Warning: Don't be a Fangirl

48 3 13
                                    

Before entering this kind of life di ko inakalang mas gugustuhin kong maging bagay kesa tao. Mas madali ata ang buhay kung bagay ka na lang.

Wala kang kababaliwan, wala kang pera (kaya wala kang magagastos), wala kang problema (maglilips to lips pa kayo if ever bote ka o baso), mamahalin ka niya (ewan?), magiging kayo (wuuuttt?), at higit sa lahat magkaka-anak kayo...

Wait, what? I didn't sign up for these. So, mas okay pa din palang maging tao para man lang malahian niya ko. Pero tempting pa din talaga ang pagiging bagay (especially a mineral bottle).

Kaso... Kaso... Kaso... Takte, bessy! Ikakasal na siya! Oo, alam kong shinip ko sila! Pero di nila kailangang magpakasal huhu. Bat ba ganern ang life? Wala naman akong ginawang masama! Sigurado naman akong di ako bully sa school. Wala naman akong inapi na tao. Mabuti naman akong anak, kapatid, pinsan, tita, pamangkin, kapit-bahay, at mamamayan ng Earth!

Bat niyo kailangang magpakasal? Sigurado naman akong di niyo mahal ang isa't isa at ginagawa niyo lang yan kasi sobrang dami niyong shippers (hindi ba?!) Tae naman eh! Pumayag na kong maging kayo kahit mag-asawa na tayo (na ako lang ang nakakaalam). Tas magpapakasal kayo? Okay ka lang ba?

Alam mo bang kapag hindi mo ko fangirl guguho yang buhay mo? Di mo siguro alam yun no? Hah!

Pero mukhang buhay ko ata ang guguho if ever di mo nga ako maging fangirl. Another huhu.

"Astrid! Tama na! Kahit ilang beses mong kausapin yang standee ng so-called asawa mo! Hindi mo mapipigilan ang kasal nila." Sabi ng bestfriend ko habang nakatanggal ang isang earphone. "Kung ako sa'yo wag mo ng problemahin yun at ang tanging problemahin mo na lang ay ang concert nila ngayong November."

"Pa'no maging masaya?" Madrama ko pang tanong sa kanya. Agad-agad naman siyang tumayo mula sa kama KO.

"Araayyy! Makabatok naman to! Wag kasi wagas. Kung naibatok mo na lahat ng ibabatok mo sakin ngayon. Di mo na ako mababatukan bukas!Gusto mo ba 'yon? Ha?" Bulyaw ko sa kanya habang nakahawak pa din sa binatukan niya.

"Huwaw naman uy! Ako pa talaga nilecturan mo! Kung magmamahal ka kasi wag wagas! Lalo na kung wala namang pag-asa na mahalin ka nung tao!" Oo na ! Oo na!

"Pa'no naman kung biglang dumating yung 'The One' mo?! Ano na 'te? Kakapit ka pa din ba dyan kay J?"

" 'The One'? Ano ba pinagsasabi mo?! Si J na yung 'The One' ko! Siya na yun! At kung sakali mang ikasal nga siya. Magmamadre na lang ako!" Pero teka...

"Akala ko ba kahit anong mangyari magiging psychologist ka in the future?" Ay! Oo nga pala!

"Wag mong sabihin na kaya mong kalimutan yang pangarap mo para kay J?" Tumango naman ako sa kanya. Kaya nakaamba na naman siyang batukan ako.

"Teka teka! Nawala lang ako sa sarili ko saglit! Magiging psychologist po ako! Pangako po 'nay. Tatapusin ko po pag-aaral ko at i-aahon ko po ang pamilya natin sa hirap" natawa naman siya. Babaw talaga.

"Loko ka talaga!" Sabay gulo sa buhok ko. Di katulad ng iba, gusto kong may nanggugulo sa buhok ko. Pakiramdam ko kasi inaalagaan ako ng taong gumagawa nun (kahit pa kabaliktaran hung ginagawa niya)

Real talk: Pa'no maging masaya?

Ano nga bang pakiramdam ng masaya? Kadalasan kasi mas natatandaan natin yung mga panahong malungkot tayo kesa sa panahong masaya tayo. Mas madalas din kasing malungkot tayo kesa masaya. Mas madalas din kasing meron siyang kalandian kesa wala. Mas madalas din kasing papaasahin ka kesa seseryosohin ka. Mas madalas din kasing gutom ka kesa busog ka. Mas madalas din kasing pangit ka kesa magan...

Aray! Taena! Nakakailan na tong bruhang to ah!

"Leche ka Venice! Nakakailan ka na ah!!"

"Nakakadalawa na po 'ko" sabay ngiting nakakabwisit!!

'Di ko alam kung bakit nauso yung 'All things happens for a reason' chena! Care to explain?! Eh, laging walang dahilan si Venice para saktan ako (in a very brutal way).

I shot her a questioning look.

"You were spacing out! Idiot!" She stated with so much emotions!

At para matahimik na ang kaluluwa naming dalawa. Tumahimik na ko't humiga sa kama.

~•~•

November 1 ng malaman ko na magkakaroon din pala ng fan meeting sila J. Hindi din naman ako nagsisi.

Gusto ko din kasing maranasang mag-effort para kay J. Kahit isang beses lang bago siya ikasal. December 23 was the scheduled fan meeting. December 14 is the wedding day.

In short, kung sakaling di ako pupunta sa concert nila sa November 26 na gaganapin si Seoul. Sa unang kita ko pa lang kay J ay isa na siyang married man. So, pano nga ba ako magsisisi. Pa'no din nga ba ako manghihinayang sa pera? Okay na sa'kin na iniisip kong yung parte ng kinakain niya, o kahit ano pang pinaggastusan niya ng pera ay galing sa'kin. Kahit isang porsyento lang yan. Masaya na ko.

Maisip ko pa lang na malapit na siyang ikasal parang gusto ko ng magpakamatay. Pero tuloy pa din ang buhay. Tuloy pa din ang pagfafangirl ko sa kanya.

Kaya ko pa bang ihinto 'to? Parang hanggang next next life ko ata ay fan niya pa din ako. One lifetime is not enough ang drama ko ditey.

Nangangarap na ko ng imposible nang may bigla akong naramdaman sa bandang paanan ko at ang sumunod na ay ang pagkawala ng first kiss ko...

~•~•~•

Kimi's Note:

Annyeong haseyo~~ This story is inspired by the group that I really love. Hulaan niyo kung anong grupo mga bes hahahaha.

Also, feel free to message me!

SavageWhere stories live. Discover now