Kabanata 1: Broke
Kasalukuyan akong nasa swing ng munting playground dito sa subdivision namin. Tinutulak ng sarili kong paa ang lupang kinalulugaran ko upang maisabay sa paggalaw ng swing na ito ang katawan ko. Ang sarap ng hangin. Wari'y nagsasabi na huwag damhin ang kahit na anong problema. Na dapat ay chill ka lang kung gusto mong maging maganda at masaya ang buhay na nakakamtan mo ngayon. Hindi ko mawari kung inaasar lang ba ako ng hangin na tumatama sa katawan ko o talagang masaklap lang ang tadhana sa akin at ang mga naging karanasan ko nitong mga nakaraang taon ay tila dilubyo kung maituturing para sa buhay ng isang tao.
Ulilang lubos. Yan ang tawag para sa mga kagaya kong binawian na ng buhay o iniwan na ng mga magulang o kamag-anak na kasama ko sa buhay.
Bata pa lamang ako ay iniwan na ako ni mama't papa. Hindi dahil sa patay na sila kung hindi dahil sa umalis na sila. Hindi ko alam kung nasaan pero batid ko'y may masaya na silang pamilyang dalawa. Masaya sa kanya-kanya nilang pamilya. Balita ko ay may anak na si papa sa ibang babae. Yun marahil ang dahilan kaya sila naghiwalay ni papa. Na baka tulad ng ibang lalake na napadpad lang sa ibang bansa ay nangaliwa na. Nakakatawang isipin na nakukuha nilang magpakasaya roon ngunit ang pamilyang naiwan nila rito ay naghihirap. Sabihin na nating may kaya kami. Pero noon yon, dahil simula ng maghiwalay sila mama at papa ay dun na rin nawalan ng pag-asa si mama. Pero awa naman ng Diyos ay nagsumikap siya parin sa akin. Nung mga unang taon ay nangibang bansa siya. Nagpapadala ng pera oo. Syempre para sa pang-aral at panggastos sa bahay. Pero ng dumaan na ay parang bula si mama. Biglang naglaho.
Lumipas ang taon na ang natira nalang sakin ay sila lolo't lola. Masaya ako sa piling nila. Oo may problema sa pera pero hindi namin hinayaang magpatalo kami sa problema. Kung baga sa antas ng karangyaan ay nasa lebel kami ng "nakakaraos ng tatlong kain sa isang araw". Kumikita si lola sa paglalabada at maging si lolo ay may natatanggap na pensyon galing sa gobyerno. Isang malaking tulong na iyong SSS para sa amin.
Pero sa isang iglap, tila nagbago ang takbo ng tadhana sa buhay ko. Biglang nagkasakit si lolo. Nag-umpisa sa ubo pero tila lumalim. Hindi maipaliwanag ng mga doktora. Nung una pulmonya na may halong diabetes pero ng kinalaunan ay naging sakit sa puso. Ang gulo! Minsan talaga ang ibang doktor ay nakakainis. Oo nga't hindi sila Diyos pero bakit hindi man lamang sila magpasabi hindi ba? Naging magulo ang sitwasyon. Hanggang sa umabot nalang na nabawian na ng buhay si lolo.
Ang sakit. Napakasakit.
Mahigit dalawampung taon ko siyang nakasama sa buhay. Siya ang tila gumanap na ama ko sa buong taon na yon. Ni minsan ay hindi ko kinakitaan ng pagkukulang si lolo. Oo nga't napapagalitan at nasisigawan ako paminsan-minsan pero naniniwala akong parte lamang iyon ng tamang pagpapalaki sa isang bata. Ganoon marahil ang nagiging pagsubok upang mapalaki ng maayos ang iyong anak. Upang mapalaki ng may respeto. Una ay hayaan mong respetuhin ka muna niya dahil parte ng proseso yoon. Marerespeto mo lamang ang ibang tao kung maipapakita mo sa kasama mo sa buhay na nirerespeto mo rin sila. At irerespeto ka lang ng ibang tao kung rerespetuhin mo rin sila. Dahil kung hindi, sorry ka nalang at huwag ka ng umasang makatanggap pa ng respeto.
Respeto ang naging pundasyon ng lolo ko. Nirerespeto siya ng mga tao rito kaya naman noong binawian siya at napakaraming dumalo. Lulan siguro ng 200 tao ang mga jeep papunta sa sementeryo. Nakakatuwang isipin na maraming nagmahal sakanya? Kapag ako kaya ang namatay ay ganoon din karami ang susulpot sa libing ko? O baka naman 1/16 lang ng dumalo kay lolo ang dadalo sa kamatayan ko?
Lumipas ang ilang buwan at sumunod si lola. Para silang love birds. Mamamatay ang isa kapag nawala ang isa. Hay masakit man ay nakakagaan pa rin sa pakiramdam. Siguro ay nabunutan ng tinik si lola. Alam ko naman na sobrang pagkamiss at pagkalungkot ang nangyare sakanya kaya napaaga ang katapusan ng buhay niya. O di kaya'y sinundo siya ni lolo. Hehehe, joke lang po lolo't lola ha. Rest in peace kung nasaan man kayo.
Pero la, lo. Wala pa ba kayong balak sunduin ako? Hindi ba kayo nag-aalala sa akin dahil ako nalang ang iniwan niyo mag-isa? Alam niyo namang naghihirap din ang mga relatives niyo diba? Maawa naman kayo sakin la. Huhuhu, sunduin niyo na po ako.
Nagulat ako ng biglang umihip ang hangin, sinundan pa ng ulan. Narinig kaya nila ako sa taas? Susunduin na kaya nila ako?
Napagpasyahan kong tumayo. Maglakad lakad. Gusto kong pumunta sa tulay. At doon na lamang mag-isip isip. Hay buhay kung siguro tulad lang ng pamumuhay noon ang pamumuhay ngayon? Nako baka nakasurvive pa ako!
Iwas na iwas sa akin ang mga tao. Nakakatuwang tignan ang iba na natakbo pa para makasilong. Yung iba naman ay magkasukob sa jacket. Nakakabitter ha! Habang ang iba ay tinitignan ako na parang baliw. Sa isip-isip siguro nila: "Ano ba tong ginagawa ng babaeng ito? Umuulan na ha? Wala ba siya sa katinuan at ayaw pa niyang sumilong?" Pero imbis na suklian ko ng masamang tingin ang mapanuring mata nila ay sinuklian ko nalang ito ng nakangiting mukha. Isipin niyo ng baliw ako! Pero wala na atang mas lalala pa sa nararanasan ko! Mga adik! Kayo kaya rito sa posisyon ko ano? Ng mafeel nyo ang nafeefeel ko huhuhu.
Nakarating na ako sa tulay. Andito ako sa parang nagsisilbing harang ng upang malaglag sa tulay. Ang lakas naman talaga ng loob mo Funny ano? Naisipan mo pa talagang umupo? Aba'y siraulo na babae to wala man lang kinatatakutan!
Baliw na nga ata ako ano? At kinakausap ko ang sarili ko sa gitna ng dilim at ulan. Puro pighati ang tangi kong nararamdaman. Nakakatuwa na FUNNY nga ang pangalan ko ngunit hindi naman masaya ang pamumuhay ko dito sa mundo. Masaya. Sana? Kung di ako kinuhaan ng kasama sa buhay. Kung hindi lang ako iniwan ng mga importanteng tao sa buhay ko.
Ayaw ko na. Pagod na ako.
Gusto ko nalang tapusin tong putepeteng buhay na to.
Walang nagmamahal sa akin. Wala.
Dahil wala namang nakakakilala sa akin. Maliban sa kaopisina at mga kaklase ko.
"Ano miss? Papakamatay ka? Halika ako na tutulak sayo."
"Ay letche! Anak ka ni satanas!! Fowtek, dahan-dahan naman uy. Tao lang nagugulat din!"
Muntik na akong malaglag dahil sa gulat sa kinauupuan ko ngayon dahil sa pagsasalita ng kung sino mang hinayupak na to. Epal siya sa moment infairness. Hindi ko naman siya namalayan na naglalakad dito ha? Paano to napadpad dito?
"Nakakagulat talaga kapag makakita ka ng ganitong kagwapong nilalang sa kasagsagan ng gabing maulan. Pfft! Gwapo ko talaga eh no?" Ang yabang naman nito.
"Pa-pa-paano ka napadpad dito? Wala ng naglalakad sa ganitong lugar kapag ganito na kadilim. Teka kidnapper ka ba!? Snatcher?! Hoy nakikita mo naman sigurong wala akong bitbit na kahit ano ha!? Lumayo ka sakin, masasampal talaga kita kuya!"
Pero imbis na sagutin niya ako ay tinitigan niya lang ako at nginitian na para bang balewala sakanya ang tanong ko. Na para bang hindi ko siya pinaghinalaang snatcher/kidnapper. Na para bang nakakatuwang bagay yung binanggit ko sakanya.
May sapi ba tong taong to?
[Published: Oct. 24, 2016]
YOU ARE READING
Funny's Phantom Lover
Mystery / ThrillerI don't really know how much this bitching life could be ruder than it is. Mind sharing me how to end this miserable life?