It was just an ordinary day.
may meet and greet na pupuntahan yung bestfriend ko at ako yung plus one nya.
nakakainis nga eh. may pa meet and greet meet and greet pa eh di na naman nya kailangan yun kase duh?! andami na nyang friends!
"Mia Trei! ano yan?! seriously? jeans and tshirt?!! nakakahiya ka pang kasama! magpalit ka nga!"
sigaw nya.
nagulat din ako nung biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko tas may sumigaw from somewhere.
"tatakasan kase dapat kita! ano bang ginagawa mo dito? kala ko ba 7pm pa? 4:30 palang oh! excited?!"
"excuse me. Sa tagaytay yung meet and greet best nasa manila po tayo. malayo ang byahe so come on!! get dressed na!"
"cavite? wow ha?! bat anlayo? tsaka anong pagpapaalam naman yung sinabi mo kay kuya para payagan akong samahan ka?!"
"kilala ni kuya Miro yung owner ng hotel na pupuntahan natin dun. balak pa nya pa nga yatang sumama nung nalaman nya e. onga pala 2nights and 2days tayo dun"nagpacute ng sobra si Ree while telling me that.
"NO WAY! kung gusto mo si kuya nalang isama mo! ano bang klaseng meet and greet yan--"
"teka nga Mia! part lang ng event yung meet and greet pero its actually a camp. hihi"
wala na kong nagawa. i packed my things up then i let Ree's driver to take us to cavite.
di naman ako mananalo sa kanya e. wala din naman kase kaming pasok coz its semestral break.
we arrived at exactly 7 in the evening at the hotel.
iniwan ako ni Ree sa table nung may lumapit sa kanya at niyaya syang sumayaw.
di ko alam kung tama ba tong napuntahan namin kase mukang debut yung set up ng paligid.
magkaiba kami ng pinapasukang university ni Rhianne Rain Trono (her real name). team building daw to ng isa sa mga organization na sinalihan nya kaya sya invited dito.
andami pa nyang sinabing excuses kung bat di nya agad sinabi sakin na magtatagal kami ng dalwang araw dito tsaka kelangan ko daw to and whatsoever na anti-social daw kase ako at wala ni isang sinalihang org sa university ko maliban sa organization ng course ko.
blah blah blah.
di naman talaga ako anti-social. mahiyain lang talaga ko at first pero madaldal talaga ko. kaso it depends upon my mood pa.
tulad ngayon. wala ko sa mood makipag usap or mag entertain ng mga strangers. small talks, fake smile, at yung ibang nasa kanta ni taylor swift.
para makaiwas sa hi/hello, nilabas ko yung camera ko. magpapanggap nalang akong photographer para walang lumapit sakin.
11:02pm na.
inaantok na ko.
hinahanap ko si Ree para magpaalam na uuna na ko matulog sa kanya. pagod na din akong magtago sa likod ng camera ko then suddenly.......
natipalok ako.
tapos may nagflash.
sh*t!
napicturan yata yung tipalok ko.
my ghad.
nilapitan ko agad kuyang may hawak ng camera. di pa nya tinatanggal yung camera sa muka nya pero tawa na sya ng tawa.
sh*t talaga nawala antok ko. nakakainis.
"can i borrow your cam?" mahinahon kong sabi.
"no. you have yours" pigil na pigil yung tawa nya sabay turo ng camerang naka kwintas sa leeg ko.
"okay so much for your happiness. can you just please delete the last photo on your camera?"nagtitimpi nalang ako pero gustung gusto ko nang sapukin tong lalaking to na nasa harapan ko.
"why should i? this is mine. you dont have to care on my photos miss... may i know your name miss?" he held his hand on me but i didnt even look at it.
"but thats me on that photo so i beg you please delete it right now!" nangangatal na ko sa inis. feeling ko isang minuto pa na kaharap ko tong lalaking to... masasapok ko na talaga sya.
shemay nakakahiya talaga.
"okay ill delete it later miss. by the way im Dylan and you are...?
"nevermind i need to go" okay i reached my tempered limit. masama to.
wala na kong pakelam sa picture. di nya naman ako kilala e. kahit ipost nya pa kung saan yun, wala na din akong pakialam. pagod ako. bahala na sya sa buhay nya.
di ko na hinanap si Ree at dumiretso na ko room namin.
that was insane.