Ate, Kuya Laro Tayo

1.8K 26 0
                                    

Isang maitim na lobo.

Iyon ang palaging hawak niya, habang nakaupo ng mag isa sa bench malapit sa isang lumang peryahan siya'y mag isa

11:58 pm.

Malapit na, sabi ni Ana sa sarili, sumilaw ang malaking ngiti sa kanyang labi habang sumisilip sa kanyang paligid.

Isang minuto lumipas, sobrang excited na siya. Ate, Kuya Miss ko na kayo..

12:00 am

Halloween na!!

Sa sobrang saya, tumalon siya sa kanyang upuan. "Ate," tawag niya

"Kuya?" Pero walang sumasagot, kumunot ang kanyang noo at tumayo siya sa bench.

Lingon dito, lingon doon. Pero wala pa ring sagot ang natanggap niya. Humarap siya sa itaas at nakita ang malaking full moon. "Ate, kuya~ lumabas na kayo,"  sigaw niya, pero walang kahit sinuman ang nagpakita,  huminga siya nang malalim at parang sumakit ang kanyang puso.

"Nangako kayo eh," sa sobrang lungkot niya ay umupo muli sya at tinignan ang kanyang mga sapatos. Malapit na syang umiyak, hindi niya namalayan na nabitawan na niya ang itim na lobo.

Sa ilaw ng kanyang wristwatch, nakita niya na 12:05 na.

Nang pinilit niya ang sarili na tumayo, mayroong dalawang kamay na naka- gloves ang kanyang naramdaman na nakatakip sa kanyang mga mata.

"Sino 'to?" isang pamilyar na boses ang narinig niya, isang malalim na boses.

Tumawa ng mahina si Ana,
"Hmm.. " pakunwari pa syang nag iisip, pero kilalang-kilala niya ito.

"Sino nga ba 'to?" Tanong niya sa saliri, pabirong pag irap. "Di kita kilala," sabi niya habang nanggigigil.

"Ana naman eh.." naiinis na sabi ng kanyang katabi habang kinukuha ang  mga kamay sa pagtakip sa mga kamay ni ana. Muli ay nakakita na si Ana.

Tumalikod siya at nakita niya ang kanyang Kuya na nakasuot ng maitim na tuxedo at may bahid na inis sa mukha sa ilalim ng kanyang eye mask, pero halata naman na pabiro ito. May dala rin itong mahabang cane na kinompleto ang porma na ito.

"Kuya Cris~" sigaw niya habang  yinakap ang paa ng kanyang kuya. Paano ba naman, 8 years old pa siya at ang sobrang liit pa niya.

Tumawa ng mahina si Cris at lumuhod sa kanyang harapan para magkasingtangkad na sila, "Ana, pasensya na't late kami ng ate mo, "

"Okay lang yun! Basta't magkasama tayo ngayon."

Humalik si Cris sa noo ni Ana, "Si Ate Brynn mo kasi ang bagal bagal, nag make up pa pero alam mo naman," Tinakpan ni Cris ang tenga ni Ana at bumulong ng mahina, "Pangit parin siya diba?"

Tumawa sila ng mahina, pero mukhang napansin ito ni Brynn. "Hoy, ang ganda ko kaya. Hello, beauty queen kaya ako nung eighteen pa ako,"

Nung narinig ni Ana ang mahimbing na boses ng kanyang ate, lumingon siya at pinagmasdan niya si Ate Brynn palakad ng malapit sa kanyang midnight blue gown at hawak hawak ang itim na lobo. "Ate na- miss kita, at nakuha mo ang lobo!" Yinakap ni Ana ang kanyang ate, naka make up ang isang parte ng mukha ni Brynn na parang sugarskull na nagbibigay ng mas kakaibang dating sakanya. At kagaya ni Cris, naka eyemask ito pero itim ang kulay at parang pakpak ng paru- paru ang hugis.

"Buti pa nga si Ate brynn, nakuha niya tuloy diba?" Pagyayabang ng dalaga.

"Oh, siya na, maglaro na tayo," sabi ni Brynn, pumunta ng mahina si Cris kanila. Bago paman siya magsalita, binatukan ni Brynn ng ulo ni Cris ng pabiro , "And for your information, I'm gorgeous and mana naman talaga si bunso sa akin,"

Ate, Kuya ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon