Last Christmas Wish
BonitaBabyy
"Hi! Madalas kitang nakikita dito sa sementeryo, sino bang dinadalaw mo dito?" napapitlag ako ng bigla na lamang may sumulpot na babae sa tabi ko. Nagddrama pa naman ako kay daddy nasira tuloy ang momentum ko. Tinignan ko siya na naniningkit ang mga mata. Mahaba at itim ang buhok niya at nakasuot siya ng school uniform, mukhang sa mamahaling school siya nag aaral. Wait! Christmas vacation na ah?
"Teka! Teka! May pasok pa kayo?" nagtataka kong tanong sa kanya. Tumango lamang siya at muli na namang ngumiti. Ang weird niya sa totoo lang! Mukha siyang tangang ngisi ng ngisi.
"Delayed ang vacation namin kasi matagal yung naging renovation ng school namin. Hehe. Nasunog kasi." kaya pala pamilyar yung uniform niya. Iyon mismo ang aksidenteng kumitil sa buhay ng ama ko. Kasing edad ko lang siya siguro yun nga lang ay baby face siya, maputi at makinis ang balat niya. Maya maya'y tumabi siya sa akin at sumalpak din sa damuhan. Feeling close talaga!
"Ano nga palang pangalan mo?" masyadong jolly ang babaeng ito at halatang friendly. Wala akong masyadong kaibigan lalo na ng namatay si daddy, naging malungkutin ako.
"Lea." tipid kong sagot. Tahimik lang talaga akong tao at hindi sanay makipag kwentuhan lalo pa sa mga bagong kakilala. Hirap ako mag adjust sa mga bago sa paligid ko.
"Ako nga pala si Arabelle pero tawagin mo na lamang akong Ara. Hihi. Sino nga palang dinadalaw mo dito?!" napangiwi ako ng mapalakas ang boses niya. Ang tinis! Sabik ata sa kausap.
"Tone down your voice. Tss. Dinadalaw ko ang daddy ko. He died 3 months ago." I sighed. Namatay si daddy ng rumesponde sila sa isang nasusunog na school. Sinubukan niyang iligtas ang natrap na estudyante pero pareho silang hindi nakaligtas ng mabagsakan sila ng nagaapoy na kahoy. Gusto kong sisihin iyong estudyante na tinangka niyang iligtas pero kilala ko si daddy, dedicated siya sa trabaho niya na kahit isugal pa niya ang sarili niyang kaligtasan ay gagawin niya magampanan lang ang trabaho niya.
"Ah! Parehas pala kam... Oops!" napataas ang kilay ko ng bigla niyang tinakpan ang bibig niya dahil sa pagkabigla.
"Oh bakit?" tanong ko.
"Wala! Hehehe." ang weird talaga. Ugh. Iniikot ko na lamang ang mga mata ko at tumango.
"Tumatambay! Hihihi. Mahangin kasi dito at tahimik!" she giggled. Well, parehas pala kami kaya nga palagi kong dinadalaw si daddy. Dito ako nakakapag isip isip at narerelax ako.
"Saan ka nakatira?" nagiging madaldal na ata ako.
"Diyan lang sa malapit na subdivision dito. Hihi." mayaman nga talaga siya! Isang bumbero ang daddy ko at ngayong wala na siya hindi na namin alam kung paano mabubuhay lalo pa't wala namang alam na trabaho si mommy. Hay. Madaya ka daddy bakit iniwan mo kaming ganito? Alam mo namang dependent kami sa iyo. Unfair ka. Hay.
"Ay naku! Ang lungkot mo naman! Sumama ka nalang sakin maglakad lakad!" halos panayuan ako ng balahibo ng maramdaman ang malamig niyang kamay, ngumisi lamang siya ng mapansin na nanigas ako sa pagkakaupo. Malamig na kasi ang simoy ng hangin ng dahil malapit na ang pasko. Wala akong makitang dahilan para icelebrate iyon ngayon. Nawalan na ako ng gana. Kahit si Santa Claus ay mahihirapan sa kahilingan ko, kung magagawa lang niya sana baka sakaling maniwala akong muli sa diwa ng pasko. Imposible.
"Ang lamig na no? Malapit na Christmas! Kahit na ganito ang panahon yung pakiramdam ko napaka warmth pa din dahil ramdam na ramdam ko na ang pasko. Masaya lahat ng mga tao at nagmamahalan. Kakaiba talaga yung init dito sa heart ko. Ganoon ka din ba Lea?"
"Hindi." iniwasan ko na lamang ang mga mata niya at nagpatiuna na sa paglalakad, saglit lang siyang natahimik at naramdaman ko na nasa tabi ko na siya.
BINABASA MO ANG
Last Christmas Wish
SpiritualPara kay Lea hindi na lamang bagong laruan o mamahaling damit ang muling makapagpapasaya sa kanya. Isa lang naman ang kanyang kahilingan at alam niyang hindi iyon maibibigay ni Santa Calus.