BAGONG BAYANI

114 0 0
                                    

Kahit kapalit ay mamiss nila ng sobra
Basta maipadama ang ginhawa
Mga hirap ay kanilang kinakaya
Basta para sa kanilang pamilya

Sa buhay ay gustong umangat
Hirap ay bawasan ang bigat
Dahil sa sweldong hindi sapat
Kaya sa ibang bansa ay lumilipat

May mga di matatawarang galing
Makabagong bayani sila'y ituring
Sa trabaho man ay halos maduling
O kahit pa magkulay uling

Yung iba ahensiya sila ay naloko
Yung iba ay laging huli ang sweldo
Sa kanilang hirap at sakripisyo
Kami ay talagang saludo

Silang mga bagong bayani
Na hindi inisip ang sarili
Sakripisyo nila'y walang silbi
Kung pamilya'y hindi mapabuti

Kalaban ay ang inip
Pamilya ang laging nasa isip
Panyong sa mata ay itinakip
Binasa ng luhang nakalakip

Mga Pagsubok man ay dumaan
Sarili ay huwag pababayaan
Panatilihin ang katatagan
Manalangin ay huwag kalimutan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BAGONG BAYANITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon