Prologue

3 0 0
                                    

Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang mga kaganapan sa buhay ko. Sa dinami-dami ng tao sa mundo siya pa talaga ang napili ng puso. Past years of my life? Sigurado pa ako sa sarili ko na straight ako e. Pero nagkagulo lahat buhat nung makilala ko si Mr.E. Oo, si Edward at Oo din lalaki siya. Lalaki din ako, sigurado pa ako dati, ewan ko ba kung anung nangyari at nahulog ako sa mokong na 'yan.

By the way, I am Denver 2nd Year Computer Science Student sa College of Mary(COM), isang Catholic School. Si Mr.E? 2nd year Information Technology Student naman dun pa rin sa COM. Magkaklase kami mula 1st Year palang. Scholar kami ng City namin, meaning yung tuition namin is paid by the City Gov't. ComSci ako at IT naman siya, nabanggit samin ni Miss Lyn(Program Coordinator ng ComSci & IT) na mejo conjoin ang subjects ng ComSci at IT since parehas naman daw na Computer related yung courses namin. So ayun na nga halos magkaklase kami sa lahat ng subjects maliban sa mga Major subjects kasi mejo madami din ang ComSci, ComSec at IT. Mga 60 persons ang bumubuo sa freshmen ng ComSci at IT nung 1st year kami. Kaya napag-isipisip din ni Ms.Lyn na hatiin kami in two sections, in a way na para mas madaling turuan sa Major subjects ang mga students. So ako, Section B. Si Mr.E, Section A. So magkaiba kami ng section. We were just first year nung hinati kami sa two sections. Kaya ayun na nga, iba ang oras ng mga Majors namin pero 'pag Minor Sub lang magkakasama kaming lahat. Kasya naman kasi kami sa room e, pero 'pag kasi Laboratory na sa Major Subjects 'di kaya ng isang Computer Laboratory ang lahat ng students. So ano? Pati sa ComLab, Kandungan? Share-Share?

Tanda ko pa nun, 1st year kami. We were so close ni Edward, yung piling na nagsasakayan kami sa trip ng isa't-isa. Kapag nangaasar ako gumagatong pa siya. Tanda ko rin yung first convo namin, tinanong niya ako kung anong pangalan ko. Syempre sagot ko "Denver".

Sabi niya "Aaah. Ako naman si Edward".
"Ano naman pinanggalingan ng name mo? Ganda a." -dagdag pa niya.

Sabi ko naman "Dennis kasi name ng Father ko tapos Amver ang name ng Mother ko, so kinuha lang sa syllables ng name nila."

Bigla kong kinagulat pagtawa niya, unang beses kong nakita ang matamis niyang mga ngiti at bungisngis. "Hahahaha. Parehas tayo, Edgar kasi name ng Tatay ko at Ginward naman si Mama." Matawa-tawa niyang sambit.

"Talaga? Kakatuwa naman." Bulalas ko nalang kasi nga unang beses lang kaming nagusap no'n mejo may hiya pa sa'kin.

Pero from that moment also puro kabaliwan ginawa namin. Tawa kami ng tawa e nasa isang assembly kami nun para sa mga City Scholars pinaattend kami dun as audience. Alam ko naman na ginawa ng City Gov't ang event na iyon para sa mga campaigning purposes lang. Kesyo sabi pa sa'min para daw mapagsama-sama ang mga new scholars.

I Have a great time, talking with him. Lakas ng trip namin. 'Yung piling na parang kami lang ang tao sa mundo at walang makakapigil sa'min. One time nga may inabot na papel yung one of the persons dun sa event pi-fill-up-an daw yun pero imbis na fill-up-an namin. Ginawa naming eroplano at pinalipad yun kahit na may nagsasalita pa sa unahan nun. Mga simpleng trip na nagbigay kasiyahan sa'kin, sa'min.

From that day, I've told myself that I have found someone to whom we can be best friends but sa hindi ko maintindihang dahilan nawala yung intimacy at closeness namin with each other. 'Di ko alam kung paano, at ewan ko ba. Nung mga panahon na lumayo siya piling ko 'di ko kaya. 'Di ko kaya na mawala siya sa buhay ko, mga ilang buwan palang naming magkakilala nun a, tapos nawala agad yung closeness namin.

Kakabreak lang din sa'kin nung girlfriend ko nung mga panahong nakilala ko siya. Kaya sa tingin ko naging kaibigan ko siya nung mga panahon na vulnerable pa ako. Never knowing na mawawala agad yung pinagsamahan namin. Mag-iisang taon nang hindi niya ako kinikibo ulit sa personal at di ko alam kung bakit ba. Awkwardness ang nagaganap kapag nagkikita kami. Walang kibo. Tahimik lang.
Hirap kaya ng ganun.

Lumayo nga siya pero yung paglayo pa ata niya yung nagpalakas ng nararamdaman ko. Nung una 'di ko maipalagay ang sarili ko, Oo, kasi nakakabading talaga. Sinubukan ko namang tumingin sa ibang lalaki pero 'di ako attracted sa kanila e. Mas attracted pa nga ako sa mga babae jan. Sadyang 'di ko lang talaga malaman kung bakit siya pa. Grabe lang. Nakikita ko pa naman yung sarili ko sa kanya, ewan ko ba! Mag-iisang taon na din akong ganito nahihirapan ako kung ipapaalam ko ba o 'wag na lang.

Hirap maglihim e, lalo na sa sarili! Kasi sinubukan kong kalimutan nalang 'yung nararamdaman ko but I can't contain myself. I know what I am feeling. Nainlove na din naman ako, iba nga lang kasi sa kapwa lalaki ko na ngayon ako nainlove.

So ang mga nakasulat sa librong ito ay ang mga araw na naganap na related sa aming dalawa ni Mr.E. Isang taon mula nung una ko siyang makita. Mahirap dayain ang sarili kaya naman aaminin ko na na Mahal Ko Siya.

My Own Revelation: I Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon