Warning! SPG...
Ella
"I'm sorry. I don't know that you like him." Niyayakap nya ako ngayon dahil iyak ako ng iyak. Wala na akong lakas na itulak sya dahil sa emosyon ko. Naiinis ako sa kanya! Gusto ko syang sampalin.
"Di mo alam? Tanga ka! Ang tanga mo! Kung kailan medyo gumagaan na ang loob ko sayo tsaka ka pa gumawa ng ikaka-galit ko?!" Gusto ko pang mag mura pero nahihirapan akong huminga dahil sa pag-iyak ko.
"Shhh. Wag ka na umiyak please. Tahan na. I'm really sorry." He is caressing my back. He is patting my head and I find it comfortable. I want him to continue it. No! I should be angry to him right now! Kailangan nyang lumayo dahil baka masabunutan ko pa sya.
"Fuckyou ka! Leave me alone! Get out of my room!" I don't know kung saan ko nakuha yung lakas ko para itulak sya sa pinto. Sumunod naman sya sa pagtulak ko at hindi na sya lumingon pa hangang sa maisara ko na ang pinto.
Bwisit sya! Kung kailan may chance na kong maka-usap si Alli, doon pa sya sisingit? Pinahiya nya ko! Argh!
*Flashback*
"Maiwan muna kita El. Nauuhaw na ko. Bye for now." Langya! Iniwanan ako? If I know, hahanap lang yan ng macho.
Bestfriend ba talaga turing nya sakin? Malanding nilalang."Okay. Iniwanan ako ni Chimchim. What to do now?" Sabi ko sa sarili ko. Nasa party kasi kami .
bestfriend ko pa rin sya. Maganda si Michay Buena. Talented kaso juice ko, malandi pero Virgin pa yan. Di lang talaga halata.Si Ney naman ay aking kababata! Isa't kalahating malandi din. Buti nga at hindi ako nahahawa dyan sa dalawang yan. Family oriented kasi ako, I don't like hurting my family. His whole name is Neil Andrey Francisco. Mabait naman sya pero sobrang kulit. Minsan suplado, minsan parang tanga, minsan.... ay nako ewan! Basta Bipolar sya!
"Wait, shit." Tama ba ang nakikita ng mga mata ko? Or am I just imagining things? Si Alli ba yun? Pano sya napunta dito?
Si Allan Louise Guevarra naman ay isa sa mga crush ko. Ang macho nyan, madaming abs! Pero di ako malandi huh, crush ko lang talaga sya. Sobrang bait pa nya kahit di pa kami nagkaka-usap.
"SURPRISE! Pfft" Biglang may sumulpot sa likod ko at medyo naitulak pa ko.
"Ay Imagine!!!" Sa gulat ko ay nasampal ko yung nanggulat sakin.
"Ouch!" Si Ney lang pala. Punyeta talaga. Panggulo sa buhay ko eh. Hinimas pa nya yung posngi nya. Sorry sya, nagulat talaga ako eh.
Inirapan ko nalang sya dahil tawa sya ng tawa at binalik ko nalang ang tingin sa tinatanaw kong si Alli.
"Hey. Washha donin?" Omo! Nasa harap ko na pala si Alli! Shet what to do?
"Yeah" Tumango nalang ako. Di ko naintindihan tanong nya. Hehe. 'Hey' lang yata naintindihan ko.
"Psssh. Wanña sham wig me?" Namumula nyang tanong. Teka nga, lasing ba to? Di ko maintindihan yung mga sinasabi nya.
Medyo lumalapit sya sakin at halos isang dangkal na lang ay mahahalikan nya na ako. Nagulat pa ko sa kamay nyang nasa bewang ko na at inilalapit pa ako. Nakatingin ako sa mata nya at naaamoy ko na ang amoy alak nyang hininga. Lasing nga sya. Papalapit na talaga ang mukha nya kaya itinulak ko na sya, mamaya mahalikan pa ko neto. Kahit crush ko sya di naman ako papayag na makuha nya yung 2nd kiss ko.
"Cute mo." Sabay kurot sa pisngi ko. Ano ba naman to? Kinikilig tuloy ako. Baka ako ang humalik sa kanya eh, mas cute kaya sya.
Nginitian ko naman sya at medyo nahiya ako ng kaunti.
![](https://img.wattpad.com/cover/87117713-288-kfdf141.jpg)
BINABASA MO ANG
The Stoler
Teen FictionWarning! Restricted Chapters are present. Wattpaders with age below 16 is prohibited. Bs and Badwords are included in this story! He is my enemy. He always tease me. He never forget a day without ruining my life. He never stop in making me mad. He...