyan? Pahiram na muna ako pre wala akong pang tuition."

"Di nagpadala mama mo pre?"

"Hindi pre, naubos ko kasi kahapon sa monthsary namin ng bebe ko."

O di kaya'y,

"mamang nag away kami ni Ruth. Di ko na alam paano sya amuhin? PAHIRAM naman ng pera please? ibibili ko lang sya ng flowers..."

at madalas na,

"mamaya nalang ako mag aaral  ayos lang yung exam bukas may katabi naman ako.nag text/chat si mahal/crush ng 'hi' e paminsan minsan lang to..."

ang masaklap dyan ay pag umabot sa puntong,

Minahal ko sya ng buong buo pero sinaktan nya lang ako! Leche sya!

It's not you, it's me. I'm sorry.

I'm not good for you, you deserve someone better.

  Have you ever consider the fact na one day in the near future, yung mga kamay na hawak hawak mo ngayon ay pwedeng mag iba?

Are you tired of getting into the wrong boat?

Ni minsan ba naisip mo kung anong kahihinatnan nyo pag bumigay ka sa kanya at this point (without the blessings of marriage?)

O mapapanindigan mo kaya ang mga bagay na akala mo'y tama ngayon, yun pala'y isang pagkakamali dahil nagmadali ka?

How do you define the word
"LOVE"?

at ang ultimate question ng lahat,
"WHEN IS THE RIGHT TIME?"





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trust His timing!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon