Sa opisina, hindi maipipinta ang mukha ni Faith habang nakaupo siya sa swivel chair. Kanina pa niya kasi hinihintay ang kanyang current boyfriend na si Lawrence. 7:00 na pero hindi pa rin ito dumadating. Ang usapan nila ay 6:30 siya susunduin dahil pupunta sila ngayon sa bar upang ipapakilala ito sa members ng dangerous girls' club.
Si Lawrence ay isa sa mga eligible bachelors ng bansa. He is tall, lanky, and handsome. Movie star material ang kagwapuhan. Mabibighani ang kahit sino. Mabait, caring, gentleman at sweet pa ito. Ito ang namumukod tanging naka-abot ng isang linggo sa lahat ng naging boyfriends niya. Pero dahil sa ginawa nito ngayon. Pareho ang magiging kahihinatnan nito sa mga past boyfriends niya.
She's a perfectionist. She doesn't care if he's the total package. Dahil sa pagiging late nito, na siyang pinaka-ayaw niya sa lahat, he will end up just like her past 50 boyfriends. He'll be dumped.
Inis na tiningala niya ang wall clock ng opisina. 7:30 na, for god's sake! Kasabay noon ay ang pagbukas ng pinto. Iniluwa roon ang hinihingal na si Lawrence.
Inilang hakbang nito ang pagitan nila. Nang hustong makalapit ay hinalikan siya sa pisngi. This is another thing she likes about him. He's a total gentleman. Hanggang halik sa pisngi at holding hands lang ito. Hindi namamantala kahit magkarelasyon na sila. 'Di tulad ng mga ex niya na todo ang tsansing sa kanya.
"Sorry dahil natagalan ako babe. May emergency kasi dahil-" hindi na nito natapos ang anumang sasabihin dahil itinaas niya ang kaliwang kamay. Nangangahulugang 'wag na nitong tapusin ang sasabihin.
"We're over" matigas na sabi niya. Ang kanyang magandang mukha ay walang kahit anong emosyon.
"Why? What did I do wrong?" sabi nito na may hinanakit sa boses nito.
"You're an exceptional guy Lawrence. But I really hate people who gets late. You know me time is very precious that I dont want to waste even one second."
"I'm so sorry. You are kind, good-looking, intelligent, rich and a gentleman. A guy that every woman dreams to be with. You should find someone who will love you the way I couldn't. I hope we can still friends though." ngumiti siya ng matamis matapos sabihin ang huling pangungusap.
"I-I understand. Even if it hurts I have to accept it. Thanks for the happy memories, Faith. Can I kiss you before its officially over between us?" sabi nito. Tumango siya sa hiling niya at binigyan siya ng halik sa labi.
Wala siyang naramdaman na kahit ano sa halik nito. Sinubukan niyang mahalin ito pero kahit nandito na lahat ng katangiang hinahanap ng isang babae. Hindi niya pa rin ito magawang mahalin. Kahit sinong naging nobyo niya, wala rin siyang naramdamang espesyal. Kaya siguro madali lang sa kanya ang makipaghiwalay sa mga ito.
"Dont hesitate to call me anytime you need someone to talk to. A friend you can always have" sabi nito pagkatapos ng halik.
"See you around" nakangiting sabi nito at lumungkot naman pagkatalikod at naglakad palabas.
Another exceptional man was dumped. Napabuntong-hininga siya. Kailan kaya niya makikita ang 'The One' ? The man who will turn her world upside down. 'Yung lalaking magpapatibok sa kanyang puso.' Nakakasawa na rin kasi itong ginagawa niya. Madami na ang nakakadate at nagiging nobyo niya pero hindi niya pa rin nahahanap ang kanyang soul-mate.
YOU ARE READING
The Perfectionist's Karma
Любовные романыMayroong isang grupo ng mga mayayamang kababaihan. ● Mga babaeng tinitingala ● Mga babaeng pinapantansyahan ng bawat kalalakihan ● Mga babaeng kinaiinggitan dahil sa kanilang kagandahan, talento, kapangyarihan, at katalinuhan Sila ang mga miyembro n...