One Shot

23 0 0
                                    

Grade six ako noon ng makita ko siya sa fb in-add ko siya dahil nakita ko na pareho kami ng school. Grade 9 naman siya noon. Tapos nalaman ko na nagpunta na pala siya ng Japan dahil nakuha na sila doon. Doon kasi nakatira ang Daddy nila. Apat silang magkakapatid.

Minsan napagtripan namin ng bestfriend  ko na maglaro ng truth and dare. Nag-dare siya sakin na mag-hi daw ako sakanya through chat. Hindi ko muna ginawa agad one week before ko ginawa. Nag-hi na ako sa kanya tapos, nag-reply namang siya hello yung may nagba-blush pa na emoji. Edi kinilig naman ako doon, syempre crush ko siya eh.

Hanggang sa nag-graduate ako ng elementary siya parin ang crush ko. Hindi ko alam kung bakit ganon. Sabi nga nang bestfriend ko baka mahal ko na daw siya. Siyempre sabi ko ewan ko. Di pa kasi ako sigurado doon.

Hanggang sa nag Grade 7 na ako. Siya parin talaga. May mga nagiging crush din ako na iba Pero siya lang sineryoso ko na crush ko. FL ko siya tapos minessege niya ako sa IG tapos kinilig nanaman ako. Tapos sabi ko sa pinsan ng classmate ko na bestfriend niya siya na ang mag-reply. Akala sasagutin niya lang yung sinabi ni crush. Tapos bigla niya nalang nireplayan ng "I Love You" siyempre kinontra ko sabi ko yung bestfriend niya yun. Tapos sabi ko "Welcome" kasi nag thank you lang naman siya saakin. Akala ko rereplayan pa niya Pero sineen niya. Ang sakit kaya maseen.

Hanggang lumipas ang ilang araw na nagpapapansin ako sa kanya. Pero hindi niya parin iyon pinapansin. Pinapatamaan ko na siya sa mga post ko sa FB, Pero wala parin. Tapos lahat ng live video niya pinapanood ko. Kahit na binabalewala niya lang ang lahat ng ginagawa ko parang sa kanya.

**
Hanggang sa lumipas ang ilang taon grade 10 na ako at siya naman college na. Nabalitaan ko na uuwi siya sa pilipinas. Kaya sobrang saya ko nanaman. Dahil sa mga nagdaang taon naman hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit na binabalewala nya lang ako.

Sabi nila isang linggo na daw siya dito sa pilipinas. Kaya nagbabakasali ako na makita ko sya, kahit na malabong mangyari yun.

Isang araw nag punta ako sa bahay ng pinsan ng classmate ko na bestfriend niya. Nag uusap kami ng bigla kaming narinig na nag bukas ng pinto. Tinignan naming yun. Yung pinsan pala ng classmate Pero nagulat ako ng may sumunod sa kanya ng pumasok. At sa gulat ko ng makita kong siya yung pumasok napaupo ako mila sa pagkakahiga. Binati niya kami. Bumati din naman kami pabalik. Habang hinihintay namin yung bestfriend at bestfriend niya kinausap niya ako. Syempre kilig na kilig namang ako kasi siya ang unang kumausap sa akin.  Nagtanong siya ng kung Ano Ano. Hanggang sa dumating na yung mag pinsan. Hanggang sa umuwi na ako.

**

Nang weekend biglang may nag text saakin na unknown number. Tinanong ko kung sino siya. Nagulat nalang ako ng siya pala yun "si crush omg" sabi ko sa isip ko. Tinanong kung bakit siya nagtext sabi niya gusto daw Sana niya ako again na mag mall. Sabi ko naman ok wala naman kasi akong ginagawa. Kaya pumayag narin ako.

Nagkita naming dalawa sa entrance ng mall halos magkasunod nga kami ng dating eh. Inaya niya muna ako mag Starbucks, habang hinihintay namin yung order nagtanong siya ng kung Ano Ano tungkol saakin.

Nang matapos kami sa Starbucks nagpasama naman siya mamili ng mga damit niya konti lang daw kasi nadala niya. Hindi naman daw dapat siya magtatagal dito sa pilipinas. Pero dahil namiss niya daw dito ginawa niyang one month ang bakasyon niya. Hanggang sa natapos kami mamili. Hinatid niya ako sa bahay dala niya kasi kotse nila.

**
Pagkatapos ng nagpunta kami sa mall. Lagi na niya ako hinahatid sundo sa school o kaya bibigyan flowers.

Akala ko wala ng katapusan ang syang nararamdaman ko, Pero bigla niya nalang akong hindi sinusundo. Kahit nagpupunta siya sa school hindi niya ako pinapansin. Nagbago na siya naging cold na din siya pagkakausapin ko. Tinanong ko sa kanya kung may problem a bad. Sabi niya wala naman daw.

Hanggang sa nabalitaan ko balik na pala syang Japan. Nalaman ko rin na lahat pala ng kasweetan niya pustahan lang. Ang sakit lng na malaman.

"Pinaasa niya lang pala ako"

THE END!!!
****
THANKSS FOR READING!!

Pinaasa Niya Lang Pala Ako (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon