Twists and turns. (Jamantha fanfic)

754 25 22
                                    

Bakit ko nga ba naisipang gumawa ng isang Jamantha fanfiction?

Una, malamang dahil sa suporta ko sa tambalang Sam at Jared.

Pangalawa, dahil sa mga pangyayaring umiikot sa aking imahinasyon.

At pangatlo, dahil sa paniniwala kong sila ang magkakatuluyan sa huli.

Mabigo man ako sa paniniwalang ito, mananatili at paninindigan ko ang posisyong aking pinili. 

Hello nga pala sa napakagaling na author ng Never Talk Back to a Gangster na si Ms. Alesana Marie! Pagpasensyahan at ito ang ibinunga ng aking kaadikan. Chos.

Sorry sa wrong grammar. Enjoy! :) 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Samantha's POV

Nagsimula 'tong kapraningan ko nung pinadakip kami ng bruhildang Ricang yon. Oo nga pala, nakaligtas kami. Dumating kasi si Superman nun at nailigtas niya kami. Yay. 

Pero joke lang yon. Dumating si Jared at iniligpit yung mga weak na tauhan ni Riri. Gangster ata ang fiancee ko. 

Luh. Erase erase!

Nagtataka kayo kung pano nalaman ni Jared na nakidnap kami? 

Ewan ko rin. Ayaw niyang sabihin eh. Ito lang lagi yung sinasagot niya pag tinatanong ko siya tungkol dun.

"May connection nga kasi na nagpaparamdam sakin kung anong nangyayari sayo."

NAKAKALOKONG SAGOT, NO? I hate you talaga, Jared. -_-

Okay, so namention ko kaninang nappraning ako, diba? 

Yung mga bata kasi sa panaginip ko araw araw akong ginugulo. Parang nagbubuhol buhol na yung utak ko sa kakaisip eh. Parang kada araw, nagiging malinaw na sakin lahat.

Isang araw, nagising na lang ako na kilala ko na yung mga batang gumagambala sa panaginip ko. 

Si Timothy.

Si Audrey.

At ang batang nagtangkang habulin ang van na sinasakyan ko no'n.

Si Jae..

Si Jared.

Siya lang naman yung crush ko nun. Kaso gusto niyang maging superhero nun kaya tumatanggi siya pag niyayaya ko siyang magpakasal. Di ko akalain na yung batang gustong gusto ko nun, eh ang magiging Fiancee ko pala ngayon na bestfriend pa ng taong mahal ko.

ANG GULO NG BUHAY. NAPPRANING NA KO. Kaya ba ganito na lang yung nararamdaman ko para kay Jared? Kaya ko ba siya pinagnanasahan?! -_-

Gusto ko sana siyang tanungin tungkol dun. Pero.. ayoko. Baka hindi na rin naman niya naaalala. Bahala na si batman.

Red's POV

Ampupu naman. Nakakainis tong si Samantha! May sakit ba 'to o ano?! Minsan naaabutan ko na lang na tulala na parang may iniisip. Amp. 

O baka iniisip niya lang si Top? Sus! 

Ano na kayang nangyari dun? Wala na kaming balita sa kanya. Siguro isang araw, bigla na lang susulpot yun tas maeechapwera na ko ng tuluyan. Takte naman.

Nakatira na pala kami sa iisang bahay ngayon ni Samantha. Ewan ko rin kung anong masamang espiritu yung sumanib kay Lee at pumayag siya. 

Nakatingin lang ako kay Samantha at Angelo ngayon. Naglalaro sila ng clay. Parang hindi sila magkapatid. Para silang mag-ina. Tas syempre ako yung tatay. At happy family kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Twists and turns. (Jamantha fanfic)Where stories live. Discover now