Lexie's P.O.V
Nung pumasok kami may apat na lalaki na nakaupo sa sofa ni Tito Jugs. Nakita kong gulat yung dalawa and ako syempre. Napa-O pa ang bibig naming tatlo, wala kasing nakakapasok ditong iba kundi ang staff ng restobar na ito, at ibang relatives ni Tito Jugs. Kaya nagulat kami, tsaka halatang mga kasing edad lang namin tong mga to o mas matanda sa amin ng kaunti. Nagulat din ako kasi andito yung pinsan ko. Si JC.
'Ah. Tito Jugs, bakit nyo po kami pinatawag?- Sheena
Nakatingin lang yung mga boys samin. Mukhang may alam sila na di namin alam.
'Ah girls, si Dwayne, Jacob, Christoph, Dave. Boys, Lexie, Sheena and Louisse.'- Tito Jugs
Nakita kong napataas ng kilay si Sheena. Hahaha nagtataray na naman ang isang to.
'Ah girls. Sila pala yung sinasabi kong makakasama nyo sa gig nyo dito.'- Tito Jugs
'O.O'- Kaming tatlo
'Sila po?- Louisse
'Yeah- Jc
'Girls, kumuha ako ng kasama nyo para, makapagpahinga kayo, gusto ko namang maayos ang kalusugan nyo.- Tito Jugs
'Eh pero po masaya po kami sa ginagawa namin.- Niyakap naming tatlo si Tito Jugs, dahil sobrang bait nya samin.
'Alam ko , pero hindi natin masasabi. Kaya ang gusto ko may pahinga kayo.- Tito
Hays, ang swete namin dahil may Tuto Jugs kaming nakilala.
Niyakap namin si Tito Jugs , para na kasi naming Daddy yan. Napakabait, napakasweet, mahal na mahal kami nyan, puro kami yung nasa isip nya wala pa kasi siyang sariling pamilya
'Mababait yan girls, kaya wag kayo mag-alala.- Tito Jugs
Tumango kami. At napagkasunduan kung paano ang magiging schedule namin. Nagpaalam na din kaming uuwi na pagkatapos.
Umilaw ang phone ko at nakita kong may nagtext si Savey Charlie(JC).
Savey Charlie:
So, magkasama na tayo sa show.
Ako:
Yup. Di ko alam na may banda kana. HAHA
Si JC nga pala "Jacob Charles Villanueva" he's my cousin. Super close kami nyan. Lagi nya kong pinagtatanggol pag may umaaway sakin nung mga bata pa kami. Lalo na nung ahh nevermind. Kaya minsan tawag ko sa kanya Savey Charlie.
Savey Charlie:
Yup. 😁
Umuwi na rin kami after. Humiga ako sa kama ko. Dapat talaga hihiga lang ako dito pag antok na antok na ako. Di ako makatulog.
Me:
Babies nakauwi na kayo?
Baby Louisse:
I'm home. I'm sleepy. Goodnight baby. Loveyouu.
Me:
Loveyou more. Goodnight.
Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagffacebook at twitter ko. Nagbabakasakaling baka dalawin ako ng antok.
Nakita ko ang picture namin tatlo sa mall, I missed them. Nilike ko yun at nakita ko ang mga comment ng dalawa.
Louisse Tremendo: We're so happy here.
Sheena Mendoza: Yup. Lex is so happy.Di na ako nagcomment. Yep. I'm happy when I'm with them.
Alas tres na at wala pa ring antok na dumadalaw sakin. Hays. :( Please let me sleep. Buti nalang at next week pa ang pasukan. Iisa lang yung school naming tatlo at iisa lang ng course pero di kami pare-parehas ng schedule. Si Louisse kasi HRM 1-A si Sheena naman 1-C at ako 1-D medyo nahuli kasi ako magpaenroll talagang matalino yung dalawa.
Tanghali na ng nagising ako. Alas 10 y medya na ng nagisising ako.
'Anak, Lexie, gising kana ba?'- Mommy
'Po? Opo.'-
'Andito si Charles. Aalis daw kayo?'-
Ha? Aalis ba kami? Di ko matandaan.
'Anak?-
'Opo, opo, maliligo na po ako pakisabi.'
Di ko na narinig pang sumagot si Mommy. Bumaba na panigurado.
Naligo na ako at iniisip kung may pinag-usapan ba kami ni Savey na aalis kami. Pagkalabas ko sa cr ng kwarto ko ay may narinig ako tumutunog. Tinignan ko yung phone ko, hindi naman. Hinanap ko kung saang galing yung tunog na yun. Binuksan ko yung drawer ko na pinaglalagyan ng mga lumang gamit ko na hindi na masyado ginagamit. There! Mas lumakas ang tunog. May box dun at dun galing ang tunog. Binuksan ko at ang tumambad sakin ay yong luma kong phone na hindi ko na ginagamit mga 1 month na. Patay ito pero tumutunog, ganun kasi to pag may reminder o alarm kahit patay tutunog at tutunog sya. Malamang di sya nalowbat kasi sa pagkakatanda ko pinatay ko ito ng full pa ang battery. Kinuha ko ito at tinignan. Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.
"HAPPY ANNIVERSARY BABE. ILOVEYOU."
Nanlambot ang tuhod ko at naiyak na lang ako. Humahagulgol na ako. Nagflashback lahat sa akin. Bakit? Bakit ako pa?
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko pero di ko pinansin. Humagulgol lang ako doon. Takip ko ang mukha ko habang umiiyak.
''Lex!- Charles
Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at niyugyog ito ng bahagya. Narinig ko ang ilang mura nya dahil di ako sumasagot at humihinto sa pag-iyak.
'Charliee.- iyak ko. Bakit masakit pa din? Bakit ganun?
Niyakap nya ako ng sobrang higpit.
''Ssshh. Lexie. Halika may pupuntahan tayong dalawa. 'Sabi ni Charlie nung humupa na ako sa pag-iyak alam kong narinig nila mommy ang pag-iyak ko di lang siguro nila ko pinuntahan dahil nandito naman si Savey.
Hindi na nya ako hinintay sumagot at pinunasan ang nagbabadya ko na namang luha. Buti nalang andito si Charlie.
Nang nakalabas na kami ng bahay, pinatunog nya ang kanyang sasakyan. Savey is a year older than me.
Hinayaan ko lang syang hilain ako. Buti at wala kaming gagawin ngayon.
Pumunta kami sa isang Ice Cream house.
"Ube nalang." Sabi ko kay Charlie.
Pumunta na sa counter si Charlie para makaorder.
"Saan mo gustong pumunta pagkatapos?"
Nag-isip ako. Saan ba? Tinatamad ako. Gusto kong magkulong sa kwarto pero gusto kong makalimot. Wala ako sa mood. Pero nakakahiya naman kay Savey kung sasabihin kong gusto ko ng umuwi.
"Ikaw ang bahala. Basta sa masaya." Napatingin sa akin si Charlie. Mukhang nagulat sa sinabi ko. Ako rin naman nagulat.
"Basta sa masaya."
"Basta sa masaya.'
"Basta sa masaya."
"Sige ako na ang bahala"- Savey
Nakasakay kami ngayon sa kotse nya. Tahimik lang kami. Walang nagbabalak magsalita.
"Ah." Sabay naming nasabi.
"Ah gamitin mo lang yang ipod ko. At king gusto mo tumingin ka sa playlist ko para di ka maboring."
"I'm about to ask."
Iniscroll ko lang ang playlist nya at naghanap ng kanta.
Now playing: I could not ask for more.
"And I could not ask for more
I could not ask for more than this time together
I could not ask for than this time with youuu
Every prayer has an answer
Every dream I have's come true"Nasabayan ko na pala yung kanta. Hahaha. Bigla akong napatingin kay Savey at bigla kaming natawang dalawa. Thanks Savey. You're the best. Gumaan kahit paano ang nararamdaman ko.