Hugot#1

47 1 0
                                    

NAALALA MO PA BA AKO?

Kilala mo paba ako?
Kung Hindi na magpapakilala ulit ako,
Hi ako nga pala yung lumikha sayo,
Yung nagparamdam saya sayo,
Pinahalagahan ka, Minahal ka, Tinanggap ka,
Prinotektahan ka, sinalo ka, pinagaling ka,
Pinalaya ka, binigyan ka ng pagasa, sinasamahan ka at binago ka.

Oo ako yun! Ako yung nagiisang
Nakagawa sayo nun, kulang pa nga yun
Nakalimutan kuna kasi sa dami ng ginawa ko sayo,
Pero masayanaku sa simpleng pagkilala mo ulit sakin,
Yung tanggapin ulit ng buong puso
At pagkatiwala ulit sakin ang buhay mo!.

Kagaya ng mga bituwin sa kalangitan,
Sila'y nagniningning dahil sa saya,
At sa iyong pagbabalik sila'y sumasayaw sa galak,
Ganyan ang aking nadarama.

May naalala ako, siguro dito maaalala muna ko
Sa buhay no di pwedeng puro saya lang,
Naalala mo ba nung nasaktan ako?
Sa bawat pagpatak ng luha mo,
Kasiyahan ang kapalit nito sakin,
Dahil alam Kong naalala muna ako.
Sa bawat patak ng dugo ko,
Masaya ako dahil Malaya kana wala nang reason upang maging alipin ka ng kalungkutan,
Sa bawat latay na namumutawi sa aking katawan,
Sa bawat pako na ipinako sakin,
Masaya ako dahil nabago ka, nabuhay kang muli.

Oo ako nga pala yun!
Yung nagsabi at pinangakuan kana,
Dadalhin kita sa kaharian ko,
Naalala mo nadin ba yung mga pangako mo?
Na mabubuhay ka para sakin,
Naalala muna ba nung lumuhod ka sakin,
Niyakap kita ng sobrang higpit,

Alam kong bumalik kana,
Alam kong pinagsisihan mo na ang paglimot sakin noon,
At pinatayo kita ng may ngiti sa labi,

Ikaw na mismo ang nagsabi,
Nang aking pangalan JESUS
Oo JESUS ang aking pangalan,
Tandaan mo, Mahal na mahal kita 💜

#SpokenWords

Nagmahal Nasaktan Humugot!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon