Chapter 1: History
"Naniniwala ka ba talaga sa kwentong yan?" bored na sabi ng kaibigan niyang si Shawn.
"Hindi ka ba talaga naniniwala?" tanong ni Chase sa kaibigan nito.
"tsk! Wala akong panahon sa mga ganyan. Ba't ba napakainteresado mo sa kwentong pambata na yan?" kinuha niya yung phone niya tsaka naglaro. Tapos na niyang pakinggan ang paulit-ulit na kwento ni Chase tungkol sa history ng Terra Promissum at wala narin siyang balak na makinig pa.
"Hay naku! Interesting kaya ng kwentong toh! Sabi pa nga ng matandang guro natin diba na totoo daw ito?"
"Wag kang maniwala sa matandang yun, kung anong storya ang ginagawa nun. Wag ka na ngang makinig dun ayan tuloy naapektuhan na yang pag-iisip mo" inis na sambit nito sa kaibigan.
"Anong akala mo sa akin, baliw?!" galit na sabi ni Chase at pinektusan ang kaibigan. Tinignan naman siya nito ng masama at aakmang pepektusin rin pero humaharurot agad siya sa pagtakbo palabas sa classroom.
"Ang bagal mo! Pagong!" sigaw ni Chase sa kaibigan at binelatan pa ito. Nainis naman si Shawn at binilisan pa ang pagtakbo.
Hindi nakatingin ng diretso si Chase sa dinaanan niya at patuloy lang sa pang-aasar kay Shawn kaya may nabanggaan siya at napaupo sa sahig.
"Aray ko po!" ani nito habang hinimas-himas yung pwet niya. Narinig naman ni Chase ang malakas na halakhak ni Shawn sa hindi kalayuan kaya tinignan niya ito ng masama.
Tinignan niya yung matandang nabanggaan niya at nagulat ng si Mr. Arthuro pala ito. Yung matandang nagsabi sa kaniya tungkol sa Terra Promissum.
"Sir! Pasensiya na po! Ayos lang po ba kayo?" tanong nito sa matanda.
"Naku hijo, wag kayong padalos-dalos dito sa dinadaanan. Pakitulong nalang sa pagkuha ng mga papel na nahulog" sambit nito. Nasa 60's na yung matandang propessor nila kaya nahihirapan na itong kunin ang mga papel.
"Ako na po ang kukuha" sabi ni Chase at agad kinuha yung mga papel. May isang kakaibang papel namang nakita si Chase hindi ito katulad sa mga papel ngayon. Ito ay nakasulat sa isang napakalumang papel na may isang drawing ng isang babae at may nakasulat na mga salitang hindi niya maiintindahan dahil iba ang pagkasulat nito at dahil kumukupas na rin yung papel dahil sa kalumaan.
Tinitigan ito ng maayos ni Chase. Napansin iyon ng matandang propesor kaya agad niya itong inagaw sa kamay ni Chase at lumakad na palayo.
"Teka po--"
"Kalimutan mo yung nakita mo sa papel" seryosong sabi ng matanda. Hindi maintindihan ni Chase kaya nilapitan niya yung matanda.
"Ano po bang meron sa papel na yan?"
"Wala, umalis ka na" sambit ng matanda at binilisan ang paglakad pero nakahabol parin si Chase sa matanda dahil mahina narin ang katawan nito.
"Diba siya yung nasa Terra Promissum?" walang kamalay-malay ay naitanong yun ni Chase kaya tumingin ang matanda sa kaniya ng masama.
"Uh- hehe wag na man po kayong magalit. Manghihiram lang sana ako kasi po parang original yung copy mo dun sa litrato niya" ani niya at napakamot sa kaniyang batok.
"Para atang nainteresado ka na tungkol dito bata" sabi ng matanda at ngumiti. Hindi naman inaasahan ni Chase na ngingiti yung matanda dahil ilang taon na siyang nag-aaral dito sa Unibersidad pero hindi parin niya nakitang ngumiti ang matanda.
"Uh- oo---"
Biglang nagring yung bell hudyat magsimula na ang klase kaya hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil hinila siya agad ni Shawn.
YOU ARE READING
Looking for Rogue
HorrorThe story starts 580 years ago. The Guardians were still connected with the humans. Saints walk among the human protecting it from harm. A peaceful village called Terra Promissum where the chosen people of the Guardians dwell. Humans from other vi...