Chapter 1

94 3 7
                                    

Samantha's POV

"Anak! Bangon na at may klase ka pa! Ngayon lang kita nagising kasi kakagaling ko lang ng palengke!" Yun ang narinig ko pagdilat ko ng aking mga mata.

Dali-dali akong naligo at late na ako sa school. Araw-araw na lang akong na lilate at pinapagalitan ng teacher ko.

Ako nga pala si Samantha Elisse Villamonte. Oh ang ganda ng pangalan ko no. Yun nga lang, hindi nagmana sa 'kin yan. Payat, maraming tigyawat sa mukha, makapal ang kilay, apat ang mata at may braces pa ang aking mga ngipin. Bata pa lang ako ay inaasar na ako ng aking mga ka klase sa school. Ayaw nila ako dahil ang pangit-pangit ko daw. Hindi ko naman sila ma'sisisi dahil alam ko ang nakikita nila at tanggap ko naman iyon.

Pag'dating ko sa school ay sinalubong agad ako ng aking mga kaibigan na si Miranda at Kaye. Hindi ko alam kung bakit ko sila naging kaibigan na opposite kami sa itsura. Maganda ang hubog ng katawan ni Miranda, matangos ang ilong, ang ganda-ganda ng kutis, mapupula ang pisngi at straight pa ng buhok ngunit, para itong lalake kung umasta pero take note, pure babae ang bestfriend ko ha. At si Kaye naman ay matangakad, mataas ang pilik-mata, matangos rin ang ilong, natural na kulot ang kalahati ng buhok, sobrang girly, lakas maka'fangirl, lahat na yata ng lalaki sa buong mundo ay gwapo para sa kanya.

Kaming tatlo ay magka klase sa St. James State University. BS Pharmacy ang kurso na kinuha namin.

"Ay naku naman Sam! Palagi ka na lang late! Isang sakayan lang naman ang bahay niyo papuntang school ah!" Bungad sa kin ni Miranda.

"Hay naku! Nagsalita ang maaga sa school! Kaya nga tayo nandito dba? Kasi late tayo pareho! Tara na nga!" At nagmadali kaming nagpunta sa room.

"OMG! Ang gwapo tala ni Bryle! I kennat! Sabay kaming pumasok sa gate! Hays" sabi ni Kaye na kararating lang.

"Umayos ka Kaye ha! Ang aga aga, yan agad ang pinuputok ng butchi mo. Aral aral ka muna hoy!" Ani Miranda.

"Grabe ka teh! May mens? Ang sungit naman! Tara na nga!" Sabay lakad ni Kaye para mauna.

"Naku Sam! Paano tayo papasaok eh 30 mins. Na tayong late!" Pag'aalala ni Miranda.

"Hay naku Mir, 1 hour 40 mins ang klase no! Marami pa tayong maabutan! Papasok tayo ng hindi nakatingin si Mrs. Del Rio." Sabi ko.

"Paano natin yun gagawin? Eh nakaharap sya lagi!" Bulong ni Miranda habang nakadungay kami sa salamin ng pinto.

"Oh yan na! Sumulat na sya sa board. Halika na!" Agad naman kaming lumakad papunta sa aming mga upuan.

Uupo na sana kami ng nahagip ko ang walis na nakalagay sa likod ng aking upuan. Natapakan ko at nadulas ako papunta sa upuan. Nagsi tinginan ang lahat ng ka'klase ko at lumingon si Mrs. Del Rio.

"Ms. Villamote, Ms. Laquesta at Ms. Dibuena! Late nanaman kayong tatlo! Palagi na itong nangyayari ah! College students na kayo pero mga iresponsable pa din kayo! Simula ngayon, ang late na papasok sa klase ko ay silang mag'lilinis ng dean's office. See you at the office after your classes!" Galit na sabi ni Mrs. Del Rio

"Hay naku, ikaw kasi Sam hindi ka nag'iingat. Kung di lang kita bestfriend, pinokpok ko na yang walis sa ulo mo." Sabi ni Miranda

"Hays, pahamak ka talaga minsan Sam! Bago pa naman tong nail polish ko." Sambit ni Kaye habang tinitingnan ang kanyang kamay.

"Ay sorry naman po no! Kasalanan ko bang jan nilagay ang walis sa upuan ko. Eh hindi ko naman nakita." Pangangatuwiran ko.

"Kung mag'kukwentuhan lang kayo sa klase ko, you can go now!" Bungad ni Mrs. Del Rio sa amin habang nanlilisik ang kanyang mata. Siya talaga ang napaka terror na prof namin.

Vaughn KeithWhere stories live. Discover now