The Unspoken you...

57 5 1
                                    

Prolugue:

Ang sakit ,ang sakit masaktan ang hirap, hirap na maiwan .Na lage ko syang hinahanap tuwing nagigising ako pero wala akong makitang kahit anong palatandaan na nandito sya ,ngunit sa kabila ng lahat hindi ako pwedeng tumigil sa buhay ,kailangan kong lumaban at magpakatatag.Hindi ko pwedeng ikulong sa kanya ang buong buhay ko.Wala na sya ngayon at ang tangi ko nalang magagawa ay ang intayin ang panahon na magkakasama kaming muli, ang makasama muli ang taong pinakamamahal ko sa lugar na pinangako.

N/A:

Ang lahat ng nakasulat at mababasa nyo sa kwentong ito ay gawa lamang ng malawak at malikot na imahinasyon ng inyong Likod^^  wala itong pinawawarian at katotohanan.Hindi rin ito hinango sa kahit anong palabas at babasahin.salamat po ...

   I

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school,hinahanap ko ang aking pinakamamahal na boyfie na kanina pa hindi nagpapakita sa akin.Kung saan saan nako pumunta pero wala sya, ni anino nya'y hindi masampit ng aking mga mata.

Hinanap ko sya hangang sa kasulok sulukan ng paaralan ,ngunit wala talaga, walang Terrence Mien Quintero akong nakita :( kahit txt man lang ay wala akong natangap buhat sa kanya.Hindi ko maramdaman ang pagod na dulot ng paulit ulit kong paghahanap,ang tanging nais ko lamang ay makita ang maamo nyang mukha at mahawakan ng muli ang kanyang mga kamay.

Buong maghapon syang hindi nagpaparamdam,ni hindi ko alam kung bakit,hindi ko alam kong anong problema,nitong mga nakaraang araw ay lagi nalang syang nawawala sa klase at minsan nga'y hindi na pumapasok.nitong mga nakaraang araw ay lage nalang syang nawawala sa k

Malapit ng gumabi at kailangan ko naring umuwi,kahit pa sobra nakong nag-aalala sa kanya ay hindi ko namang maaring iwanan ang mga kailangang tapusin sa bahay ,hindi rin ako pwedeng magpagabi dahil pakiramdam ko ay kanina pa may nakatingin sa akin,isang lalaking nakasalamin ang kanina pa sunod ng sunod pero hindi ko nalang ito pinapansin...

Naglalakad ako patungo sa sakayan ng jeep ng may narinig akong tumawag sa akin,

'Alexia'!!!..malakas na sigaw ng babaeng nakatayo sa hindi kalayuan.

Agad akong lumapit sa kanya ng makinig ang tawag nayun ,may kutob akong tungkol kay Terrence ang sasabihin nya pamilyar kasi ang mukha nya at alam kong kaklase sya ni Terrence...

'Bakit'... agad ko namang sagot

'Sa rooftop' yun lang ang tanging nasambit ng babaeng nasa harapan ko pero agad akong pinatakbo ng mga paa ko patungo doon.

Bilis bilis akong pumanhik sa hagdanan hangang sa makarating sa ikalimang palapag ng gusali kung nasaan ang rooftop,ngunit wala, wala akong makita kung hindi isang bumbilyang nagpapatay sindi ang ilaw at ang pangkalahatan ay madilim na.Napaupo nalang ako sa isang sulok ,hindi ko namamalayang pumapatak na ang luha sa aking mga mata,hindi ko mapigilan ang patuloy na pagpatak ng mga ito... 'asan kana ba Terrence?'mahinang sambit ko.

'Huwag ka ng umiyak andito nako'…

Biglang napatigil ang mundo ko noong narinig ang pamilyar na boses nayun ,alam ko sya yun hindi man sya makita ng aking mga mata nararamdaman naman sya ng aking puso ,alam kong nasa harapan ko lang sya nakatayo't pilit na inaabot ang palad nya sa akin upang tuluyan akong umalis sa pagkakaupo...

Agad naman akong tumayo't niyakap sya ng mahigpit... ang mga balikat nya ang nagsilbing pahidan ng aking mga luha,naramdaman kong ginantihan nya rin ako ng mahigpit na yakap...

'Bakit ganan ka Terrence? lagi mo nalang akong pinagaalala hik hindi mo ba alam na maghapon nakong naghahanap sayo? hik wala ka na bang pakialam sa nararamdaman ko? hindi mo na ba ako ma- hindi ko na natapos ang sasabihin ko sapagkat idinampi nya na ang kanyang labi sa labi ko ,marahan ang kanyang paghalik na para bang inaakit akong rumispunde sa mga halik nayun at yun nga ang aking ginawa .Nararamdaman ko ang init sa aking katawan na dulot ng kanyang mga paghalik,kahit na dalawang taon na kami ay ngayon nya lang ito ginawa...

The Unspoken You...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon