Binuksan ni Ana ang kaniyang mga mata at nakita niya ang ceiling fan. "Panaginip na naman," isip niya.
Nakahiga parin siya sa kama, iniisip niya ang kaniyang 'panaginip' na iyon. Wala naman pagbabago, halos tuwing Halloween lang sila Ate Brynn at Kuya Cris nagpaparamdan sakanya tuwing sya'y natutulog habang nanaginip.
Sa sobrang 'pagkikita' nila, parang naging totoo ang mga pangyayari. Ramdam ni Ana ang kanilang yakap, ang kanilang halik, naririnig pa nga niya ang kanilang boses na parang andun lang sila palagi.
Pero sa totoo, wala na sila. Halos siyam na taon na silang patay. Sa isang madilim na kanto kinuha ang kanilang buhay, sila ay na hit and run.
Walong taon pa si Ana nung na aksidente sila, papunta silang magkapatid sa isang Highschool Halloween Party ngunit hindi sila umabot.
Naaalala pa ni Ana ang gabing iyon, ang kanilang mga malawak na ngiti, ang mga magagandang kasuotan, ang mga biruan ni Kuya Cris at Ate Brynn na halos naiiyak na sa pagtawa.
Ang palagi nilang sabihin bago sila lalabas ay nanatiling nakatatak sa aking utak..
"Bye Bunso, mahal ka namin!"
Beep. Beep. Beeeep.
Hindi niya namalayan na umiiyak na siya sa pag iisip sakanyang yumaong mga kapatid.
Beep.Beep.Beeeep.
Ayun na naman ang alarm clock, halos isang oras na siyang nakahiga kaya hindi niya namalayan ang pagtunog ng alarm. Tinignan niya ang kanyang orasan, pasado alas syete na pala.
Narinig nga ito ni Ana pero hindi niya binigyan ng pansin. Pinatay lang niya ito pagkatapos ng ilang minuto ngunit hindi pa rin sya bumangon sa kama.
Sabado naman eh, Halloween Night.
At bukas naman.. ang Death Anniversary nila Kuya at Ate. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nasanay na pagsabi ng "Patay na ho sila," dahil alam niya andito lang sila sa kanyang puso.
BINABASA MO ANG
Ate, Kuya ✔
Random•Isang Tagalog story po ito ≧ω≦ •Halloween Special ~2017~ •Pasensya na sa mga wrong grammar at spelling XxZa_Chee