Day 1 - July 18, 2016

2 0 0
                                    

Monday.

As of 7am pumasok na ako sa school. Pero 'di ako sa school pumunta. Mamaya pa naman kasing 9am ang Made Up Class namin sa Public Speech(English102). Tinamad na din naman kasi akong pumasok ng 9am class since 'di ko pa naman saulo yung Oratorical Piece. So ang nangyari nagpunta nalang ako dun sa Computer Shop na malapit sa school, Cute Internet Cafe(CIC), para maglaro ng online games(LoL). Eto yung rendezvous naming magkakatropa at lahat ng mahilig mag-OL games kaya naman habang naglalaro ako dumating naman yung dalawa kong katropa, tapos ayun naglaro din sila.

What happened unexpected this day was mga pasado 11am nun, akala ko namamalik-mata lang ako at very that moment, 'di ko inaasahan, nakita ko siya sa likodan ko. Nagsalita siya na kesyo 'di daw kami umattend tapos nandito naman daw pala kami. May attendance daw nga pala sa English kanina. Nakangiti siya that moment na he's telling us, after I realized na kailangan kong umiwas kasi baka maging bato na siya kakatitig ko. He was supposed to sit sa computer ko sa likod kasi ganun naman ayos ng mga PCs dun e tapatan lang but then yung isa kong katropa ay tapos na daw maglaro at nagugutom na daw. So nag-Out na siya, and its Mr.E na umupo dun sa vacant PC na gamit kanina nung tropa ko which is sa tabi ko.

So magkatabi na nga kami, sa 'di ko malamang dahilan 'di ko malaman ang nararamdaman ko, may something sa loob ko na halo-halo feeling e.

So mga 12nn nag-Out na rin ako, pero actually balak kong magtagal 'til 1pm kasi 1pm pa naman first class namin every Monday e.

Inagahan ko talaga so that makakaiwas na rin ako sa kanya, siguro, ewan, kasi kahit sabihin kong mahal ko siya. Mali pa rin e, kahit ikatwiran ko pa. Nakakapanghinayang na 'di ko maintindihan. 'Di ko alam kung saan ako lulugar sana 'di ko nalang naramdaman 'to.

As I'm waving and saying goodbye sa mga katropa ko kasi didiretso na ako sa school para kumain ng lunch tapos papasok na din. Swerte nga ng mga Section A at wala silang pasok every Monday. Kami Major namin Computer Programming 1-6 pa! Hayst. Kung 'di lang talaga dahil sa made up class sa English 'di papasok ang mga taga-section A e.

So 'Yun na nga nagpaalam ako sa mga katropa ko.
Si Mr.E naman ay nagsabi ng "Babay.". Di ko alam kung para sa akin ba yun pero napangiti nalang ako.

Nakangiti akong naglalakad pabalik sa school.

"Mahirap Dayain ang Sarili."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Own Revelation: I Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon