a Love story of a Lesbian..
Message: This is a story of two very much in love people where their only sin is they are both girls. Hope you guys would like this story. THis is from a book from UP Manila. This story really inspires me to tell the whole society that we are alsohuman that can love and be loved. That they shouldn’t judge us in our sexual preference but hence accepts us for who we really are. Hope you guys could also fight for your right to loved,be loved and be part of our so-called society.Hope youll enjoy reading this as much as i did
RAINY DAYS
Kabisado ko na ang lugar na ito. Well-manicured ang lawn. Man-made ang lagoon. Flowering shrubs. Kahit simple lang ang libingan, halata pa ring puro mayaman ang nakalibing dito. Pero kahit yata nakapikit ako eh makikita ko ang puntod na ‘to na nalililiman ng malalaking puno ng Acacia. Binasa ko ang naka-ukit sa lapida; Jazzmani Hontiveros
at Anne Peach Torrs, died on December 16, 1999. Habang tinitingnan ko ang unti-unting pagtunaw ng kandila, hindi ko maiwasang isipin sina Jazz at Peach. At kung bakit nandito sila ngayon.
Team captain ng women’s basketball ng UP si Jazz. Kahit sikat siya sa campus, hindi siya ma-ere. Gayunpaman, sobra naman siyang maloko at alaskador. Hindi yata lilipas ang isang araw nang wala siyang inaasar. And one more thing: she was a lesbian-and proud of it. "Why should i apologize for it?" ‘yon ang standard answer niya everytime my magtatanong sa kanya bout sa sexual reference niya. But I knew her well to know that deep inside, she was hurting.
Galing sa prominente at konserbatibong pamilya sa Cebu si Jazz. Kaya siguro hindi siya matanggap ng pamilya niya. Disgrace daw kasi siya. Isipin mo nga naman, dating governor ang tatay niya at pari pa ang isang uncle niya. Sa pamilyang tulad nila, nakakahiya nga namang magkaroon ng anak na tibo or bading. Kinahihiya pa rin siya ng parents niya. Hindi raw siya magsa-suceed dahil tibo siya. Paparusahan daw siya ng Diyos dahil immoral siya. Kaya nga ganon na lamang ang tuwa niya ng pareho kaming makapasa sa UP Diliman. Sa wakas
daw, makakalayo na siya sa pamilya niya. Matatahimik na raw ang buhay niya kahit paano.
Alam ko sinasabi niya lang yon pero masakit din sa kanya na hindi siya matanggap ng family niya.
Maliban sa pagiging team captain ng UP Maroons Women Basketball Team, consisitent din siya sa pagiging college scholar. Pero never na nalaman ng pamilya niya ang mga achievements niya. Paano ba naman, simula ng dumating kami dito, pinadadalhan na lang siya ng pera ng parents niya. Ni hindi man lang sumusulat o tumatawag para kamustahin ang anak nila. Si Jazz din, hindi na nag-try na sumulat o tumawag. "Kung noon ngang kasama ko sila sa bahay, hindi na sila interesado sa akin, ngayon pa kaya?" katwiran niya sa akin ng kulitin ko siya na tumawag naman sa bahay nila. Hindi na ko nakipagtalo. Buhat din non, hindi ko na siya kinulit pang sumabay sa pag-uwi ko tuwing sembreak. Mula kasi nang dumating kami sa Manila, ni hindi na umuwi sa kanila si Jazz, kahit Pasko. Tuluyan na siyang naging estranged sa family niya. Tuwing bakasyon busy siya sa paga-assemble ng computer o pagdedesign ng website. Racket niya ‘yon ‘yon din ang naging daan para magkakilala sila ni Peach. Sa isang exclusive school nag-aaral si Peach.
Naghahanap ng web design ang sorority niya para sa web page nila. It turned out that one of our classmates was her sis sa soro. Nirekomenda ng classmate naming si Jazz. Isinama ako ni Jazz nang makipagmeeting siya kay Peach. Peach was a stunner. With her doe eyes, acquiline nose and creamy complexion, madaming nanliligaw sa kanya. Before I knew it, nagko-confide na sa akin si Jazz. She was smitten daw by Peach’s charm. I warned her to take it easy. Peach was so beautiful. Marami siyang karibal. "Well, I’ve been turned down by my own family. One more rejection wouldn’t hurt that bad, right?" She grinned. Natawa nalang ako sa sinabi niya. "Bahala ka nga sa buhay mo," sabi ko.