Chapter 1 [Mr. Robber]

128K 1.7K 114
                                    

Chapter 1

[Mr. Robber]

 

Helloooo Philippines!

I can't believe it. After three years since our family moved to England, nakabalik na rin ako sa Pilipinas. And this time, I'll stay here dahil dito na ako mag-aaral.

New school, new friends, new classmates, new environment. Excited na ako!

"YUMI LEIGH ANDRADA!!" Tinignan ko yung tumawag sakin. Si Jade Lian Punzalan, my bestfriend since birth.

"JAAAAAADE! Namiss kita!" Tumakbo siya papunta sakin. Kanina pa yata siya nag-aabang para sakin sa main gate ng bago kong school. Ngayon kasi ang first day of classes. Fourth year high school na kami.

"Baliw ka! Nung isang araw lang kaya tayo nagkita! Ako pa nga sumundo sa'yo sa airport." Hindi kami nawalan ng communication kahit na nung magpunta ako at ang family ko sa England. Isang beses nga, dumalaw pa si Jade samin doon.

"Hahahaha. Makasigaw ka naman kasi, wagas."

 

"Aba naman po kasi, katagal ko na kayang naghihintay dito. "

 

"Ay, sorry. Late ako nagising. May jet lag pa ata ko. ^0^V "

 

"Hay naku. Kung di lang talaga kita bestfriend. Halika na nga, dapat dumaan ka muna sa office di ba?" Hinila na ako ni Jade papasok ng new school ko, ang St. Celestine Academy. Isa siyang sikat na private school na pagmamay-ari ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas.

Tumingin ako sa paligid. Ang laki talaga ng school na 'to. Ang pagkakaalam ko, kumpleto na yung school na ito mula pre-school hanggang college. Nakahiwalay nga lang yung campus ng college sa campus ng pre-school to high school.

Hindi kami dito nag-aral ni Jade nung elementary. Lumipat lang ng school si Jade kasi walang high school yung dati naming school. Tapos ako naman, ayun, napunta ng England.

"Andito na tayo!" Napatingin ako sa pintuan sa tapat namin. Nasa Principal's office na pala kami. Ayan kasi, masyado akong naaliw sa surroundings. Haha. "Bes, balikan na lang kita dito ah? Pupuntahan ko lang yung pinsan ko."

 

"Okay!" Umalis na si Jade kaya pumasok na ako sa office.

Wala namang masyadong nangyari. Nagdiscuss lang ng konting guidelines tapos nagbilin na kailangan ko daw bumalik bukas para ayusin yung student record ko at para sa tour ko sa campus.

Lumabas na ako nung office kaso wala pa si Jade. Hihintayin ko na lang siguro siya...

...

...

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon