Isa pang apak sa paa ko nitong lalaking to susuntukin ko na talaga to.
3 hours na kaming nag pa practice ng sayaw at 3 hours na rin masakit ang paa ko. Eto kasing partner ko, isa't kalahating pasaway. Alam ko naman na marunong sya magsayaw kasi sya ginagawang partner nung nag tuturo samin na si Ms. Dudds, pero pag ako na yung partner nya, naging parang parehas kaliwa mga paa.
Halata naman na ng aasar sya kasi habang ako nagpipigil ng inis, sya naman nagpipigil ng tawa.
"Isa pang apak, susuntukin na kita",sabi ko habang naglalakad kami papunta sa pwesto namin, magkahawak kami ng kamay (utos ni Ms. Dudds)
Hindi sya sumagot tumawa lang. Lumabas yung mapuputi nyang teeth with matching dimples on both cheeks.
OKAY. Aaminin ko, gwapo sya. And sya I mean si Dean. Matangkad. Tapos ang ganda ng eyes. SHET. Pero syempre never naman ako nagpahalata na naa-appreciate ko yung itsura nya kasi mas malaki pa ulo non sa may hydrocephalus (tama ba spelling?) Puro hangin na nasa ulo non e. OKAY. Aamin ulit, di puro hangin kasi mas matalino pa nga sya sakin. 2nd honor sya, 5th ako ng class namin.
O edi sya na perfect. 😐
Tumugtog na yung casette sa tabi ni Ms. Dudds. Bumilang sya ng 3 counts then nag start na kami sumayaw. Last set na daw yun tapos uwian na. Hay salamat. Maipapahinga ko na paa ko.
Never ko pinapahalata pero medyo kinikilabutan ako (in a good unexpected way) pag ramdam kong hawak nya yung likod ko. Parang may kuryente. Ganern.
Medyo nagtaka lang ako ng konti kasi hanggang sa matapos ang sayaw, di na nya inapakan yung paa ko tapos kahit na tapos na yung sayaw, hawak pa rin nya yung kamay ko.
So ako naman tong Assumera ng taon, nag feeling girlfriend. Iniisip ko nasa promnight na kami tapos naglalakad kami habang magkaholding hands. Blah blah blah and lived happily ever after..
Nakangiti pa ko habang nagde-daydream nung mapansin kong ang tahimik ng mga classmates ko. Di na pala kami magka holding hands ni Dean. Pag tingin ko, nakatingin sila lahat sakin. Nakangisi. Si Ms. Dudds nakataas kilay.
"Po?", nag ba-blush na ko sa hiya
"Sabi ko, If may ka-date ka na ba sa prom? Ikaw na lang yata ang wala Len.", sabi ni Ms. Dudds
Nawala yung ngiti ko from day dreaming. Kung pwede lang lumubog na sa lupa gagawin ko na. Kesa naman malagay sa hot seat na to. Kasalan ko ba na walang nag aaya sakin? Ha? Ha?
Nakikita ko pa si Dean na ngumingiti parang tuwang tuwa ang loko.
"Wala pa po.",sabi ko sa pinakamaliit at pinakamahina kong boses.
In short sa mga nakikinig: Njzjslslkaoal
"Ano?", tanong ni Ms. Dudds
Sasagot na sana ako nung sumigaw si Dean. "WALA PA DAW PO SYANG DATE"
Yung mga classmates kong nakatingin lang kanina, nagtatawanan na ngayon. At nangunguna na yung bestfriend ko na si Bea. Makatawa kita ko na utak e.
Nag make face ako sa kanila. Pero diniliaan lang ako ng mga bwisit.
After ng practice at nung 'embarassing moment' na yun, lumapit na sa'kin si Bea dahil sabay kaming umuuwi, parehas kasi kami ng subdivision.
"Huy, ano na? Wala ka pa ba talagang date?" Sabi ni Bea habang naglalakad kami papuntang locker room para kunin mga gamit namin.
"Malamang wala. Kasi kung meron edi sana di ako na special mention ni Ms. Dudds." Kinuha ko na yung bag ko na nakalagay sa ilalim na part ng locker ko.
"Laos na yata beauty mo friend. Ang daming lalaki dito sa campus, walang gustong ka date ka." -bea
"Sige lang, pag diinan mo pa, di ko pa kasi gets e. Para kang si Dean e." -len
Tumawa tas kinuha ma din yung bag nya.
"Speaking of Dean, ano yung holding hands scene nyo kanina ha? Nananaginip ka pa nga ata e." -bea
Nag blush na naman ako. "Naman kasi Bea, kilig na kilig ako habang nag de daydream, as in boyfriend ko daw ganern tas ka date ko daw."
"Ay dream nga lang kasi hindi mangyayari girl. May ka date na daw yun e, usap usapan galing kabilang school." As usual panira si Bea.
Di ko alam yun ha. "Pano mo naman nalaman?" Syempre malakas fighting spirit ko.
"E kasi si Hunter, yung ka team nya sa basketball, may nakitang picture ng girl sa phone nya, pero nakatalikod daw tapos nung tinanong nya kung sino sabi crush daw." May pag kumpas pa to ng kamay habang nag e-explain.
Hayy. What can I expect? Syempre tao lang din naman si Dean kaya natural lang na may maging crush to. Pero kahit na nira rationalize ko na sa utak ko, masama pa rin loob ko. Typical na babaeng may crush, feeling may karapatan ang arte.
"Oh and by the way, di ako sasabay ngayon pauwi. May date ako." Sabi nito with matching smile na malapit ng mapunit labi.
"Hmp. Simula ng magka boyfriend ka, mas inuuna mo na sya sakin." Tampo kunwari.
"Hoy babae tigilan mo ko sa arte mo. Simula nung nakadiaper magkasama na tayo, pati para naman hindi tayo magkasama sa school araw araw." Binatukan pa ko.
"Aray ko naman. Sige na, sige na. Pasabi kay Jun, Hi." Hawak ko pa batok ko, ramdam ko pa yung pag batok sakin.
Nauna ng lumabas ng locker room si Bea pati iba ko pang classmate. Umupo muna ako sa bench, tinaas ko paa ko at hinilot.
Litsing Dean yon. Sakit na nga sa heart pati ba naman sa paa.
Hayy. Wala na nga kong boyfriend, wala pa kong bestfriend.
Lumabas na ko ng locker room tas sa quadrangle na ko dumaan papuntang main gate.
"LEN!"
Tumigil ako sa paglalakad nung may tumawag sakin. Hinintay kong makalapit kasi di ko makilala, malabo na kasi mata ko e. Si Ms. Abby pala. School nurse nila. Bata pa sya mga 22 years old lang. 1 year na sya dito sa campus, 1st job nya.
"Ms. Abby, bakit po?" Hinintay ko pang mawala yung hingal nya bago sya nakasalita.
"O, gamot." May inaabot sakin na plastic.
"Ano po yan? Para saan?" Tanong ko pero kinuha ko na yung plastic.
Tinuro laman nung plastic. "Pain killer yan, tsaka omega, para sa paa mo."
Iniinspect ko yung gamot pero napatingin ako kay Ms. Abby.
"Hala, thank you po Ms. Abby. Ang bait mo po talaga."
"Uhmm ano, you're welcome.", palinga linga pa sya habang nagsasalita.
Pero napaisip sya. "Ah Ms. Abby, pano mo po pala nalaman na sumasakit paa ko?"
Nagpalinga linga ulit sya. "Uhm ano, si ano, di- - " napatigil sya. "D-dudds. Kay Ms. Dudds."
Wow naman kay Ms. Dudds. Concern din pala yun
"Ah ganun po ba, sige po, thank you po ulit." Ang ba-bye na ko tas nag lakad na ko papuntang na gate.
Nung nandun na ko sa gate, lumingon ako sa campus, dun sa part ng clinic na pinag i-stay-an ni Ms. Abby. Nakita kong may kasama sya na lalaki pero di ko alam kung nag uusap ba sila at di ko rin makita kung sino.
Hm. Baka si kuya guard. Pero hindi e, punggok si kuya. Baka si Mr. Manzano? Matangkad e. Pwede.
Hay ang hirap talaga ng malabo mata..
Nasa sakayan nako ng jeep nung makita kong lumabas na din ng campus yung lalaki at dumerecho sa passenger seat ng black car.
Parang pamilyar sakin yuing built ng katawan nya. Hm. Pero hindi e.
Iniisip ko para sya si Dean. Pero ano naman business nya kay Ms. Abby. Pati ang alam ko nagba-bike sya pauwi. So impossible. RIGHT?
[Next Chapter will be uploaded upon request. THANK YOU FOR READING! Upvotes & Comments are greatly appreciated.]
BINABASA MO ANG
Crappy Little Thing Called Prom
Short Story"Sabi ng Mommy ko, isa daw ang prom night sa highlight ng buhay ng isang teenager. Pero parang hindi naman. Pano ba naman, walang pumapansin sa beauty ko, kastress. Two weeks na lang wala pa kong ka-date! Lalo pang nakakainis e yung lalaking tuwang...