Unexpected Love

73 11 16
                                    

Unexpected Love

Written by heartlessdiva

***

Weekend. Walang pasok. Libreng gumala. Pero...

Wala akong pera! My God!

"Liza! Ano?! Wala ka bang balak bumangon?! Sasama ka ba o sasama ka?!" sigaw ni ate sa kabilang kwarto.

Argh! Kainis! Gustong-gusto kong sumama kaso WALA NGA AKONG PERA! Yan caps lock para dama niyo! Punyemas naman oh!

"Ate," saad ko kay ate na parang batang nanghihingi ng candy.

"Tsk. Pera? Oh ito. Bayaran mo 'yan sa susunod, ha?!" sigaw niya.

Iyan ang ate ko, mabait, sa ngayon. Ewan ko, good mood ang gaga naka-shabu yata. Eh kung gano'n, maghahanap na ako ng shabu para naman always good mood 'yong ate ko.

Tumakbo agad ako sa kwarto para makapag impake.

Yohooo! Wait for me Bora!!!

Mahigit tatlong oras ang byahe bago kami makarating. Whooo! Kapagod matulog nang naka-upo no? Now I know. Sa susunod magdadala na ako ng duyan para itali sa van. Pero pwede ba 'yon? Tent na lang kaya, ilagay ko sa taas ng van. Ay 'yon nga tama, sa susunod magdadala ako ng tent.

"Oh ano na, 'di ka lalabas? Oh sige dyan ka na sa van mag-swimming!" bulyaw ni ate sabay walkout.

"Sandali naman. Nagmo-moment yong tao panira ka naman, eh!" pabalik kong sigaw.

"Bakit?! Tao ka ba?" sarkastikong sigaw ni ate.

Napasimangot na lang ako sa sagot niya. Langya sinabi ko bang mabait 'yong ate ko? Pwes! Binabawi ko na. Kainis daig pa ang buntis kung maka-change ng mood. Bipolar masyado! Tsk. Kapatid ko ba talaga 'yon? Parang pinaglihi sa sama ng loob, eh.

Ka-bad trip!

Naglakad akong bitbit ang aking backpack. Malapit na sana ako sa cottage nang biglang may nakasalubong akong isang... Greek God from the Mount Olympus.

Sheemss! Nakakalaglag panty yong kagwapuhan niya!

Matangkad. Maputi. Matangos ang ilong. Maputi as in yong kutis artista. Chinito. In short, perfect! Ang pogi!

"Aray!" saad ko nang biglang may beach ball na tumama sa pisngi ko.

Tiningnan ko kung saan galing 'yong bola pero napabalik din 'yong tingin ko sa asawa kong nakasalubong ko lang kanina. Pero napasimangot na lang ako nang 'di na mahagip ng paningin ko ang kagwapuhan niya.

Leche naman oh! Nakita ko na, eh. Yong asawa ko. Si Mr. Chinito. Bwahaha gwapo sheet. Makalaglag panty talaga. Yong tipong kusa na lang malalaglag yong panty mo. Gano'n yon!

'Di bale maglalagay na lang ako ng malaking poster.

MISSING: Husband ko.

Tapos lagay ko na rin 'yong picture ko no'ng nanalo ako sa beauty pageant sa aming barangay. Oh ha, 'di ba! Haba ng hair ng lola niyo pang beauty queen yong ganda! Bagay talaga kami ng asawa ko!

"Oh tagal mo ah 'di ka excited?" angal ni tita.

Natauhan naman ako bigla. Hay nakarating na pala ako, 'di ko man lang namalayan. Si asawa kasi, ang gwapo kainis sarap kurutin.

"Excited hanapin yong asawa ko? Oo. I'm super excited." sagot ko habang 'di pa rin mawala 'yong pagbusangot ko.

"Aba't kailan ka pa nagka-asawa aber?" nakapamewang na tanong ni ate.

Tsk. Kahit kailan talaga kontrabida siya sa buhay ko.

"Kanina lang," ngiting aso kong saad.

Napatingin naman bigla 'yong mga kasama ko. 'Yong tingin na parang gumawa ako ng krimen. Priceless?

Unexpected Love | Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon