Lhyza's POV
Isang magandang umaga na naman! Papasok na ako sa mataas na paaralan ng Friopety High School. Bakit mataas? Dahil hanggang 6 floor siya. Pero syempre joke lang yun, sino na namang baliw ang mamakaisip nun?
Syempre ako.
Well papasok na ako at baka mag 'good morning teacher, good morning classmates I'msorry I'm late' ako kapag pinairal ko na naman ang kapagongan ko.
Nakadating naman ako ng matiwasay.
~~~~
Sa mga ganitong pagkakataon ko talaga gusto ipalapa sa aso ang mga teacher ehh. Deh biro lang.
Pero totoo nyemas nagwawala na ang hotdog sa tiyan ko. Hotdog? Diba gawa yan sa mga worms? Edi tama ako!
Kulang na lang mauna akong lumabas kaysa sa teacher ehhh! Agad naman akong tumakbo pababa papuntang canteen. Pangmayaman ang 'cafeteria' kaya canteen lang.
Mahaba ang pila pero dahil batas ako. Nakabili agad ako. Hohoho.
Kinakain na kasi ng maliit na bituka ko ang atay balun balunan ko.
Nakita ko naman agad si Nat at umupo sa tabi niyo. Mukhang hindi naman siya nagulat.
Kumain na rin ako habang nakatingin lang siya.
''Hoy! Kumain ka kaya! Pag ako natunaw wala kang maipapalit sakin''
''Assuming ka! Nakakatad pumila ang haba oh!'' Sabi niya habang nginunguso yung pila na bituka Ng baboy.
Iniumag ko sa kanya ang ku tsatra ko na may ulam at kanin. Umiling lang siya pero dahil dakilang makapal ang helmet ko ay di ko siya tinigilan.
Napipilitan na nilunok niya yun ng walang nguyaan dahil malalasahan niya lang yung gulay.
Tumatawa ako habang kumakain. Siya naman ay nagc-cp lang.
''Geh! Alis na ko! Baka ma-late ako'' sabi ko nang matapos ang huling hapunan ko. Deh biro lang.
''Hatid na kita, anong building?'' Tanong niya habang kinukuha niya yung bag ko.
"Sa Cerebrum Building"
Tumango lang siya at nagsimula nang maglakad alangan namang gumapang?
~~~~
"*yawn* Tagal!"
Antok na antok na ako sa last subject namin dahil parang nagpa-pasyon magturo ang teacher namin.
Tinatamad na ipinatong ko ang paa ko sa upuan sa harap ko at medyo humiga.
Konti na lang makakatulog na talaga ako. Nagiging chinita na din ang mata ko sa sobrang pikit.
"Ugghh! Bahala na!"
Tumungo ako sa upuan ko at natulog.
Nagising ako ng may kung sinong poncio pilato ang kumakalabit sakin.
Inangat ko ang tingin ko at napansing nakatingin lahat ng classmate ko sakin.
Tinuro ng isa kong classmate si maam na nakataas na ang kilay.
"Ms. Meore, this is not your house for you to sleep. Why are you sleeping?!"
Medyo may gigil na sabi ni maam.
Hala! Isip! Isip!
Pinalamya ko ang mata ko at parang matutubang tumayo ako.
"Sorry maam I'm not feeling well since this morning"
"Then you should've said so, take your seat"
Ngiting bente naman ako habang umuupo.
Isang napaka-prodaktibong araw na naman ang naganap sa pahina ng aking makulay na buhay.
_______
Hell Week
sa ganitong araw bumabawi ang mga teachers natin sa mga katarantaduhan natin ng buong grading. Bilang pambawi tatadtarin tayo ng tambak na project, assignments isama mo na rin ang walang katapusang activity.
"Lyly! Bumaba ka na dito kakain na!" Sigaw ni mother nature na inistorbo ang page-emote ko.
Nakasimangot na tumayo ako sa kama at bumaba na.
"Ohhh? Kamusta naman ang pag-aaral mo?"
Tanong sakin ni papa.
"Ugghhh! Hay nako! Papa! Halos maputol na nga kamay ko sa iba'tibang written works at mabali ang mga b Ones ko sa katawan. Isama mo na rin ang malapit na pagputok ng mga nervecell ko sa iba't-ibang part ng aking katawan.*sigh*"
Natawa lang si papa at kumain na rin.
''Papa break na kami ng boyfriend ko."
Nagtinginan naman sila at sabay-sabay na humalakhak hanggang mapatid ang litid nila.
"G-grabehan ang m-m-m-mga joke mo!" Mamatay-matay na sabi ng ate kong pinaglihi sa mais.
"Totoo nga, ayaw niyo maniwala?"
Tumango lang yung tatay ko at inilagay ang pinggan niya sa lababo. Sumunod din yung mga 'espesyal' kong kapatid.
"Luh? Ba't niyo ko iniwan?"
"Sinungaling ka kasi!"
"Edi sorry na hindi na kami nag-break"
"Mamatay ka talagang sinungaling. Tama na ang pantasya WALA KANG SYOTA!"
Parang may tumagos naman na bala sa aking dibdib sa mga salitang binitiwan sakin ng ate kong may sapak sa ulo.
Nabigla naman ako ng sinadukan ako ni mama ng kanin.
"Ma?"
"Gutom lang yan anak, hala! Cge kumain ka na"
Nak ng! Totoo naman talaga ehh!
Hindi ko na lang pinansin at kumain na. Sayang naman yung pagkain samantalang madami bata ang nagugutom dyan sa labas tapos ako sasayangin ko lang? Huhuhuhu..
Yan kasi ang madalas sabihin sakin ni papa eh. Tapos magba-balik tanaw na yan kesyo nung bata daw sila wala daw silang ulam at baon lang daw nila piso.
Kaya kumain ka na lang kung ayaw mong makarinig ng mala-MMK na storya nila noong panahon na di pa uso ang damit.
Umakyat na ako sa taas alangan naman sa baba? Diba? Oh my gass! Use my brain nga.
Nag-open ako. Ang dami talagang tao ang kulang na lang i-kwento sayo yung talambuhay niya sa sobrang update na update ang wall sa fb.
Ako? Follow niyo. @Bhoxzs_Mapagmahal_DiKaIiwanAtSasaktan_bente-kuwatro_matatag_WalNgTitibag.
Pero syempre biro lang gano ba kalawak ang imahinasyon ko? Para malaman at maisip ang mga outer space ideas. Siguro nung past life ko apo ako ni Einstein.
Haayy! Hirap maging maganda buti na lang di ko naramdaman.