Chapter 2

9 0 0
                                    


Maaga akong pumasok ngayon sa school dahil ayaw kong ma'late at makalinis ng dean's office. Pagpasok ko ng classroom ay nandoon na si Miranda.

"Wow Sam! Ibang klase! Ang aga mo yata" Sambit ni Miranda habang nagsusulat ng kung ano sa kanyang notebook.

"Malalagas na ang kuko ko sa pag'kuskos ko kahapon. Ayaw ko ng maulit iyon" Sagot ko habang inaayos ang upuan ko. Mahirap na baka may walis ulit no.

Nag'ring na ang bell ngunit hindi pa rin dumadating ang prof. Mas mabuti nga para maliit na lang ang oras ng klase. Di joke lang.

Kung kailan ako maaga, dun rin naman late yung prof. Sana sya naman mag linis ng dean's office na yan.

Nagsulat nalang ako ng notes para sa exams namin next week. Para naman mas madali akong maka'saulo ng mga isasagot. Kahit naman ganito ka bobo ang ateng niyo, top parin ito ng klase. Actually, kaya kami nagkakilala nina Miranda at Kaye ay dahil highschool pa lang kami, kaming tatlo na ang pinapadala ng school para sa mga quiz bee o kung anong school competitions kaya hanggang ngayon ay close na close kami. At parehas pa talaga kami ng kursong kinuha, Pharmacy.

Ang swerte ko rin naman sa kanila kasi kahit ganito ang hitsura ko ay tanggap pa rin nila ako, hindi sila nangdidiri o natatakot na baka i'bully rin sila katulad ko. We treat each other like sisters. And they are part of the reason why I'm happy.

"Hoooooy!!" Nabitawan ko ang ballpen ko sa sigaw ng marupok naming kaibigan. Ang nag-iisang Kaye Laquesta.

"Ano ba Kayeeee!! Kung ayaw mong ibalot kita sa sako, umayos ayos ka!" Halos gusto na talaga sakalin ni Miranda si Kaye.

"Vaughn Keith Montecillo. 20 years old. Isang transferee student from St. Gabriel University." Nagniningning ang mata ni Kaye habang binabanggit ang mga detalye.

Hindi ko alam kung gaano na kalala ang saltik sa utak ng bestfriend ko pero parang nangangailangan na ito ng isang eksperto.

"Alam mo Kaye, natatakot na kami sa mga pinag gagagawa mo sa buhay. Kakausapin na talaga namin si Tita Carmen at nang matingnan ka ng eksperto sa utak" Pagpapaliwanag ko kung anong mas nakakabuti para sa kanya. Ang ganda niya kaya para maging loka-loka.

"Ano ba kayo? Di niyo ba ma'gets?" Tanong niya na halos abot tenga ang kanyang mga ngiti.

Nagkatinginan kami ni Miranda at alam kong nakukuha na ni Mir na may saltik talaga sa utak 'tong kaibigan namin. "Samahan na kita kay Tita Carmen mamaya Sam". Sabi ni Mir at tumayo sya para sakalin si Kaye.

Tumili si Kaye at natawa nalang ako sa kanilang dalawa. Di talaga namin mag'gets ang pinagsasabi neto. Kaya minsan, di na namin pinapansin ang mga chika neto sa lalaki. Halos di na nga namin makuha ang mga pangalan ng pinagsasasabi niya.

"Ouch! Diba nawala ako kahapon pag uwi? Sinundan ko yung lalaki na nakauntog sa'yo Sam. Nagkunwari akong nagkasabay lang kami kaya nakita ko yung ID niya ng malapitan at saka nabasa ko yung dala2 niyang mga papel. Kaya siguro nandun siya sa dean's office kahapon" Pagpapaliwanag niya.

Akala ko naman kung ano ang pinag tititili ng babeng to. Yung mayabang na gwapo lang naman pala. Sayang ang gwapo niya kung mayabang naman sya. Di ko nalang pinakinggan eh wala naman kaming pakealam sa talambuhay ng mayabang na 'yon.

"Wala akong pakealam sa talambuhay ng mga taong mayabang Kaye" Bored kong sabi at bumalik sa pag'sulat.

Umupo naman si Mir na wala man lang reaksyon sa mga sinabi ni Kaye. "Bahala ka jan sa buhay mo".

"Good morning class!" Finally andito na ang prof namin. Tinabi ko muna sa bag ko ang notebook ko saka ako bumaling sa prof. Nawindang nalang ako ng makita ko nakasunod sa kanya na naka ablay ang bag sa kaliwang braso. Kasama niya ang mayabang na gwapo na naka'untog sa akin na hindi man lang nag-sorry. "This is Vaughn Keith Montecillo. A transferee from St. Gabriel College. He will be staying in this section for this subject for the rest of the semester".

Minamalas ka nga naman sa buhay. Andami daming section sa subject na to eh sa amin pa napunta ang mayabang na to. Pero okay lang, isang subject lang naman kami mag kaklase. At okay na man na ang bukol ko. Kumikirot lang pero di naman malala.

Kinalabit ako ni Mir. "Diba yan yung nakauntog sa'yo?".

Sasagutin ko na sana si Mir kaso dito pa sa likod ko naisipang umupo ng mayabang na 'to. Haynako naman talaga. Nadagdagan nanaman ang bully sa school. Porket kasi mga ganitong itsura, akala na kung sino maka-asta.

"Haaaaaays di nako mali'late pumasok sa school dahil may rason na ako para pumasok ng maaga." Nakangising sabi ni Kaye habang nakatitig kay mayabang na gwapo. Napa'iling nalang kami ni Mir sa karupukan ni Kaye. Kala mo naman nakakagawa ng assignments.

Natapos na ang klase at pumunta kami sa Cafeteria. Lumabas ako para mag'CR dahil naiihi na talaga ako. Habang nasa loob ako ng CR ay naririnig ko ang aking mga babae na natitilian sa labas.

"Ang gwapo talaga ni Vaughn. Siguro mayaman yon o kaya half. Those blue eyes and body built. Damn" Sabi ng isang babae na parang bata kung magsalita.

"Oo nga no! Narinig ko na BS Engineering ang kinuha niya. I'm sure na matalino 'yon. Being a hotty and a smartty in one body. Damn" Pag sang-ayon naman ng isa.

I don't know about these girls. Nakukuha agad sa itsura. Try nyo kayang kilalanin at ng malaman niyo kung hambog ba o hindi. Sana all directly proportional yung itsura sa ugali.

Bumalik ako sa cafeteria para kumain. Umupo ako sa tabi ni Kaye habang nasa harap naman namin si Mir. Magsusulat sana ako ng notes pero di ko makita ang ballpen ko. Naaninag ko na may nakatayo sa harapan ko dahil biglang dumilim dahil sa anino. Its no other than the mayabang na gwapo. Tiningnan ko sya at nakatayo lang sya sa harapan ko. Nagkatitigan kami. Doon ko mas klarong nakita ang kanyang mukha. Ang kanyang mata ay kulay asul, its like the reflection of sky into the sea. His eyebrows made his eyes more darker and deeper to look at. His pointed nose compliments his square-shaped face. At ang kanyang labi kay mapula at manipus. A Greek God, a model, a brand ambassador or a bad ass mafia. Name it. Its my first time seeing a man with these features. No wonder why girls fall for him kahit wala siyang ginagawa.

Napahaba ang titig ko sa kanya kaya tinanong ko siya kung anong kailangan niya. "Uhm may kailangan ka ba?" Sabay ayos ko ng salamin. Ang pangit pangit ko sa close up na to jusko.

May kinuha siya sa kaliwang bulsa niya at inabot niya ang ballpen na pag-aari ko."Here. It's yours".

Natameme ako at tiningnan ang ballpen na binigay niya sa akin. Ito 'yung nahulog na ballpen ko kanina ng tumili si Kaye. "Ah Sala—" Yun lang ang nasabi ko pero tumalikod na siya na parang walang pakealam sa sasabihin ko.

Tiningnan ako ni Mir "Wow teh! Parang natameme ka yata dahil sa ballpen na yan o dahil sa nagsauli sa'yo niyan?" Sabay tawa niya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Feeling ko ang pula-pula na ng mukha ko. Ewan ko kung sa hiya o ano.

"Sige na. Hindi ko na crush yang Vaughn na 'yan. Eeeeeh! Namumula ang bestfriend ko" Pangungutiya naman ng marupok na Kaye.

I tried to act normal. "Para ballpen lang naman. Nahulog to kanina dahil sa karupukan mo Kaye. Tili ka kasi ng tili" Pagdadahilan ko.

Napahawak ako ng mariin sa ballpen ko. Kung bakit di ko pa ito pinulot agad nung nalaglag. Buti nalang ay may pangalan ito kaya siguro nalaman niya na akin 'to. So meaning kilala niya pala ako. Eh ano naman ngayon kung kilala niya ako? Malamang classmate ko siya sa isang subject kaya alam niya na Samantha ang pangalan ko. O kaya naman malapit sa inuupuan ko kaya nalaman niya na akin talaga to. Haynako naman.

Sa dinami dami kong iniisip, napagtanto kong ang bilis ng tibok nang puso ko. Di ko alam kung sa hiya o talagang kinakabahan ako dahil first time kong makipagtitigan sa di ko kilala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vaughn KeithWhere stories live. Discover now