Ako si Melay.

3 1 0
                                    

Ang pangalan ko ay melay,
Tuksuhin dahil sa pag-aaral ay Wala akong kamalay malay,
Minsan naisip ko ano kaya kung tapusin ko na ang buhay ko,
Lahat nalang kasi sila kinukumpara ako sa kapatid ko.

Si Choly magaling sa kahit ano,
Bakit si melay? Ang bobo!
Maganda naman ako at magaling kumanta,
Marunong din akong sumayaw at magpinta.

Ewan ko nga ba bakit hindi manlang nila 'to makita,
Ahh! Alam ko na siguro bulag lang sila,
Bulag sila sa mundo ko,
Napuwing sila ng mga kapintasan ko.

Ano pa nga bang magagawa ng isang tulad ko?
Kundi tanggapin nalang na hindi nila tanggap ang aking pagkatao,
Hangang dun nalang ba?
Hindi ihh,Meron pa akong ibubuga. Meron pa!

Eto na ang diploma!
Isa na akong inhenyera,
At ang kapatid ko? Hayun, isang labandera,
Dahil maagang nag-asawa.
Hindi naman sa ako'y nanghuhusga,

Ngunit totoo may gulong ng palad nga,
Minsan ika'y nalulugmok sa pagdurusa,
At minsan nasa kasukdulan ang iyong saya,
Umiikot ang mundo malay bukas makalawa'y nakakaangat ka na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon