Katangahan 1

200 2 0
                                    


Lizzy's pov.

Bumangon ako sa higaan atsaka nag inat.
Hayy ang ganda ng umaga ko sing ganda ko hoho.
Gusto nyo malaman kung bakit?Pakiramdam ko kasi may magandang mangyayari ngayon.

"Hoy lizzy na pinaglihi sa katangahan bumaba ka na dyan at may naghahanap sayo" Nakapoker face na sabi ni ate.

Psh napakasakit naman sa damdamin magsalita neto tsk.

"Sino daw ba?" Iritang tanong ko.
Tumayo ako tsaka sumunod kay ate na hindi sinagot ang tanong ko. Wow peymus si ate.di namamansin sa personal psh.

Pagkababa ko naabutan ko si mama at papa na may kausap.

Ang aga aga tsismisan ng tsismisan to sila mama tsk.

Napailing ako atsaka lumapit sa kanila na patuloy lang sa pakikipag tsismisan.

"Oh lizzy hinahanap ka raw,Kaibigan mo ba to?" Tanong ni papa.

Tinignan ko yung katsismisan ni ermat at jusko!

Nanlaki ang dalawa kong napaka gandang mata dahil sa pagngisi nya.

"Surprised?" Nakangising tanong nya.

"LETSE KA TALAGANG KUPAL KA!GANDANG GANDA KA BA SAAKIN AT HANGGANG NGAYON SINUSUNDAN MOKO?!" Sigaw ko sabay taas ng kilay ko.

Aba aba ayoko sa lahat yung inienglish ako baka di ko sya matantsa -,-

"Binibisita lang naman kita baka kasi nakakalimutan mo na yung ginawa mong kasalanan sakin"sabi nya.
Ako lang ba o sadyang sarkastiko yung pagkakasabi nya non tsk.

"Wag kang magalalang kupal ka hindi ko yon nakakalimutan kaya pwede?umalis kana sa bahay ko wala akong pake sa nararamdaman mo" sabi ko habang bahagya syang tinutulak.

"Ahh so dahil hindi mo kayang bayaran yung mga gamit ko na sinira mo mas maganda siguro kung yung parents mo yung sisingilin ko diba?" Tanong nya.

Aba aba iniinis ako netong kupal na to ah.hinila ko sya palabas para hindi marinig nila ermat yung paguusapan namin.

"Kupal ka talaga eh no?magkano ba yon at nang maisaksak ko sa balunbalunan mo yung ipambabayad ko ron ha?" Nakapameywang na tanong ko.jusko ang mokong ngumisi lang.
"Mayaman nga tanga naman" bulong ko.Ang yaman yaman nya bat di sya bumili ng bagong sasakyan?isakaak ko pa sa baga nya yung bulok nyang sasakyan eh.

"Alam mo miss lazy kahit anong gawin mo mas mahal pa yon sa buhay mo pero may naisip nakong paraan para hindi mo na kaylangan mag ipon kasi alam ko naman na kahit wag ka kumain araw araw para makaipon hindi mo mababayaran yung ginawa mo saakin diba mahirap ka?naiintindihan mo ba?o gusto mo pang englishin ko para sayo?" Tanong nya.
Aba aba siraulo talaga to ah.

"KUPAL KA TALAGANG LETSE KA!UNA SA LAHAT LIZZY YON!CAPITAL L-I-Z-Z-Y HINDI LAZY!SIRAULO!PANGALAWA WAG MOKONG LAIT-LAITIN BAKA ISAKSAK KO SA BAGA MO YUNG KOTSE MONG BULOK PATI YUNG IPHONE MONG GAWA SA CHINA!PANGATLO! TANGA LANG AKO AT HINDI AKO BOBO KAYA NAIINTINDIHAN KO!"sigaw ko aba aba wag nyang kinakalaban ang nagiisang lizzy the great.

"Kasalanan ko ba kung sadyang assumera ka ha?daming sat sat gawin mo nalang yung iuutos ko sayo para matapos na"sabi nya at sumandal sa kotseng nasa likod nya.

Aba ayos may bagong kotse na naman ang kupal tsk.

"Kasalanan ko bang sa daan ka nagkakalat ng kamanyakan mo ha?" Tanong ko na ikinagulat nya.

"What the fuck?!" Halos pasigaw na sabi nya.

"First of all miss hindi kamanyakan yon okay?kaya kung hindi mo susundin yung utos ko sige mga magulang mo nalang ang sisingilin ko" sabi nya at akmang aalis ng hinawakan ko yung braso nya.boset talaga tong kupal na to walang puso!

"Siraulo ka!wala kang puso!" Sigaw ko habang pinaghahampas sya sa muka hanggang sa mabura nang tuluyan yung kupal nyang muka.The end.

Pero syempre joke lang yun dapat maging magalang ako aba mabuti ng sigurado adik pa naman tong lalaki na to.

"Oh ano?" Iritadong tanong nya.

Kala mo ba ikinagwapo mo yan?lul muka kang gwago!

"Ano ba yung ipapagawa mo?" Alangang tanong ko habang kumakamot nang ulo kong may kuto na yata punyemas talaga ihahambalos ko sa ate kong kutuhin tong kupal na to eh.ishishare pa sakin yung kuto eh boset!

Napatingin ako sa reaksyon nya at nakita kong nakangisi sya.

"Oh anong nginingisi ngisi mo dyan?"tanong ko "muka kang aso dakyu!" Gusto ko sana idugtong yun kaso wag na baka magalit ulit eh.
Aba kahit napaka ganda ko takot ako sa halimaw (connect?!)

"Get in" sabi nya habang nakangisi parin.

Waaaaahh!hindi kaya...
No hindi pwede!..
Baka....
Baka...

Niyakap ko yung sarili ko habang nakatingin sa kanya.

"Wag po koya" pabebeng saad ko. Aba kahit ganito ako may  kapabebehan din akong taglay.

Nakita kong nawala yung pagkangisi nya at nagsalubong ang kilay nya.

"What the hell?!" Seryosong saad nya.

Mas niyakap ko pa ang sarili ko na mas kina kunot ng noo nya.

"Bata pa po kasi ako koya..marami pa po akong pangarap..kaya wag p--ARAY!"hiyaw ko nung binatukan nya ako ng pagkalakas lakas,boset talaga to!.

"Tumigil ka nga kadiri ka muka kang tanga tss. Para sabihin ko sayo miss may taste naman ako!at wala ka pa sa kalahati non,mandiri ka nga!"sabi nya.

Inayos ko ang sarili ko at nameywang sa kanya.

"Aba'y malay ko ba!sabi nila kapag manyakis daw wala daw pakealam sa panlabas na itsura,kaya who knowing right?" Sagot ko.

"Tch bakit ba pinagpipilitan mong manyakis ako?eh hindi naman yun totoo ha?tsaka yang itsura mo kamanyak manyak?!aba miss malala ka na" Sabi nya at nameywang din sa harap ko.

Aba aba sinusubukan talaga ako netong hinayupak nato ah.

"Aba!Hoy g*go!for your informationing kahit ganito ako proud akong maganda ako tsaka ikaw?bakit kita tinatawag na manyak?nakita ko lang naman sa iphone mong made in china na may babaeng nakahubad don!"sigaw ko na nagpalaki ng mata nya.

"W-what d-did you j-just s-say?" Gulat na tanong nya.

Aba akala mo ba hindi ko nakita yon?ulul!!Lizzy the great ata to!

"Bingi ka ba o sadyang slow ka?tss muka ka namang mayaman pero bakit wala kang kwentang kausap?"sabi ko at napairap sa kawalan.

"What the fuck?" Punyemas paulit ulit.

"Wala ka bang ibang ma saying kung hindi 'watdafak?'" Tanong ko.

"Tss insane" pagkasabi nya non tumalikod na sya agad at sumakay sa kotse nya.

Aba akalain mo nga naman lizzy the great nakalimutan na ata nung hinayupak yung utang ko?yahaayy may nagagawa pa palang matino yang kadaldalan ko no?hayst bat ba ngayon ko lang nareali--

"Nga pala,susunduin kita bukas dito sa bahay nyo.papalampasin ko muna katangahan mo ngayong araw pero sana .." Nakatalikod parin sya sa akin habang patuloy sa pagdakdak.

".....magtoothbrush ka!ang baho ng hininga mo miss nanununtok putspa" sabi nya at sumakay na ng sasakyan nya.

Nagulantang ang buong maganda kong pagkatao sa pagharurot ng kotse nya.

Boseeeet kaaa!!!

Pasimple kong binugahan ng hangin ang palad ko para kompermahin yung sinabi ni kupal.

"Hindi naman eh slight lang OA lang talaga yung hinayupak na yun tss" sabi ko at bumalik na sa bahay.

Sa ngayon ang iisipin ko nalang ay kung paano ako makakatakas sa hinayupak na yo--

"ARAY KO POTA!"sigaw ko ng matapilok ako.

Jusko talaga masasapak ko mayari ng kahoy na nakaharang sa daan ko pigilan nyoko!

Padabog akong naglakad patungo sa aming munting bahay.

***

Ang alalay kong TANGAWhere stories live. Discover now