JONAS’S POV
Hoy bakla may tawag ka…
Hoy bakla may tawag ka…
Hoy bakla may tawag ka…
“ay lechon!” sigaw ko, nabigla ako ng tumunog ang phone ko, hindi ko pa pala napapalitan ringtone ko, buti nalang at nandito lang ako sa kwarto, at nag-iisa nakakhiya siguro kung nasa public place ako..ahehe
“oi,bro? napatawag ka? Hinahanap mo ba kapatid ko?” sagot ko sa tumatawag sa kabilang linya
“that’s not funny Jonas. Do you think I will call you if she’s the one im looking for?” galit na tuno nito
“wooh..kalma lang tol. Bakit ka nga kasi napatawag?” tanong ko ulit
“well, im bored, I need someone to talk. Since you’re here ---”
“hey… stop speaking in english.. will you? Na nonosebleed ako eh..” pagputol ko sa sasabihin nya. nagbago na talaga tong kumag nato. Simula nong dumating ako dito sa New York at nakausap sya, di ko na naririnig magsalita ng tagalog. Ganito ba talaga epekto pagbroken hearted?? Ayoko ng ganun, English ng english baka hindi lang ilong ko dumugo pati si author..hahah kawawa naman si author.. piz author.. v(^_^)v
“no I won’t. by the way, will you lend me your time?” ano raw??chance ko to..hehehe
“time?bakit?gusto mo ko e-date?ikaw tol ha? Pinakawalan mo lang si cyrene naging --- oops sorry tol”
“---------” tahimik lang sya at nagsalita ulit ako
“pasensya na tol di ko sinasadya.. bakit mo pala ako kailangan?” tanong ko ulit
“never mind, ill call somebody else” sabi nya in a cold tone
“sandali lang tol, pasensya na talaga, sige para makabawi ako.. libre kita kahit mas mayaman ka pa sa akin. Kita nalang tayo sa Manhattan mall.. hintayin kita don pag ako nauna..sige tol bye” pinatay ko na ang cellphone ko bago pa sya humindi.. ayon oh. May date kami ng lovelife ko..hehehe
Hoy bakla may tawag ka…
Hoy bakla may tawag ka…
Hoy bakla may tawag ka…
“ay potakte” nagulat na naman ako sa tunog ng cellphone ko.. nako mapalitan nga to ng ringtone baka tumunog pa to sa date namin, lagot na. at sino naman tong tumatawag na to
“Jonas!” bulaslas ni Claire ng sagutin ko ang tawag..takte.. speaking of love life, kasasabi ko lang diba, na hindi sya pero umiksena na naman to.. kumabog tuloy dibdib ko ng walang dahilan..yon nga, walang dahilan..
“what the heck Claire, don’t shout…” wow English yon ah??author ok kalang? O na nosebleed ka na?hehe
“wow English yon ah?” ah.. yon ang sinabi ng isip ko ngayon lang ah..nababasa ba nito iniisip ni author??ay ako pala..wag kana umepal author..
“ahehe.. sorry.. nahawa ako sa mga tao dito eh.. bakit ka pala tumawag?”
“wala lang.. nangungumusta.. bawal ba?” aish..
“ou bawal..hahah wag ka na nga tumawag” painis ko kunong sabi..
“ay galit?magtatanong lang sana. Nagkita na kayo ng love life mo?kasi kung hindi. Andito ako, bumalik kana dito.. miss na kita bakla ka..”
“hoy.. wag mo nga akong tawaging bakla.. baka may makarinig sayo dyan. Katayin kita eh..”
“oi Claire, halika na, tawag tayo ni boss, sino ba yang kausap mo?” sabi nong babaeng kasama yata ni Claire
BINABASA MO ANG
Secrets (slow update)
Romantikthis is a story of a man, who, cannot confess to others who he really is, and aside from that he is also confuse of what really he is..