CHAPTER 7

8 1 0
                                    

Janella's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas mula nung naglunch kami ni Zyke. Dalawang araw na ring hindi ko siya nakikita. Hindi rin siya nagtetext at nagrereply.

Nag-aalala na ako sa kanya. Baka nagkasakit siya. Di naman siya ganito noon. Siya pa nga ang unang nagtetext eh.

*1 message received*

Kinuha ko agad sa bag ang cellphone ko. Nagbabakasaling siya ang nag text pero nagkamali ako. Si Bea lang pala.

"Janella, mauna ka nang umuwi ha? May pupuntahan pa kasi ako mamaya." text niya

"Okay." yan lang ang reply ko

Nandito ako ngayon sa library nakatambay lang.

Maya-maya nakita ko si Zyke na naglalakad papasok ng library. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, (a) papansinin ko ba siya or (b)magpapanggap nalang akong hindi ko siya nakita?

At ang pinili ko ay B.

Pride na kung pride.

Napansin kong may lalaking papunta sa table ko. Umupo siya pero hindi nagsalita.

Nilingon ko kung sino at kumpirmadong si Zyke nga.

Bat siya andito sa table ko?

*****

Zyke's POV

Nasa school na ako at naglalakad papuntang library. Actually, first time kong pumunta dun kasi hindi naman ako mahilig magbasa. Kailangan lang talaga kasi may dapat ipa-photocopy na notes na napakarami.

Papasok na ako ng library nang makita ko si Janella. Nakaupo lang at nagbabasa.

Binigay ko sa working student ang papers na ipapa-photocopy ko. Dahil marami-rami ang papers na yun, napag-isipan kong puntahan siya. It's been 2 days since I didn't talk to her. Ayaw ko lang talaga siyang kausapin kasi nagui-guilty ako at baka mas magalit pa siya sa'kin.

Umupo ako sa harapan niya. Hinintay kong lumingon siya.

"What are you doing here?" ang taray naman nito

"Di ba pwede?"

"Di naman tayo friends ah?" mataray pa rin siya

"Bat naman nangyari yun? Nag-away ba tayo?"

"The last time I checked di ka nagpakita sakin for 2 days so I conclude, di na tayo friends" sabi niya na tumuturo pa sakin

"Ang harsh mo naman. Two days lang, di na friends?"

"Bat ka ba kasi di nagparamdam sakin ha? At bakit naman ako nagtatanong ng mga ganito sayo? Tss" iritadong tanong niya

HAHAHAHAHAHAHA

"Anong tinatawa tawa mo diyan?" mataray niyang tanong

"Shhhhhh silence please!" isa pang mataray

Huminto na ako sa kakatawa.

"Janella" bulong ko sa kanya

"Ano?" hindi siya nakatingin sakin

"Liligawan kita" bulong ko pa rin

"Ano?"

"Liligawan nga kita"

"Hindi ko marinig. Wag ka ngang bumulong"

"Liligawan kita!" shit napalakas ko ang pagsabi ko

Nakatingin ang lahat ng mga studyante.

"Ayeeeeeeeeeeeeee" tukso nila

Lost And LovedWhere stories live. Discover now