Kahit kapalit ay mamiss nila ng sobra
Basta maipadama ang ginhawa
Mga hirap ay kanilang kinakaya
Basta para sa kanilang pamilyaSa buhay ay gustong umangat
Hirap ay bawasan ang bigat
Dahil sa sweldong hindi sapat
Kaya sa ibang bansa ay lumilipatMay mga di matatawarang galing
Makabagong bayani sila'y ituring
Sa trabaho man ay halos maduling
O kahit pa magkulay ulingYung iba ahensiya sila ay naloko
Yung iba ay laging huli ang sweldo
Sa kanilang hirap at sakripisyo
Kami ay talagang saludoSilang mga bagong bayani
Na hindi inisip ang sarili
Sakripisyo nila'y walang silbi
Kung pamilya'y hindi mapabutiKalaban ay ang inip
Pamilya ang laging nasa isip
Panyong sa mata ay itinakip
Binasa ng luhang nakalakipMga Pagsubok man ay dumaan
Sarili ay huwag pababayaan
Panatilihin ang katatagan
Manalangin ay huwag kalimutan