CHAPTER 1

16 1 0
                                    

Freshman student. First day of school... Exciting but nakakakaba since dalawa lang ang kilala ko - ang highschool bestriend ko na si Jill at ang co-model ko na si Bea.

Si Jill ay bestfriend ko since 2nd year highschool. Actually, apat talaga kami na magkakaibigan pero yung dalawa, sa ibang university nag-enroll. Si Bea naman ay nakilala ko lang sa summer modeling workshop, naging friends kami but di ganun ka-close.

First subject - Filipino - as usual self introduction na naman.

"Next!", tawag ni Miss Rodrigo sa susunod na magsasalita

At tumayo na ako.

"I'm Janella Fernandez. 16 years old. My talents are singing and dancing."

"Okay. Thank you."

Hanggang sa natapos na ang lahat sa pag-i-introduce sa kanilang mga sarili, dinismiss na agad kami ni Miss Rodrigo.

By the way, magkaklase kami ni Bea sa lahat ng subjects kasi nagkataon na nung araw na nag-enroll ako, nag-enroll rin siya. And unfortunately, di naging ganun ang scenario namin ni Jill kaya di kami ka-block.

"Jan gwapo oh!", sigaw ni Bea habang nakaturo sa malayo

"San?" ako habang nakatingin sa tinuturo niya

"Yun oh? Yung matangkad"

"Ahh, okay" tapos yumuko na ako

"Ang choosy mo naman! Andami palang gwapo dito noh?" sabi niya habang kinikilig

"Wala naman akong nakikitang mga gwapo dito ah?" actually meron pero wala lang talaga akong hilig sa mga ganyan

"Sus! Ano ka ba ha?! Wala ka bang crush?" pagtataka ni Bea

"Wala" matabang kong sagot sa kanya

Actually, may naging boyfriends ako from 1st year to 3rd year high school pero nagkahiwalay rin. Nung 4th year naman ako, may hinangaan akong lalaki. Kasama ko siya sa choir, at the same time classmate ko siya pero may iba siyang gusto. Kaya since 4th year hanggang ngayon, wala akong boyfriend nor crush.

Second day.

My first subject is a major subject at 8 o'clock in the morning.

By the way, ang mothers namin ni Bea ay magkaibigan and napag-usapan nila na sila ang maghahatid at magsusundo sa amin sa school alternately. Sa araw na to, mama ni Bea ang naghatid sa'min at dahil matagal nila akong kinuha sa bahay, na-late lang naman kami sa first subject.

*Facepalm*

"Patay! Late na tayo", pag-aalala niya habang naglalakad kami papuntang classroom

Me:
"Oo nga eh"

First meeting sa subject, late pa.

"Tara wag nalang tayong pumasok", sabi niya habang sobrang laki ng ngiti na parang nangtutukso

"Ha? Ayoko"

"Sige na. Tutal, first meeting pa lang naman eh" nagmakaawa talaga siya

Me:
"Hays, sige na nga"

Wala na talaga akong magagawa.

Fyi, first time sa buong buhay ko na mag-cut class kaya napakasakit talaga gawin to pero nandito na to eh. Panindigan nalang.

Pumasok nalang kami sa second class namin -  Business Math. Actually, hindi ko hate ang math pag walang variables na kasali kasi dun na ako nalilito pag may mga letters na nakasali sa numbers. And thank God, medyo basic math lang to kaya okay na okay sakin.

Lost And LovedWhere stories live. Discover now