Simula

3 0 0
                                    

Second grading na magpapalit nanaman ng teacher sa Science dahil retired na yung isa at ang hirap naman talaga mag-aral kapag kulang ka sa tulog oh!

Napayuko na lang ako sa lamesa ko. Antok na antok na talaga ako! Bakit ba kasi ako nag puyat kagabi?

Hindi ko pwedeng ipikit ang mata ko dahil pag pumikit ako, Makakatulog nako at yari nanaman ako pag may nakakitang teacher sakin.

"Shet! Kinakabahan ako sa bagong teacher natin!" Ani Jane ang Secretary namin dito sa Room.

"Ako nga den eh!" Sagot nung isa.

Hindi ko sila pinansin, hindi naman kasi talaga ako namamansin.

Anong nakakatakot sa pagpapalit ng Teacher? Pag ba nag palit ka ng damit natatakot ka? Tsk.

"Shunga! Hindi natin magiging teacher si Ms.Faraon, Iba ang subject niyang tinuturuan hindi Science"

Sigaw naman ng bakla dito sa room namin.

Mag a-apat na buwan na ang klase pero hindi ko parin sila kilala at wala akong kaibigan. Mga officers lang ang kilala ko dahil sila madalas ang tinatawag at naririnig ko lang ang pangalan.

"Shunga ka din! Science teacher yon!" Sagot ng kaklase ko at tumingin sakin. "Diba, Ellyrad?"

"Ewan ko! Ingay niyo!" Sigaw ko sakanila at yumuko na lang ulit.

Porket ba pangatlong ulit ko na dito sa 4th year sakin na kayo magtatanong ng magtatanong? Tsk.

"Kinakabahan akoooooo! Sana wag siya ang magin-"

"Good afternoon!'' Umalingaw ngaw ang matinis niyang boses sa loob ng room namin at agad namang tumahik at tumayo ang mga kaklase ko.

Hindi ako tumayo, Go. Introduce yourself little nanny.

"Shit! Siya nga? Bakit siya pa?" Bulong ni Jane, "Darylle? Baka gusto mong tumayo na?" Tinaasan ko lang siya ng kamay simbolo na manahimik siya.

Inaantok ako, Bakit ako tatayo? Sino ba siya?

"Good afternoon, Ms. Faraon!" Masiglang sigaw ng mga kaklase ko.

"You may---OW!"

"Darylle!" Tawag sakin ni Jane, Hindi ko siya pinansin, "Darylle! Darylle!" Tawag niya ulit.

Nairita naman ako kaya tinaas ko na ang ulo ko at laking gulat ko na nasa harap ko si Ms. Faraon.

Ngumiti siya sakin. Ngumiti rin naman ako sakaniya.

"Sino ka para matulog sa klase ko?" Tanong niya sakin at agad nawala ang ngiti sa labi.

"Nagkaklase kana ba?" Tanong ko sakaniya ng nakangisi halata namang kinagulat niya, Ngumiti na lang ulit ako sakaniya, "I'm sorry." magalang pero sarcastic na sabi ko sakaniya.

Pepestehin kita, Isa pang salita.

"I don't need your sorry, I am asking you!" Aniya.

Hindi niya ko kilala? Eh halos taon taon teacher ko siya! Gusto niya pa atang nababastos sa harap ng mga Estudyante niya eh? Mukang mababali ko ata ang pangako kong magbabago nako ah.

"I am Darylle Ellyrad S. Rafanan." Sagot ko sakaniya at tumayo para magpantay kami.

Ngumiti siya sakin, "And, Who are you to sleep in my class?"

Gusto talagang nababastos siya eh. Tinanggal ko ang ngiti ko sa muka ko at sineryoso ito, Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

Hindi porket nakangiti ako nasa Goodmood ako, Oo kanina. Pero ngayon hindi na!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Baddest GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon