Prologue

14 2 0
                                    

Prologue

580 years ago

May biglang isang napakalakas na hiyaw na nagbigay ng isang napakalakas na paggalaw ng lupa dahilan upang masira at matumba ang mga bahay sa nayon ng Terra Promissum. Nakabahan yung mga tao na nakatira sa nayong iyon. Lahat ay napasindak dahil sa takot at kaniya-kaniya silang namalangin sa protektor at tagapag-alaga ng nayon nila. Biglang nakaramdam ng takot ang mga tao ng hindi nila naramdaman ang presensiya ng tagapag-alaga nila tila parang iniwan sila ng kanilang mga protektor. Nagalit ang mga guardians ng Terra Promissum dahil sa ginawa ng mga Novanians na nakatira sa Terra Nova Kanilang ipinatawag at ibinuhay ang isang immortal na kaaway ng mga Guardians upang sakupin ang Terra Promissum. Ito ay si Behemoth, ang hari ng mga dragon na binilanggo ng mga Guardians sa ilalim ng lupa upang hindi na ito muli wasakin ang mundo. At ngayon naman ay ibinuhay ito muli ng mga novanians upang galitin ang mga Guardians.

Muling nabuhay si Behemoth at ngayon ay paparating na sa Terra Promissum upang wasakin at patayin ang lahat na nakatira dito.

Naghanda ang mga kawal ng hari para sa labanan. Halata sa mga mukha ng mga kawal ang takot dahil hindi pa nila naranasang makasalamuha ang akala nilang gawa-gawa na kwento tungkol kay Behemoth ay totoo pala. Nabahala ang hari dahil alam niyang wala silang kalaban-laban sa halimaw lalo na't galit na ang mga Guardians sa kanila at wala nang tutulong sa kanila.

Dumating na si Behemoth sa lugar ng Promissum at naglabas ng isang apoy sa loob ng nayon. Mapinsala ang naging resulta, maraming namatay, at maraming nasugatan. Ngayon wala ng matatakbuhan ang tao upang humingi ng tulong.

Lumusong ang mga kawal ng hari. Takot man ay hinarap parin nila ang halimaw para sa kapakanan ng nayon nila. Pero wala parin silang kalaban-laban sa lakas nito at hindi nagtagumpay.

Habang tinignan ng hari ang sitwasyon sa labas nakaramdam ito ng pagkawala ng pag-asa kaya umupo nalang ito trono nito at nagmakaawa muli sa mga Guardians na tulungan sila.

Nakita ng mga Guardians ang sitwasyon ng mga taong pinili nila at ang lugar ng Terra Promissum. Narinig ng Guardians ang panalangin ng hari at binigyan nila ito ng isang pagkakataon.

May biglang isang napakalakas na kulog at kidlat at tinamaan ito ang isang napakamaliit na nahay. Nakatira dito ang isang anak ng isang magsasaka sa Terra Promissum at may-ari ng isang taniman na tapat sa mga Guardians. Palagi silang naglalahad ng mga halad para sa kanilang tagapag-alaga at hindi nila nalilimutan ang mga Guardians sa anumang sitwasyon ng kanilang buhay. Kaya pinili ng mga guardians ang anak ng mag-asawa na ito ang maging tagapgligtas ng Terra Promissum.

Lumabas si Jeanne mula sa kanilang bahay. Ang kaniyang katawan ay kumikislap ng kidlat na tumama sa katawan niya. Hindi napahamak si Jeanne ngunit naramdaman niya ang isang kakaibang enerhiya mula sa katawan niya.

"Simula ngayon, ikaw ang magiging tagapagligtas ng lugar na ito. Ang aming kamay ay siyang iyong magiging kamay. Ang aming espada ay siyang magiging iyong espada. Ang aming presensiya ay nasa iyo. Matatalo at matatalo mo ang dragon." ani ng isang Guardian na si Nea na biglang narinig niya.

Napatingin sa langit si Jeanne at may isang maliit na silaw ng liwanag ang tumama nito sa kaniya. Naramdaman niya ang presensiya ng mga guardians na pomoprotekta sa kaniya. Kaya walang pagdadalawang-isip ay sinugod ni Jeanne ang dragon na si Behemoth.

Tulad ng sinabi ng Guardian na si Nea, natalo ito ni Jeanne sa isang madugong labanan. Maraming mga sugat ang nakuha niya pero nandiyan ang mga guardians upang tulungan siya. Ibanaon niya ang kaniyang espada sa ulo ng dragon at biglang may lumabas na isang kulay itim na usok at may lumabas na kulay asul na apoy na pumapalibot sa kanila. Bumalik na muli si Behemoth sa ilalim ng lupa at iyong espada na ginamit ni Jeanne ay may isang makapangyarihan na selyo upang hindi na muli ito makalabas pa.

Mapinsala ang naging resulta sa kanilang labanan pero mas magiging mapinsala ito kapag walang makapagtigil nito. Naging matagumpay si Jeanne at maging mapayapa muli ang lugar ng Terra Promissum. Natuwa at nagdiwang ang mga tao sa Terra Promissum at pinuntahan nila kung saan si Jeanne upang bigyang puri ito at sa mga guradians na tumulong. Pero natakpan ng isang malakas na asul na apoy si Jeanne kasama ang dragon at ng mawala na ang apoy ay biglang nawala ang bayani nila.

Ginawan ng mga tao ng isang rebulto si Jeanne upang maging isang paalala nito sa kaniyang ginawa para sa nayon at paalala sa mga tao bilang aral.

Pinangalanan siyang si Jeanne D'arc ng Orleans sa nayon ng Terra Promissum ang bayani ng Terra Promissum.

END OF PROLOGUE

Thumbs up if you liked it at comment din kayo sa ibaba upang malaman ko ang reaksiyon ninyo, it helps alot 😁😁

~Thankies!

Looking for RogueWhere stories live. Discover now