My Wishlist (one shot)

71 1 0
                                    

sorry kung pangit guys! first time ey!

__________________________________________

Ako si Angela Marie,  19 years old.

Nagmo-moment ako ngayon sa park sa subdibisyon namin.  Tumitingin-tingin sa paligid.  Gabi na pala

Inilabas ko ang nakatuping papel sa bulsa ng short ko at nagsulat. Binasa ko iyon.

My wishlist.

1. Sana bigyan NIYA ako ng flowers.

2. Sana mapansin NIYA ako.

3. Sana makausap ko SIYA.

4. Sana mapangiti ko SIYA.

and last.

5. Sana bumalik ang lahat.

Tumayo ako at dumiretso ng uwi sa bahay namin.  Bumungad sa akin ang katahimikan.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at humiga.

Kinabukasan.

Papunta na ako sa school namin.  Maaga pa pero ayos lang.  Wala din naman akong gagawin sa bahay eh.

Wala pa masyadong tao sa school.  Guard pa lang ang nandun at ilang early birds na students.  Nginitian ko si Kuya Guard pagpasok ko tulad ng nakasanayan ko.

Pagpasok sa room namin umupo lang ako sa upuan ko na nasa dulong likod.

Makalipas ang ilang minuto, sunod-sunod na nagsidatingan na ang mga kaklase ko.

Umingay na ang paligid. Daldalan dito daldalan doon. Girl Talk. Chismis.  Basketball.  Araw-araw na usap.

Biglang dumating si Nathan.  Napangiti ako pero biglang tumahimik ang paligid.

Nathan P.O.V

Naglalakad na ako ngayon sa hallway ng school namin.  Napapatahimik ang mga nadadaanan ko.  Sanay na ako na tinitingnan ng mga tao lalo na sa School namin dahil isa ako sa mga athlete at hearthtrob.  Pero ayaw ko ng tingin nila ngayon.  Nagbago lahat yun dahil sa PANGYAYARING yun. 

Malapit na pala ako sa room namin.  Malayo pa lang maririnig muna ang ingay nila pero pag pasok na pagpasok ko biglang napatingin sila at tumahimik.

Dumiretso na ako sa upuan ko.  Nagsibalikan na din sila sa kanya-kanyang upuan at maya-maya dumating na ang prof namin.

ANGELA P.O.V

Pagdating nang Prof namin ay naglesson na siya.

Dahil sa likod ako nakaupo ay nakikita ko si Nathan.  Unti-unti itong lumingon at nakita ko ang malungkot niyang mga mata. Binalik nito agad ang paningin sa harap.

Kinahaponan,  di ako agad umuwi.

Pumunta ako sa park kung saan ako nagmumuni-muni kagabi.

Umupo ako sa same spot kung saan ako lagi.

Papadilim na hindi pa rin ako umaalis.  May naaninag akong tao na papalapit sa kinauupuan ko.

Si NATHAN.  Umupo ito sa tabi ko.  May hawak-hawak ito na bulaklak.

Inilapag niya ang bulaklak sa gitna namin.

Napatulo ang luha na kanina ko pa pala pinipigilan ng hindi ko napapansin.

biglang siyang nagsalita "alam ko paborito mong bulaklak yan kaya yan dinala ko dito"

Napangiti ako at hinawakan ang bulaklak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Wishlist (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon