Mahal kita alam mo yan.
Pero may mga bagay na sadyang ako'y naguguluhan.
Mayroon kang iba alam ko yan.
Nasasaktan ako ngunit ayos lang.
Ako'y gulong-gulo na, ikaw rin ba?
Di ko malaman kung saan dapat pumunta.
Akala ko tapos na
Akala ko'y pag-ibig na nararamdaman ay nawala na.
Ngunit ng ika'y masilayang muli.
Umibig ako uli.
Narito ako naghihintay pa rin
Umaasang ako'y iyong mamahalin
Masakit pero ito'y aking tatanggapin
Na wala ka sa piling
At magsisilbing alaala saglit
Heto ako, hayun siya
Sino ba ang pipiliin mo sa aming dalawa?
Hayun ka, heto ako
Sinabi mong mahal mo ako
Pero sino ba ating niloloko?
------------------------------------------------------------
K. Di ko alam kung ano pumasok sa utak ko! Hahahaha!
Another senseless thang! Pagpasensyahan na lang po ulit.
Ciao!
-shadowedtears