"TSOKOLATE"

57 3 0
                                    

nakakaumay na to, nakakasawa na..! tama na nga..!

tigilan na ang kaiisip..

natuturete na ko..! tapos na ang mga araw na pag-absent at pag-aabang sa pagdaan mo...ang mga oras ng paghahangad na sana'y masulyapan ko manlang kahit likod mo...

T.A.M.A. N.A..!!!!

sa palagay ko'y nararapat ng bigyang tuldok ang kabaliwang ito..

AYOKO NA..!

may nagtanong sakin..

SAN MO MAIHAHALINTULAD ANG TAONG NAGPAPATIBOK NG PUSO MO.?

nangiti ako at naalala kita.

wala namang maihahalintulad sa kanya..:)

but at the back of my mind, may mga bagay na nagpupumilit mapansin, hindi ko lang masabi kasi super mega corny, as in...

I was thinking kasi na para kang isang bar ng Hershey's - sa una hahanap-hanapin, nakakakilig ang lasa,pero sa bandang huli, mapait na, masakit sa lalamunan.

pwede ka ring maihalintulad sa isang pack ng M&M's- makulay, oo naman.! ikaw ang nagbibigay kulay sa madilim kong mundo.. pero sa bandang huli humuhulas rin ang kulay, puting shell nalang ang natitira. melts in your mouth, not in your hand daw oh..! ooowss..?

ahh.. isa ka sigurong Oh Henry! maraming peanuts, nakapagpapatalino.! oo nagpupursige ako sa pag-aaral para mapansin moh. pero ang mani pag sumobra daw, pimples ang katapat.! dumami nga yata ang tagyawat ko kaiisip sayo...

kagabi, binigyan ako ng coffee crisp, naalala kita. hindi na ba talaga ako tatantanan ng ala-ala mo.? ganoon ka, kay tigas ng loob, kasing kunat pa ng brittle na nahanginan..!

sa palagay ko, kaylangan ko ng kitkat. pero teka lang hah... paano naman ako makakapagbreak kung nakikita ko ang balot nitong pula? favorite color mo yun diba..?

minsan sumagi din sa isip kong para kang cloud 9, oo nga parang nasa cloud 9 ako pag nakikita kita, kaya lang tulad ng cloud 9 marami kang nasa loob, magulo... allergic yata ako sa mani.

significant din sakin ang toblerone. bakit..? kasi tatsulok! YUP! I feel like we're on a triangle.... love triangle for that matter. tama! ako pa ang kontrabida dahil kayo ang love team. so sad nga eh..!

teka..! ano ba to..? tsokolate ng tsokolate, nananaba na ako..! ang blood sugar ko.. diabetic pa mandin ang pamilya namin..

honestly, tinantanan ko na si lord sa kahihiling na sana ako ang taong nagpapasaya sayo. sabi kasi nya hindi raw kasi sya ang kailangan ko..si genie... eh busy sa mga utos ni aladdin, kaya yon...

napasuyap ako sa mga palad ko, at napangiti ng maalalang minsan isinumpa kong babagsak ka rin rito at mapapaikot ko ang mundo mo, pero kinagat na ako ng realidad, kaya binigyang tuldok ko na din ang pangarap na iyon...

oo, aaminin kong mahirap tuldukan ang isang damdamin dahil hindi naman ito pangungusap, pero malapit na.

naalala ko dati, pagtahimik ako, hindi naman sagot sa equation ng algebra ang iniisip ko.. ikaw.! ano bang meron ka't patay na patay ako, wala naman masyado...

so, ano..? bakit? paano nanyari.? hindi ka din naman sana kagwapuhan. mas lalong hindi rin artistahin.

ano nga.? bakit nga.? ah alam ko na minsan talaga ang puso hindi basta tumitibok, siguro naturuan ko lang, nakumbinsi, na ikaw ang taong mainam para sakin, kasi nga ideal papa ka...

kaya lang pagod na ko eh.. mahirap magparamdam sa taong bato.

sa totoo lang, hindi ka isang Hershey's, M&M's, Oh Henry, coffee crisp, o kitkat, kahit nga cloud 9 hindi eh.. edi lalong hindi toblerone..! malabo, imported yun eh.. 

ikaw..? isang hamak na choknat ka lang, tigpipiso, ordinaryo.! hindi ako dapat nakikipila sa bumubili ng choknat sa tindahan ni aling pekta.

ayoko nga..!

paalam na sa iyo ilusyon ko...

inatake na ako ng pagkasuya.. paalam.!

ang WHATEVER na ito ay inspired by.... hmm tawagin nalang nating syang MR.OUT-OF-REACH.

salamat sa pagdaan sa hallway araw-araw...

sa mga nacorny-han sorry po..:)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"TSOKOLATE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon