Unang Pag ibig II

29 1 1
                                    

a/n: Masaya ako ngayon.

Unang Pag-ibig II

Sino ba ako?

“Mr. Louie, kaylangan nyo na pong gumising, may meeting  pa po kayo kasama ang mga board members at 10:30am.” Gising sakin ng lawyer ng lolo ko, nung buhay pa sya.

“Okay. Lumabas ka na!” sigaw ko pabalik.

Bumangon na ko at kumilos na din para makahabol sa meeting, na panigurado ay huli na naman ako.

“Oh, great! You’re late again!” sabi sakin ng bestfriend ng lolo ko kuno.

“Okay, since I’m here, please start the meeting” hindi ko pinansin ang matalik na kaibigan kuno ng lolo ko. Pwe! Naiinggit lang yan sakin dahil sakin ibinigay ni lolo ang mana.

“Kung parati kang ganyan ay wala kang karapatan sa mana na tinanggap mo mula kay Ramon!” litanya ng matanda na nakapagpainit ng ulo ko, at nakapag pataas ng presyon ko na parehas lang naman ng kahulugan.

“Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan tanda! Tandaan mo, kung hindi dahil sa lolo ko eh hindi ka nakapag tapos at nandito sa harap ko na umeextra  sa storya ko, so please kung wala kang sasabihing maganda eh makakaalis ka na. And you! (baling ko sa lahat ng board members)  Umpisahan na ang meeting ng makaalis na ko.”

Sinimulan na nila ang meeting na kahit ano naming pag intindi ang gawin ko ay hindi ko maiintindihan kaya tumayo ako.

“I’m going, kaya nyo na yan” At binigay ko ang hawak kong mga papeles sa sekretarya ko.

----

“Oh pare mukang mainit na naman ang ulo natin ah!?” sabi ng kaibigan kong si Jun Jun. hehe, pang asar ko lang sa kanya yan, sya si Justin.

Ako nga pala si Prince Louie Alcantara. Kaka eighteen ko palang kahapon. “dahil na naman ba yan sa babae kahapon?” tanong nya..

Ilang araw na ang nakalipas simula ng Makita ko ang babaeng yun, at wala akong magawa kundi ang mainis lang.

^Flash Back

“Pare 18 ka ng eksakto! At siguradong sayo na ang mana! Yuhoooo!” sigaw ng mga kabarkada ko. Nandito kami sa isang Bar sa may Quezon City, maganda ditto dahil maraming magandang katawan na babae, pero hindi ako interesado sa kanila. Hindi ako bakla, gusto mo buntisin ko pa ang lahi mo para maniwala ka.

“Yeah! Happy happy nanaman! Araw araw kang magkakaroon ng bilyong bilyong pera kahit hindi ka kumilos!” sigaw ni Justin. Malaki ang Kompanya na minana ko mula kay lolo. Ako nalang ang tanging pamilya nya simula ng mamatay ang mga magulang ko.

“Sige umorder pa kayo ng kahit ano pang gustuhin nyo! Sagot ko lahat!” sabi ko sakanila.

~~~~

“P-are! B-buti pa ang Lolo mo maagang namat-tay! A-ang l-lolo ko, m-malakas p-pa a-ata sakin!” sabi ng isa sa mga kabarkada ko, lasing na sya siguro.

Lumapit ako sa Cashier (oo may cashier sa bar nay un, sosyal) kung saan ko makukuwa lahat ng bills ng inorder ko.

“Miss, Magkano po lahat sakin?” tanong ko.

“Sir, eksaktong 25,000 po plus yung martini na kinuwa ng kaibigan nyo ay 25,100 po ang lahat.” Sabi nya.

Kinuwa ko ang credit card ko at di ko napigilang tumitig sa Babaeng ito. Sa pagkakatanda ko sya rin ang bartender kanina at pati na rin waitress.

“Oh, eto, kunin mo ang 26,000 at sayo na ang sukli” inabot ko sa kanya ang card ko.

“I’m sorry po Sir, but your credit card is suspended po” sabi nya.

“P-panong!?” I’m panicking now, wala kasi akong dala na cash dito.

“Bayaran nyo nalang po ng cash” sabi nya.

“E-eh, wala na k-kong c-cash ditto eh!” I don’t know why kung bakit ang bait ko pa rin sa kanya.

“Guard!” sigaw nya, napatingin ako sa bouncer sa may likod ko. Pero nakakapagtakang hindi ito kumilos kaya ibinalik ko nalang ang tingin ko sa babaeng ito, pag lingon ko…

a/n: Pabitin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon