Natapos na naman ang higit kalahating araw ko sa sinisinta kong paaralan. PWE! hahahahaha
Syempre after nun umuwi na ako
"Paano natin sasabihin kay Aereen?"
Ha? ano yun pinaguusapan ba nila ako?
"Maiintindihan naman siguro niya. kailangan natin ng pera magkokolehiyo na siya." narinig kong sabi ni papa
Hindi ko naman ugaling sumingit sa usapan ng iba pero ginawa ko
"Ano po yung sasabihin niyo sakin?" tinanong ko sakanilang dalawa at halatang nagulat sila
"Ah eh ayi anak.." sabi ni mama tapos tumingin siya kay papa
"Napagdesisyunan kong magtrabaho abroad" sabi ni papa
"Ha? papa may trabaho naman po kayo dito ah?"
Si papa ay isang assisstant chef sa isang maliit na restaurant. Sapat lang ang kinikita niya.
Si mama naman ay housewife.
"Oo nga ayi. Nirecommend ako ng may-ari ng restaurant sa canada. Magkakaroon din kasi ng branch doon yung restaurant at gusto niyang sumama ako doon. Pumayag ako kasi malaki ang kikitain ko. Triple ng sweldo ko ngayon ayi."
"At ayi, plano kong sumama kay papa mo kasi kailangan niya ako doon."
Hindi ako nakapagsalita for ilang seconds.
Ano bang dapat kong sabihin?
Dapat ba akong ma-excite para sakanila?
"Ipapasunod ka naman namin doon kapag nakaipon na kami. Magmamigrate ka din" sabi pa ni mama
"Kailan po ang alis niyo?" yun lang ang naisip kong sabihin
"Sa wednesday na ayi." sabi ni papa
"Okay lang ba sayo? Or gusto mong hindi na kami tumuloy?" tanong ni mama
"Masarap ba mga pagkain doon? baka hindi kayo makakain ng ayos ha"
Alam nilang ibig sabihin nun ay pumayag ako
Napangiti sila tapos umiyak si mama ewan ko kung bakit tapos napaiyak din ako.
"Mama naman napakaiyakin eh" sabi ko habang naluluha
"Eh iiwan ka namin dito mag-isa." umiiyak parin siya
"Okay lang ako. kayang kaya ko naman haha." sabi ko habang nagpupunas ng luha
"Bibilinan nalang namin si mareng Donie yung kapitbahay natin na tignan tignan ka dito." sabi naman ni papa
Wala naman akong problemang maiwan mag-isa
Kaya ko magluto
Kaya ko maglaba at mamlantsa
Kaya ko asikasuhin sarili ko
Ang hindi ko ata makakaya yung hindi ko makita sina mama at papa araw-araw </3
Dalawang tulog nalang wednesday na
Dalawang tulog nalang aalis na sila mama at papa
Wag na kaya ako matulog?
Hindi ako makatulog
Anong oras na ba?
Tinignan ko yung orasan sa may table ko at 4AM na
Sabi nila kung gising ka pa ng 4AM at di ka talaga makatulog, it's either malungkot ka or inlove ka
Sa sitwasyon ko ngayon
Inlove ako masyado kela mama at papa kaya nalulungkot ako sa tuwing naiisip kong aalis na sila
Dibale sabi naman nila pasusunudin nila ako pag nakaipon na sila
Saglit lang yun for sure
ZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
"AYI! BANGON NA! 7:30 NA. DIBA 7 PASOK MO?" sigaw ni mama
Aw sakit sa ulo ng sigaw niya
"7:30 po pasok ko"
"8:00 NA"
Hala ang bilis naman ng oras mama. praning ka talaga hahaha
Bumangon na ako at naligo.
Nakakatamad pumasok pag kulang sa tulog
Este nakakatamad talaga pumasok kahit anong mangyari HAHAHA
Pagkaligo ko, kumain na ako ng breakfast at nagbabye na sa mama at papa ko
Hindi ko na to magagawa :(
Hay ayi napakadrama mo!
Lumabas na ko ng bahay namin at naglakad paalis
![](https://img.wattpad.com/cover/10551057-288-k676654.jpg)