BEZ
Huy, bez.. punta ka rito
Bakit, ano meron?
Wala... bored lang. Hindi
ako makaalis, bantay ako
sa dalawang kapatid ko...Hay nako bez, not now. Alam
mo naman kapag saturday
hindi ako pwede di ba?
Nandito siya.Wahhh... at ipagpapalit mo
talaga ako sa pagpapa-charming
mo sa bestfriend ng ate mo ha...Ang hard mo naman.. hindi ako
nagpapa-charming no, gusto ko
lang naman siya makita kahit
sa malayo lang.Eh, ano pala tawag mo d'on?
Wala... basta 'wag ka nang ano
diyan, alam mo naman na
fifteen pa lang ako sobrang
crush ko na siya, eh...Hay nako, Maria Antoinette.
Bakit kasi hindi mo pa
aminin na crush mo siya,
para magka-alaman na kung
may pag-asa ba yang pagsinta mo.Ano ka ba? Para namang gan'on
lang kadali 'yon, no... papatulan
ba ako 'non? Eh, feeling ko nga, may something na sila ng ate ko, eh.Ouch. So, hanggang tingin
ka na lang talaga?Hayaan mo na, bez, masaya
na ako dun. At least nakikita ko
siya kahit once a week.Ikaw na inlove.
Huhuhu... bez, konting
support naman diyan.Oo na. Ikaw pa ba? Kung
san ka masaya, suportahan
taka.Anyway, kita na lang tayo
sa school, sa monday.Okay, thanks. Kitakits... mwahh!
ATE KO
Sis, baba ka rito, lunch na
tayo. May dala si Greg na
california maki.'Di ba favorite mo 'yon?
Okay, coming.
KAHIT nahihiya, ay walang nagawa si Toni kundi bumaba at sumalo sa tanghalian. Wala siyang maidahilan, dahil hindi naman siya nakakain ng almusal, at tanghali na siyang nagising, kaya hindi niya masasabing busog pa siya.
Habang kumakain, ay hindi niya alam kung paano makakaiwas sa dalawang kaharap niya, na masayang kumakain, habang nagkukwentuhan.
Kung alam lang niya na masisira ang appetite niya sa ka-sweetan ng dalawa, ay nagpa-mamaya na lang siya sa pagkain.
Wala sa loob na napalakas ang buntong-hininga niya at agad na napatingin si Greg sa kanya.
"Ang lalim n'on, ah, okay ka lang ba? Ayaw mo ba ng food?" kunot-noong tanong nito. "Ang layo pa ng binilihan ko niyan, kasi sabi ng ate mo, favorite mo raw yan." anitong nakatingin sa california maki na nasa plato niya na nagkahiwa-hiwalay na, dahil kanina niya pa tinutusok-tusok ng tinidor.
"So nagpapalakas siya sa akin kaya siya bumili nito, at baka sakaling magustuhan ko siya para sa ate ko?" lalong sumama ang panlasa niya sa naisip.
BINABASA MO ANG
My Sweetheart (Completed)
RomanceGregorio Delgado. Pangalan pa lamang nito ay napapangiti na si Toni. Best friend ito ng ate niya at ultimate crush niya mula pa yata nang malaman niya ang kahulugan ng salitang iyon. Paano kung malaman niya na may katugon naman pala ang nararamdaman...