Strangers

74 1 2
                                    

Ako nanaman. Ako nalang Palage. Kalalaki kong tao ako ang nagbabantay sa tindahan namin. Nakakainis. Nakakawala ng Masculinity >.< 

"kesa naman tambay ka lang ng tambay eh magbantay ka nalng dito sa tindahan!! 

Para naman may pakinabang sayo."

Okay. Mejo hard si nanay sa sinabi niya aa.. Pero aminado naman ako na isa akong dakilang tambay.

Nageenjoy ako sa buhay na meron ako. Maliban ngayon >.< dahil taong tindahan ako.

Dumating ang kaibigan kong baluga sa tindahan namin para asarin ako.

"Tang ina Pre. HAHAHA!! Bagay pala sayo ee!!!" (evil laugh)

Syempre nainis ako at binatukan ko siya.

"ah talaga bagay? Gusto mong ipakain ko lahat sayo ang bigas dito?"

"Chill pare. Enjoy ka nalang"

Maya maya pa...

"Kuya, may suka kayo??"

Sabay kameng napalingon ni Baluga sa pinanggalingan ng napaka cute na boses.

At ayun!! Isang napaka cute na babae ang nagmamay ari ng napaka cute na boses <3.<3

....................... T U L A L A ...................... T U L A L A..................... T U L A L A ..........................

"Pre!! Suka daw!!"

Salamat kay baluga dahil bumalik ako sa ulirat ko. 

Nakita ko yung babae na naka smile *_*

Ang ganda niyaaaaaaaaaaaa ... Bumilis yung tibok ng puso ko...

"ahh.. Kuya, yung suka?"

"ahh oo nga pala. Baluga yung suka niya."

Inabot niya sa akin yung bayad tapos ngumiti siya ulit bago siya umalis..

Napaupo ako at napangiti habang naaalala ko yung smile nung babae.

"Baluga.. I think I'm Inlove..."

"Pustahan tayo, bablik siya..."

Mula noon palage na kong ganado magbantay sa tindahan, for the first time nalaman ko sa sarili ko kung ano yung gusto ko at yung gusto ng puso ko. 

Araw araw akong naghhintay na bumili ulit siya kahit wala akong kasiguraduhan na bibili nga siya. kahit manlang mapadaan sana..

Isang Linggo na hindi parin siya nagagawi sa tindahan namin ng biglang...

"kuya, may suka kayo??"

Napalingon ako sa nagsalita.

"Oh suka ulit?" Napaka komportable ng pakiramdam ko kahit kaharap siya.

Ansaya saya ng puso ko pag nakikita ko siya, kahit second time palang.

"Oo ee :) Favorite kase ng Fiance ko ang Paksiw.. Kaya madalas yun ang niluluto ko."

Parang nagimbal ang mundo ko sa narinig ko..

F I A N C E ?? IKAKASAL NA PALA SIYA.

Napatingin ako sa daliri niya. Oo nga. Engaged na sila.

Ngumiti ako. "Wuii... Congrats aa"

Sobrang luwag ng pagkakangiti niya tapos nag blush siya "Thank You"

Pag kaabot ko sakanya ng sukli, tumalikod na siya.

Napaupo ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Ganoon pala talaga kapag yung gusto mo eh may gusto ng iba.

Di ko siya kilala, ni hindi ko lam ang pangalan niya.

Wala po akong kahit na anong alam tungkol sa kanya,

Pero masaya yung puso ko pag nakikita ko siya.

IKAKASAL NA SIYA. Mejo nasaktan ako kase nga Crush ko siya.

Pero alam ko sa sarili ko na sa sandaling panahon na nasilayan ko siya, 

Sumaya ko. Ngumiti ako. At dahil yon sa mga ngiti niya..

Kahit yoon lang. Kontento na ko...

Alam kong magiging masaya siya. Kase yun yung dapat para sa kanya..

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon