Part 3

589 12 8
                                    

Gracielle's POV

Nakakainis.

Ang dami kong deadlines na kailangang ma-meet. Hindi tuloy makauwi ng maaga. I have no choice but to render overtime kung hindi lagot ako kay boss.

Sayang naman. Malapit na ako sa ending ng story na sinusulat ko.

Haaay..

Tinitigan ko yung coffee mug ko. Parang na-miss ko yung capuccino.

Capuccino nga ba o yung nagbigay ng capuccino?

Napangiti tuloy ako sa naisip ko. I remember that man. Kagabi ko lang naisip na sya yung guy na nasampal ng mestisang girl sa cafe. Last month yata yun.

Kagabi ko lang talaga na-alala kaya pala familiar.

Sa pagkakatanda ko, ganito yung nangyari.

Flashback.

"Thank you." Sabi ko sa crew nang ihatid nito yung order ko. I didn't bother to look up kasi masyado akong engrossed sa sinusulat ko.

Nang biglang na lang may lumagapak na syang ikinalingon ko.

Nakita ko yung guy haplos yung pisngi nya habang habul habol yung mestisang girl na palabas ng cafe.

End of flashback.

Automatically,may conclusion na nabuo agad sa isip ko. Sa lakas ng sampal, its either caught in the act yung guy sa kalokohan nya or nabuko nang girl yung guy na may 3rd party ito tapos sumugod sa Cafe para bigyan ang huli ng isang malakas na sampal sabay sabi ng "BREAK NA TAYO".

Oh, di ba? Parang eksena sa TV.

Poor guy, really.

Tsk.. tsk..

Yung girl naman, syempre iiyak yun. Hindi na pakikinggan ang explanation ni guy.

Ending nyan...they'll go on separate ways and find someone new..

And they will live hapily ever after..

Haha..

Happy ending parin.

"Excuse me, Miss Ferrer. Are you done with the reports?"

"Ay! Sir, kayo pala!" gulat na sabi ko. Muntik na akong malaglag sa upuan ko nang marinig ko si boss.

The end na yung story pero yung reports hindi pa.

Lagot na!

****************************

Vince's POV

Kanina pa ako nakatingin sa entrance ng cafe. Darating pa kaya sya?

Unconciously, nahilamos ko yung kamay ko sa mukha ko.

"Sir, okay lang po kayo?" tanong sakin ni David, yung isa kong crew.

Nilingon ko sya. Alam kong hindi maipinta yung mukha ko pero hindi ko itinago na wala ako sa mood ngayon.

"Ah, ok lang." maikling sagot ko sabay tingin sa wallclock.

"Magsara tayo nang maaga." Yun lang at tumalikod na ako.

Wala na naman customer kaya naman agad kaming nakapag-sara.

Paalis na ako nang mahagip ng mga mata ko yung brown envelop kasama ng utility billings. Nakalimutan siguro ibigay sakin kanina.

Natigilan ako nang makita ko kung kanino galing.

From Elise Madrigal.

I slowly open the envelop and read it.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa nalaman ko. I've made a mistake but obviously she did the same too.

I betrayed her and she did it to me too.

And she's getting married and well, Im not but...

That fast!?

***************************

Gracielle's POV

Sa wakas, natapos rin. Maingat kong inilagay sa folders and dalawang reports na pinagagawa ni boss.

Woooh! Pwede nang umuwi.

Dala ang aking bag at yung folders, kumatok ako sa pinto at saka pinihit yung knob. Grabe lang, mukhang wala pa syang balak umuwi kasi ang dami pang papeles na naka-line up sa table nya.

"Excuse me, sir. Here's the reports you need." nakangiti kong sabi. Tumingin naman sya sakin saka inabot yung mga folders.

"Are these complete?" he asked.

"Yes, sir!" mabilis kong sagot. Aba, kumpleto yan kahit i-check nya pa. Kahit naman excited na aq umuwi, maayos ko naman ginawa yung mga reports.

"Okay, you may go. Ingat sa pag-uwi, Ms. Ferrer."

"Thank you, sir." sagot ko tapos lumabas na ako ng office. Binilisan ko yung lakad ko, mahirap na baka pabalikin pa ako.

"Bye, Ma'am" sabi sakin ni Mamang Guard.

"Bye, po." nakangiting bati ko sa kanya.

Oh diba..

Finally, I'm going home!

Papasakay na sana ako nang matanaw ko yung Cafe Fialetso.

Himala at bukas pa. Pasado 9pm na kasi ang pagkakaaalam ko hanggang 8pm lang yun open.

Hmmn...

Parang gusto ko ng capuccino at blue berry cheesecake kaya naman pinuntahan ko yung cafe.

Tinulak ko yung pinto. Wala na yung mga crews.

Bukas pa ba?

Tiningnan ko tuloy ulit yung sign sa pinto.

"OPEN" binasa ko.

"Sarado na kami"

Muntik na akong mapatalon sa gulat. Grabe lang. Ito na ba ang epekto ng capuccino! Masyado na akong nerbyosa.

Nilingon ko yung nagsalita. Nakatalikod sya sa akin kaya di ko makita kung sino sya. Saka, as if naman kilala ko sya no? Pero dahil dakila akong chismosa, nilapitan ko pa.

Hala! Lasing na yata ang isang 'to. Halos kalahati na nya yung isang bote ng whiskey eh. Uuwi na lang yata ako. Mukha kasing trouble ito with a capital T.

Maglalakad na sana ako palabas nang bigla syang magmonologue kaya naman napatigil ako.

"Bakit ganun? ..hik..One month kong ina..hik...kala na ako..hik..ang may kashalanan...hik.. You made me believe..hik..na niloko kita..hik.."

Napatunganga ako. Siya kasi yung boss dito sa cafe...

Cafe Fialetso (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon