Part II: Into the Vouxhord Academy

7 0 0
                                        


Naalimpungatan ako at nagising, napatingin ako sa orasan na nasa tabi ng kama ko. Alas kwatro na pala ng umaga, napatingin ako kay Ava na mahimbing na natutulog.

Mamimiss ko talaga siya ng sobra.

Tumungo na ako sa banyo ng kwarto ko at inihanda na ang aking sarili sa pag-alis.

Matapos kong igayak ang mga gamit at ang sarili tumabi ako sa mahimbing na natutulog na si Ava. Hindi ko na siya gigisingin at baka makita ko lang siyang umiyak at hindi ako makaalis.

Hinalikan ko nalang siya at hinaplos ang matatabang pisngi nito tanda ng pagpapaalam ko para sa matagal kong pagkawalay sakanya.

Paglabas ko ng kwarto nakabungad na agad ang mga tagapagsilbi na magbubuhat ng mga bagahe ko.

Tahimik ang paligid marahil madaling araw pa lamang.

Paglabas namin ng mansyon nakaabang na ang sasakyang aming gagamitin paalis. Andun din sila Mama at Papa.

“Evie, pagbutihin mo dun wag kang gagawa ng hindi namin magugustuhan ng Papa mo” anya ni Mama.

“Opo Mama”

“Oh halika na baka mahuli pa tayo” yagak ni Papa.

Kasama ko nga palang pupunta si Papa dahil meron siyang mga papel na dapat pirmahan dun para sa pagpasok ko.

Humalik si Mama kay Papa sa pisngi maski sa akin.

Pasakay na ako sa sasakyan ng may sumigaw.

“Ateeee!” sigaw ni Ava habang tumatakbo papalapit sakin na humahagulgol pa.

Nang makalapit siya agad siyang yumakap at ginantihan ko naman ito.

Humiwalay din siya agad at hinarap ako.

“Ate *hick* bat hindi *hick* mo ako *hick* ginising? Ayaw mo bang *hick* mo ba sa akin *hick* mag babye? Huhuhu” sabi ni Ava habang humihikbi pa at umiiyak.

“Hindi naman sa ganun bunso, ayoko lang kasing gisingin ka dahil ang himbing ng tulog mo eh tska baka kasi hindi ako maka alis dahil makita kitang umiiyak baka hindi kita maiwan” ako.

“Tsaka isa pa baka makatulog ka sa pag-aaral mo kasi sobrang aga mong nagising” dagdag ko.

“Sige na ate, baka mahuli pa kayo, basta ate ha dadalawin kita dun promise yan, wag mokong kakalimutan ha” sabi ni Ava.

Napangiti ako sa sinabi niya at muli siyang niyakap at hinalikan sa noo.

At saka ako sumakay ng kotse.

Pinagmamasdan ko lang si Ava habang papalayo ang sasakyan hanggang sa hindi ko na siya makita.

Mamimiss ko talaga ang kapatid kong iyon.

Nabalot ang buong byahe ng katahimikan.

Sa bandang likod ako nakaupo at katabi ko si Papa na busying binabasa ang papeles na hawak at isang tagapagsilbi ang nakaupo sa harap at ang driver.

Maya maya ibinaba ni Papa ang mga papel na hawak at may kung anong kinuha sa kanyang bag.

“Evie, heto tanggapin mo tong regalo to sanay pag ingatan mo, pag pasensya mo na ako anak kung hindi ako nagkaka-time para sayo” Papa.

Eto nanaman para bang nagbago na si Papa, napatulala lang ako sakanya.

Inabot niya sakin ang isang hindi kalakihang kahon at ng buksan ko iyon isang necklace na may heart shaped royal blue crystal na pendant at may mga brilyanteng nakapalibot dito.

“Papa, it's beautiful thank you po” sambit ko at saka isinuot to.

Matagal-tagal din ang byahe namin bago makarating.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon