Chapter 1 - Ako si Aereen Lijauco

38 1 1
                                    

Ang bilis talaga ng panahon no?

Minsan kala mo pinaglalaruan ka.

Pag bored ka, recitation o kaya kabado ka, napakabagal ng oras. Kapag naman nag eenjoy ka, sobrang bilis. bat ganon? lol

Matatapos na ang summer break at malapit na naman ang pasukan. 4th year na ko pagpasok.

Marami na kong napagdaanan sa school namin, ang mainlove nalang ata ang hindi. joke haha XD

Siya nga pala, ako si Aereen Lijauco, 15 years old, wala akong masyadong pangarap sa buhay. Hindi ko pa din alam ang gusto kong kunin na kurso sa college.

Alam ko alam ko, sasabihin ng iba, "Ano bang gusto mong maging?" o kaya "Ano bang hilig mo?" kung pwedeng sabihing, Gusto ko maging fairy at hilig kong kumain at matulog, ginawa ko na e. Kaso napapangiti na lang ako. nakakahiya rin kase yun XD

Sa tingin ko di naman ako masyadong maganda. tama lang, tapos di rin ako sexy o payat. Tamang size lang, yung buhok ko hanggang balikat lang. Hmmm ano pa ba? lolol joke.

"Aereen!" tawag ni Mikaela. Siya ang pinaka kaclose ko sa barkada mula 2nd year.

"Oy?"

"Anong section mo? ha?" tanong nya na parang excited

Sya nga pala, ngayong araw ay Brigada Eskwela, yun yung parang maglilinis kame sa school o kaya sa kanya kanyang classrooms na papasukan namin this year para maayos at malinis pagpasok namin sa june.

At teka, oo nga hindi ko pa alam section ko!

"Di ko pa alam e. samahan mo ko" sabi ko kay Mikaela

"Ow sureeee"

Tapos nagmadali kami papunta sa listahan ng mga pangalan, hinanap ko sa pinakataas sa listahan yung akin tapos pababa..

L..

Lijauco..

Hmm..

Ayun! bingo! Section Autumn

Astig, section to ng ate ko dati. Dito din kasi siya nag-aaral dati nung high school siya haha

"Aw. di na tayo magkaklase" sabi ni Mikaela. since 2nd year kasi magkaklase kami

"Sus ayos lang yan. magkakatabi naman ang rooms ng 4th year eh" sabi ko tapos ngumiti ulit siya

Nagpunta ako sa classroom ng section autumn para makita yung itsura ng room pati ng classmates ko na umattend, pwede din kasing di umattend sa Brigada. Depende lang sayo yun haha

Pagpasok ko, maingay na agad. mga magkakakilala na rin kasi halos lahat samin gawa nga ng 4th year na rin

Nakita ko yung iba, naging classmates ko na dati.

Tapos lumabas na rin ako ng classroom, ayoko maglinis. nakakatamad-_-

Wag kayong mag-alala

hindi lang naman paglilinis kinatatamaran ko muhahahahaha!

Maiba ko, sana talaga maging mas masaya ang year na to para sakin

Sana malaman ko na rin kung ano pangarap ko

 Hahahahahahaha hay

-------

Itutuloy~

Kwento ni AereenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon